Nakita ko ang camera na hawak ng lalaki, nakalagay ito sa tripod. "Ano 'yan? Naka record ba ang pangyayari kanina?"
Mabilis itong kumilos at binigay sa akin ang camera. "Vlogger po kami, naka record at naka on po 'yan."
Inabot ko ang camera, binuksan at sinimulang panoorin ang video.
Hi Guys! Welcome to my vlog! Birthday ngayon ni Kumi at isusurprise natin s'ya. Ayan na paparating na s'ya.
Saad ng lalaki sa video. Nang hinawi n'ya ang camera sa bandang gilid ay nakita ang isang lalaki na nakatayo sa di kalayuan. Naka-suot ito ng kapote at may hawak na timba na puti. Mabilis ang galaw nito at biglang nawala sa anggulo ng camera.
"Kumi baby! I'm here!" Sigaw ng lalaki sa camera.
Nang makita nila ang isang switch ng peris wheel ay binuksan nila ito at umilaw nang napaka-ganda at liwanag.
"Nagustuhan mo ba baby? Para 'yan sa'yo." Hinalikan ng binata ang dalaga sa noo.
"Sobrang gusto ko, Xian. Thank you so much." Mabilis na inakay ng lalaki ang babae papunta sa kinaroroonan ng Peris wheel at hinawi ang mga karton at basag na bote sa sahig. "Hindi ba 'to delikado, Xian? Makaluma na kasi 'to." Umiling ang lalaki at sumakay sa peris wheel.
"Halika sumakay ka."
Ang paligid ng Peris wheel ay punong-puno ng kulay lila at bughaw. Mas lalong pina-romantiko ang paligid.
Nang makapasok ang dalawa sa loob ay muling nag salita ang lalaki. "Dapat akong magpasalamat sa Diyos dahil dinala ka sa mundong ito labinsiyam na taon na ang nakararaan." Binuksan ng lalaki ang isang box na kulay pula. "Happy Birthday Kumi, I love you so much."
Ngumiti ang babae sa video at ang mga mata ay kumikinang. "Corny." Maikling saad nito. Binuksan ng lalaki ang box at lumantad ang kulay gintong kuwintas. "Ang ganda, Xian."
"Isuot ko ba sa'yo?" Tumango ang dalaga habang ang mga ngiti ay hindi parin natanggal sa maamong mukha. "Ayan! Ang ganda mo, Kumi. Happy birthday and I love you." Yumakap ang lalaki sa babae ngunit, nagulat ang lalaki nang sumigaw ang babae.
"Xian, tingnan mo! May patay sa kabila!" Parehas na nagsisigaw ang mag kasintahan nang makita ang nakabukas ang mata ng isang katawan. Sinabayan pa ito nang malalakas na kulog at kidlat.
"Pwede na kayo maka-uwi, lovers." Saad ni Thirdy. "Itong camera, sa amin lang muna ito o di kaya'y kukuhain lang namin ang card sa loob." Tumango ang dalawa. "Magiingat kayo."
"Sir, nakakita po kami ng isang bahay malapit sa area na 'to pero wala po ang tao doon at halatang luma na rin po ang bahay. Gusto n'yo po ba na pasukin natin ang bahay?" Saad ng isang lalaking may hawak na payong.
"Buksan n'yo, sumama ka sa kan'ya Iris. Baka makatulong ka pa at hindi ka lang nakatayo dyaan." Masungit na saad ni Sir Christian.
Sumunod ako sa lalaking may hawak na payong. Pumasok kami sa loob ng bahay at tumambad sa amin ang napaka-bahong amoy. Ang mga ilaw ay pundido na, ang mga bote ng alak ay nagkalat sa sahig, ang nagkakapalan na alikabok ay nasinghot ko kaya napa-bahing ako.
Pero hindi makakaligtas sa pandinig ko ang nagsara na pinto sa 'di kalayuan. "Narinig mo ba 'yon?" Tanong ko sa lalaki habang iniiwagan ang loob ng bahay.
"Ang alin po?" May pagtataka sa mukha nito. Kinuha ko sa kan'ya ang flashlight at mabilis na iniwan ang payong at umakyat sa hagdan.
Nagulat ako nang makita ang isang pinto na may siwang at may naka-bukas na ilaw mula sa loob. Mukhang hindi kami nagiisa sa bahay na ito.
- Binibining Lara
YOU ARE READING
His Hidden Past | COMPLETED
Mystery / ThrillerAchilles is a man who hides his identity and past from his wife Iris, a female detective. They are the perfect family: A loving couple with a daughter who adores her parents so much. She starts her new life with her new husband, Apollo. But, the pro...