Chapter 4

518 17 7
                                    

Eleven.

"Good morning, asawa ko!" bati ko sa kabababa lang galing kwarto. "Kumusta yung tulog mo?" tanong ko sa kaniya.

Pero dahil si Amber siya, hindi niya ako sinagot. Hindi namansin.

Ang sungit talaga ng asawa ko. Hmp.

"What's that?" tanong niya sa mga plastic bags na nasa ibabaw ng dining table. 

"Ah," napakamot ako. Alam naman niya siguro kung ano ba yan. "Nag grocery na kasi ako."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Bukas ka pa naka schedule mamili ng mga grocery." sabi naman niya na nagdududa. 

Paano ko ba sasabihin na inagahan ko talaga mag grocery ng isang araw dahil may lakad ako bukas? 

"Trip ko lang?" kamot kong hindi siguradong sagot.

Tinignan niya yung mga pinamili ko ngayon. Binigay ko sa kaniya yung sukli ng pinamili ko dahil gastos niya 'tong mga 'to. Ayaw niyang ako yung gumagastos dahil ayaw niya daw magkaroon ng utang na loob sa akin through financially. Ewan ko ba sa kaniya. Mag asawa naman kami. Wala naman akong isusumbat sa kaniya. 

Tinignan niya yung mga plastic na puro mga paborito niyang pagkain. Napangisi siya kaya palihim akong napangiti sa tuwa. 

"Binili ko yung mga paborito mo." nilabas ko sa plastic lahat ng mga sinasabi kong mga paborito niya at nilapag sa lamesa. "Tadah!"

"Who the fuck told you na paborito ko yang lahat?" kunwaring pagsusungit pa niya na nakataas ang kilay sa akin. Humalukipkip pa.  

"Nararamdaman ko lang."

"Nararamdaman mo lang?" sarkastiko niyang ulit sa sinabi ko. 

"Nakikita kita parating pinapapak yang mga yan eh." sambit ko. "Nagdadabog ka pa kapag naubos na. Kaya hindi ko kinalimutang bilhin yang mga yan, asawa ko." paliwanag ko. 

"Nakikita kita na yan yung mga pagkain na lagi mong nauuubos kahit isang araw pa lang." tuloy ko paring paliwanag. "Napapansin ko ring nagdadala ka sa gabi niyang mga yan sa kwarto mo."

"How the fuck did he know that?" rinig kong bulong niya.

"Napapansin ko nga, asawa ko." ulit ko na may kalmadong tono.

"That little things?"

"Especially the little things, asawa ko." ngiti kong paliwanag sa kaniya.

"Stop calling me that fucking endearment." kalmado niyang sabi na may maawtoridad na tono. 

No. 

Ang sarap kayang tawagin kang asawa ko, Amber.

"Huwag kang kukuha ng mga 'to." paalala niya sa akin. "Lahat ng mga 'to."

Tumango akong nakangiti. "Oo naman, asawa ko." sagot ko. "Binili ko lahat yan para sa'yo. Pera mo yan eh." may mga pinamili rin ako para sa akin, nasa kwarto ko na. Sarili kong pera yun, syempre. 

Kumuha na agad siya ng isa at nagsukbit ng bag sa balikat. Napakunot yung noo ko. Mukhang maraming dala yung bag niya. 

"Ako na, asawa ko." hinayaan niya lang akong bitbitin yung bag niya. "Baka mabigatan ka."

May sinabi siya pero pabulong. Hindi ko narinig nang maayos. "Ano yun, asawa ko?"

Hindi siya umimik.

"Hindi ko narinig."

"Dapat lang."

Dapat lang? Dapat lang na hindi ko narinig? 

"Damot." nguso kong bulong. 

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon