Pag-karating sa opisina ay hinagilap ng mata ko si apollo, sakto namang nakita ko sya sa kabilang table. Nakasuot ito ng white polo.
Napaka-gwapo nyang tingnan doon kaso lalambot-lambot.
"Yan lang ang nakuha mo?" Galit na tanong ni Apollo sa akin.
Iyon ang naging reaksyon ni Apollo nang ibigay ko ang recorder sa kanya.
"Oo eto lang, sadyang ayaw talaga nilang sabihin." Ngumiwi ako.
"Ito na ang USB nakuha ko na ang copy nyan." Kumunot ang noo ko nang biglang tumayo ito at umalis.
What's wrong with apollo?
Wala dapat syang karapatan magalit dahil una sa lahat sa kanya ito galing at pinasa lang nya pangalawa, sya dapat ang pumunta at mag interview sa lugar na iyon nang hindi ako madamay sa ginagawa nya.
Hindi ko alam na ganito ang may trabaho na, nawawalan na ako ng oras kay mika at sa asawa ko.
Kailangan ko nang matapos ang kaso na ito sa madaling panahon dahil baka nakakahalata na sila sa galaw namin.
Sa labing-walo na ang anibersaryo namin ni chill, ano kayang pwedeng ibigay sa kanya? ika-labing-isa na ngayon.
Palabas ako ng building para kumain sana sa karinderya nang tawagin ako ni kuyang guard.
"Bakit po?" Lumapit ako dito pero nagulat ako nang may hawak itong box para ibigay sa akin.
"May nag iwan po nyan dito, ang sabi ay ibigay ko lang sa inyo. Wala rin po syang binigay kung kanino galing."
Binitbit ko lang ito at dinala sa karinderya, umorder lang muna ako at hinintay maluto ang ulam.
Inilibot ko muna ang mata at hinanap kung may nakalagay kung kanino galing pero wala. Pag-ka bukas ko sa box na pula ay ganon na lang ang gulat ko nang may laman iyon na sisiw!
The heck?? Pinagloloko ba ako nito?
"Ma'am ito na po ang order nyo." Inabot nya sa akin ang order ko na nilagang baka. Sakto namang nakita nya ang sisiw sa loob ng box. "Ay wow ma'am mahilig po pala kayo sa sisiw? ang cute po ng isang iyan."
Mapakla akong ngumiti.
Itinabi ko lang pagkain sa gilid at hinalungkat ang box.
Poor Iris still wondering who's the killer? I thought you are great detective? Then why small cases still unsolved?
Nailukot ko ang papel nang mabasa ang sulat pero may kasama pa itong isang papel kasunod namang binasa ko ay iyon.
You can ask ________
Steps:
1.) Get the 2 first letter the gift I gave to you.
2.) The date today.
3.) Good luckNapamura ako nang hindi malaman ang kung kanino pwede mag tanong.
Binalik ko ang sisiw sa box at binitbit papasok ng opisina. Hinagilap ko si apollo pero wala sya doon.
"Looking for Apollo?" Nagulat ako nang biglang sumulpot sa tabi ko si Thirdy.
"Gago nagulat ako. Oo hinahanap ko sya, Nakita mo ba?" Inilibot ko muna ang mata ko sa loob ng office. Ibinalik ko ang mata ko kay thirdy.
Seryoso itong nakatitig sa box na hawak ko.
"Saan mo nakuha iyan? Sino nag bigay sayo?" Sunod-sunod nyang tanong.
"Ah hindi ko nga kilala e, bigla lang ako tinawag ni kuyang guard tapos inabot sa akin itong box." Turo ko sa box.
Hinatak ako ni Thirdy patungo sa loob ng office nya kaya naman ay sobrang nag tataka ako nang makita ko rin ang kaparehang box na ibinigay sa akin.
"Meron din ako nyan, hindi ko rin alam kung kanino galing." Turo sa box.
"Baka ito na ang sagot sa lahat ng katanungan natin Thirdy." Ang mga mata ko ay nakatingin lamang sa box.
- Binibining Lara
![](https://img.wattpad.com/cover/314778241-288-k863379.jpg)
YOU ARE READING
His Hidden Past | COMPLETED
Mystery / ThrillerAchilles is a man who hides his identity and past from his wife Iris, a female detective. They are the perfect family: A loving couple with a daughter who adores her parents so much. She starts her new life with her new husband, Apollo. But, the pro...