Chapter 58

490 21 1
                                    

Raven.

Halos magising ang diwa ko sa naririnig kong relaxing na music sa buong kwarto. Nakakarinig ako ng instrumental music na Jazz. Meron pa akong naririnig na sinasabayan ang instrumental ng pag humming na nag eecho sa loob ng banyo dito sa kwarto ko. 

Napadilat ako ng mata. 

Parang umiikot ang paningin ko pagkadilat ko pa lang. Sobrang sakit rin ng ulo ko na parang anytime ay susuka ako sa kama. 

Anak ng.

Nakarami yata ako ng inom kagabi. 

Ilang baso ba yung tinira ko at ganito yung pakiramdam ko ngayon? 

Parang ang bigat bigat ng katawan ko at ang sakit sakit ng ulo ko. 

Kung ganito lang yung mararamdaman ko parati kapag nalalasing, hindi na ako iinom. Nakng. Ang hirap tuloy bumangon. Ang hirap tumayo. 

Hanggang ngayon, may naririnig parin akong nag huhumming na malakas sa loob ng banyo. 

Sinong nandoon? Sinong naliligo? May kasama ako dito? 

"Ah, shit!" pambihira! nandito nga pala si Amber sa Ilocos. Kasa kasama ko ngayon sa kwarto. Hindi umuwi kagabi at mukhang. . .nagkatabi pa kami buong magdamag. 

Ang sabi ko sa sofa ako matutulog. Bakit ako nandito sa kama?

Narinig ng tenga ko yung pagbukas ng pinto sa banyo. Halos lumuwa yung mata ko sa nakita ko.

Hubo't hubad ang katawan na nagpapatuyo ng buhok gamit ang tuwalyang lumalabas ng banyo! 

Anak ka ng! 

Bakit siya walang saplot na lumabas? Kailangan ba talagang lumabas siya ng banyo at maglakad lakad sa kwarto ko nang walang suot o kahit na nakatapis man lang? 

Malakas ang paglunok ko. Sunod sunod. 

Wala ako sa sariling. . .titigan yung kabuuan niyang nakatalikod. Naghahanap ng maisusuot niya sa cabinet ko. 

W-Wala ka diyang mahahanap na damit. Hindi ako nagdadala ng damit mo dito.

Pero nagulat ako sa hinawakan niyang damit.

Anong. . .bakit. . .bakit yan ang isusuot mo? 

Hawak hawak niya yung hanger na may polo kong nakasabit. Parang yun ang balak niyang suotin, kahit hindi kaniya.

Yan pa naman ang paborito ko! Yan pa ang aarborin niya? Wala ba siyang dalang sariling damit?

Kahit na anong reklamo ko sa ginagawa niya ngayon, mabilis rin naglaho. 

Dahil hindi na napigilan ng dalawang mata kong tignan yung kabuuan niya habang nakatalikod siya sa akin ngayon na busy parin sa paghahanap ng maisusuot. Hindi parin desidido sa kaninang polo na hawak hawak niya kanina.

Kahit na anong gawin kong pag iwas ng tingin, hindi ko magawa.

Hindi ko maikakaila, napaka ganda ni Amber.

Sobrang perpekto ng katawan niya sa paningin ko. Kahit man na sabihin niya sa aking hindi, sa puso't paningin ko, totoo ang sinasabi ko.

Nakakadagdag lalo ang basang buhok at basang katawan niya para maappreciate ko yung kabuuan niya.

Ibang iba talaga yung dating niya. Nahihirapan akong iwasan tignan.

Walang nagbago sa figure niya sa anim na taon na hindi ko siya nakita, pero sigurado akong napaka ganda niya parin kahit magbago yun. Tumaba man o mas pumayat.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon