Time flies so fast, I'm now 8 months pregnant. Ang pagiging isang detective ay hinahanap-hanap ng aking puso. I decided to go back to work, habang ako muna ang pumalit kay Apollo.
"Welcome back to work, Iris." Lumapit sa akin si Kim at hinimas-himas ang tiyan ko. "And welcome to your baby too, ang laki na n'ya. Kailan ka manganganak?"
"January pa Kim. Hindi ko rin sigurado ang exact date pero malapit na s'yang lumbas." Binigyan ko s'ya ng ngiti.
"Hindi ba mas delikado sa'yo ang mag-trabaho habang buntis ka?"
Umiling ako.
"Kailangan din dito at tsaka hinahanap-hanap ko talaga ang maging isang detective."
"Oh wow, Iris. Welcome back!" Pagbati sa akin ng boss ko.
"Thank you boss. Kailangan talaga mag-trabaho dahil gusto ko ito, matagal ko na rin itong pangarap. Susuko pa ba ako?" Tawa-tawang ko'ng saad.
Umupo ako sa malapit na upuan at kinuha ang folder na inabot ni Kim. "Tungkol saan ang kaso na 'to?" Pinakatitigan ko nang maigi ang litrato ng isang lalaki na duguan at puro basag na bote ng beer ang na sa sahig.
"Ang pinaghihinalaan namin dyaan ay yung huling kainuman n'ya pero walang nakakapagsabi kung sino." Kumunot ang noo ko at bumaling sa kaniya.
"Paano mo nasabi na may kainuman s'ya?"
"Our team found a two pieces of glass and a five beer. Siguro dahil sa initan, ay nauwi sa patayan." Umiiling-iling si Kim.
"May cctv pa sa lugar na pwedeng panoorin?" Kinuha n'ya ang USB sa bulsa n'ya at binigay sa akin.
"Ito, panoorin mo. Nakuha namin 'yan sa barangay captain ng lugar nila and I guess hindi 'yon napansin ng suspect dahil sa sobrang taas n'yon."
Isinaksak ko ang USB sa laptop ko at pinanood. Hindi makita ang suspect dahil naka hoodie jacket ito at Gabi na rin sa lugar.
"Alam na ba ito ng pamilya n'ya? Or alam na ba ng mga media?"
"Wala, hindi pa alam ng media pero alam na ng pamilya n'ya. Ang bilin lang namin sa kanila ay huwag maging maingay dahil maaaring pag initan sila at balikan."
"Meron ba kayong nakalap na iba pa na evidence? Knives or fingers prints?"
"Yes, here." Pinakita n'ya sa akin ang mga pictures sa phone nya.
"Ito lang ba ang bago na krimen? Ito pa lang ang napatay nya?" Pinakatitigan ko nang maayos ang finger prints. Ang mga guhit ay hindi pamilyar sa akin. Samantalang ang kutsilyo ay pare-parehas ang laki.
"Anong pangalan ng pinatay?" Hindi ko alam pero bigla nalang 'yong tanong lumabas sa bibig ko.
"H-ha ah Vincent Garcia. Bakit mo pala natanong? Wala naman nag tanong n'yan sa akin." Kumamot ito sa ulo n'ya at sinuklay ang mahaba n'yang buhok.
"What do you mean? Kilala mo s'ya pero hindi mo sinabi ang pangalan n'ya sa kanila?" Pinakatitigan ko s'ya nang maayos.
"Ang akala ko naman kasi ay hindi 'yon importan-" Pinutol ko ang sasabihin n'ya.
Nilapag ko ang folder na hawak. "Kailan pa hindi naging importante ang pangalan ng pinatay, Kim?"
"Chill, Iris. Buntis ka pa naman." Buntong-hininga ito. "Sorry okay? Nakalimutan ko lang."
Kumalma naman ako habang pinapapaypayan ang aking mukha gamit ang aking kamay.
"Give me the address." Nag-aligaga namang binuksan ni Kim ang phone.
"I'll send you the address nalang sa messenger. Pero anong gagawin mo dito?"
"Hiningi ko lang." Binigyan ko s'ya ng ngiti at tumayo upang lumabas sa building.
- Binibining Lara
YOU ARE READING
His Hidden Past | COMPLETED
Mystery / ThrillerAchilles is a man who hides his identity and past from his wife Iris, a female detective. They are the perfect family: A loving couple with a daughter who adores her parents so much. She starts her new life with her new husband, Apollo. But, the pro...