Chapter 54

464 19 3
                                    

Raven.

"Cheers, parekoy."

"Cheers."

Inilapit ko ang baso ko sa kaniya para makipag cheers. 

Mas maigi na makipag inuman ako rito kaysa nasa bahay ako. Hindi ko yata kakayaning mag stay doon nang may nangyayari sa itaas ng kwarto. 

Takte. 

Sana hindi ko na lang nakita. 

"Thank you for letting me stay here." tipid kong ngiting sinabi kay Six. Mabuti na lang at may matutuluyan pa ako sa mga kaibigan ko. Siya na lang yata ang single na pwede kong maistorbo at matulugan. 

"Walang problema, parekoy. Alam ko namang malinis ka sa kwarto kaya siguradong wala akong problema sa'yo dito." sambit niya. "Pero huwag masyadong matagal ha."

"Ngayong gabi lang siguro or baka hanggang bukas."

"Basta huwag isang linggo." paalala pa niya. "Mapagkamalan pa tayong nag lilive in dito eh."

Binuksan ko yung dalawang butones ng polo ko habang iniinom ko yung hawak kong alak. Dalawang baso pa lang pero pakiramdam ko, mainit na sa katawan.

Ngayon lang ako nakapunta dito sa loob ng condo ni Six, dito sa Pilipinas. Pareho lang aming bagong balik dito kaya bagong bago talaga yung condo niyang tinitirhan ngayon. 

Nakakatuwa lang na naging ganito yung buhay niya pagkauwi niya dito sa Pilipinas. Hindi niya na kailangang mag rent pa ng apartment at rumaket sa kung saan saan para makapagbayad lang ng mga bills. Hindi na siya katulad ng dati.

Nakakatuwa rin na may matutulugan ako sa tuwing kailangan kong umalis sa tabi ni Amber. 

Lalong lalo na kapag ganun siya.

Aba. Tatakasan ko talaga siya.

"Bakit ba ayaw mong matulog doon, parekoy?" curious na curious yung mukha niya na nakakunot sa akin. Kailangan ba niyang malaman? "Ang ganda na nga ng kwarto mo, ang ganda pa ng inuuwian mo."

Ano? Nagagandahan siya kay Amber? "What did you say?"

"Ang ganda na ng kwarto mo."

"No, the other one."

"Ang ganda kako ng inuuwian mo."

Aba't—! "Do you like Amber?" mabilis kong tanong. 

"Huh?"

"I said do you like Amber?"

Kumunot ang noo niya na mabilis ring nagbago ang ekspresyon. "Hangal! Ang sabi ko, ang ganda na ng inuuwian mo kasi bagong renovate at bagong pintura. Yung bahay kako!"

Ah.

I thought it was something else.

Hindi naman kasi niya inayos ang wording niya. Hindi ko maiiwasang maiba ang pagkaintindi ko. Ayusin niya sa susunod, epal siya.

"Bakit dito mo pa gustong matulog?" tanong niya na naman sakin. Hindi talaga siya titigil hangga't hindi nakakasagap ng chismis. "May lalaki ka bang nakita sa kwarto niya?"

Hindi naman yun yung dahilan.

Pero siya lang. N-Nakahubad p-pa.

"Sinadista ka ba?"

Ewan? Sa imahinasyon niya kanina, oo?

"Marami na naman bang pinapagawa sa'yo?"

Base sa narinig ko kanina habang ginagawa niya yun, oo?

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon