CHAPTER 30

29 5 0
                                    

Dahan-dahan kong binuksan ang itim na pinto. Sinalubong ako ng malamig na buga ng hangin na nagmumula sa air conditioner. Habang ang aking mga mata ay nakatingin lamang sa lalaking nakatalikod at nakatingin lamang sa bintana.





Kinuha ko ang glock pistol ko sa gilid at itinapat sa likod ng lalaki. "Taas kamay!" Sigaw ko, tanging boses ko lamang ang naririnig sa buong kwarto.





Haharap sana ito sa akin, nang sigawan ko s'ya. "Huwag kang gagalaw!" Pinilit kong itaas ang aking binti para maitukod sa likod n'ya upang hindi makagalaw.





The man is wearing a black rain coat with umbrella on his hand. Habang ang mga kamay ay nakapatong sa lamesa.





"Hindi kita sasaktan." Aniya ng baritonong boses at mas malamig pa sa yelo kung magsalita.





Dahan-dahan itong humarap sa akin. Ang mga matangos n'yang ilong, makapal na kilay, singkit na mga mata, mapulang labi at may kahabaang buhok ang sobrang pamilyar sa akin.





Nanigas ako sa aking kinatatayuan, ang labi ko ay nakaawang at ang aking mga kamay ay nanginginig. Pinipilit ko na mag-salita at humugot na salita pero walang lumalabas.





Lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking mga kamay na nanginginig, at ibinaba nya ang pistol na nasa kamay ko sa malapit na lamesa.





"A-apollo." Sa wakas ay may nailabas narin akong salita." Hindi ko namalayan na tumulo na ang mga luha ko. "Totoo ba ang mga hinala ko, Apollo?" Nakatingin ako sa mga mata n'ya, walang mga emosyon 'yon.





Kinuha n'ya ang posas na nakasabit sa bulsa ko at inabot sa kamay ko. "Ilagay mo sa akin." Umiyak at patuloy pa rin ang pagbagsak ng luha ko. "Ilagay mo na, Isabelle!" Sigaw n'ya, kaagad ko namang inabot 'yon at marahang inilagay sa mga kamay n'ya.

"T-totoo ba ang lahat ng ito, Apollo o panaginip lang? Please gisingin mo ako, gisingin mo ako mahal." Nag mamakaawa kong saad.





"N-nakapatay ako mahal, napatay ko sila." Inabot ko ang pisngi n'ya.





"H-hindi 'yan totoo, mahal okay? Pagtatakpan kita, 'wag kang mag alal-" Pinigilan n'ya ako gamit ang kan'yang dalawang kamay na mag kadikit ay iniligay 'yon sa tapat ng mga labi ko.





"Huwag mahal, hindi ba't sabi ko sa'yo na maging tapat sa trabaho." Yumuko ito. "Hindi ba, Iris?" Inilat ko ang aking noo sa kan'yang dibdib at ibinuhos ang mga natitirang luha.





Pinipilit ko pakiramdam ang aking sarili, bakit hindi na ako kumakalma sa tuwing na sa bisig nya ako? Bakit nawala kaagad ang nararamdaman ko? Hindi, hindi ito ang ginusto ko. Gusto kong magpakalayo at takbuhan ang nangyayari, takbuhan si Apollo. Pero bakit mas pinipili kong mag pahinga sa mga bisig nya, gayong wala na akong nararamdaman, hindi ko na nararamdamang nasa tahanan na ako, bakit hindi ko na maramdamang s'ya ang pahinga ko?





"Mahal ko, Apoll-" Nagulat ako nang itulak n'ya ako. "M-mahal? B-bakit?"





"Hindi ako si Apollo, hindi Apollo ang minahal mo. A-ako si Asher. Kapatid ni Apollo." Yumuko muli ito at muling nagsalita. "Pinatay nyo ang kapatid ko! Kayo ang dahilan kung bakit namatay si Apollo! Tangina nyo!" Sigaw nito at tumingin sa akin walang mababasang emosyon sa kan'yang mga mata kundi galit at hinanakit.





Kinuha nito ang pistol sa lamesa at itinutok sa katawan ko. "Hindi ba't matalino ka, Iris? Then why small cases still unsolved?" Lumapit ito nang marahan papunta sa akin. "Maganda ka sana pero b*bo ka!" Sigaw nito nang makalapit sa mukha ko at idinikit ang dulo ng baril sa noo ko.





"Huwag please, maawa ka sa anak ko. Maawa ka A-asher." Bumaba ang tingin n'ya sa t'yan ko.





"Hindi naman sa akin 'yan, parehas sa'yo nanggagaling ang dugo't laman, bakit hindi ko pa isama sa puntod mo?" Ang mala-demonyo n'yang tawa ang sumakap sa loob ng kwarto.





Hindi na ito ang Apollo na kilala ko, hindi na ito ang Apollo na pinakasalan ko na sana ay makakasama ko habang buhay hanggang sa kabilang buhay.




- Binibining Lara

His Hidden Past | COMPLETEDWhere stories live. Discover now