Alternative Chapter 1 [Ch 1]

269 14 2
                                    

important note:

this is just an alternative chapter. meaning to say, hindi siya part ng buong kwento pero nagka possibility na naging part siya ng story. kinakalkal ko lang 'to sa utak ko, yung mga other version. mga possible version noon. ishashare ko na lang rin sa inyo, baka interested kayo sa version na 'to.  

i might add more. 

depende.

to give you some context before you read this chapter, ito yung other version bandang chap 49 ata hehe. di ko na maalala. baka tanda niyo pa yung story at magets niyo san banda yung chapter na to. 

yun lang, enjoy.

Amber.

I never woke up this happy in my entire life. 

It's not comfortable sleeping on an airplane but it doesn't matter at all. 

Malapit na mag land yung airplane na sinasakyan ko kaya mas lalo akong nakaramdam ng saya sa katawan ko. 

After six years of waiting to see him again, finally. . . .makikita ko na rin siya ulit. 

I've been waiting for this to happen. Sobrang tagal ng panahon akong nag antay.

Hinanap ko siya for six years. Kahit ilang beses akong nawalan ng pag asa, hindi ko naisipang sumuko. Ayaw ko siyang sukuan.

It wasn't easy thing to do. Especially if you're that desperate to see him again. 

I love him so much and I never stop loving him even if hindi ko siya nakita at nakausap nang ganon katagal. 

Hindi kailanman nabawasan yung pagmamahal ko sa kaniya. Kung gaano ko siya kamahal noon, ganon ko parin siya kamahal ngayon.

Kaya ganito na lang ako kasaya ngayon. Sino bang hindi sasaya ngayon na makikita mo na ulit yung taong pinakamamahal mo? Yung taong gustong gusto mong makita.

Ngayon nagkaroon ako ng pagkakataon. Yung chance na matagal ko ng pinangarap na mangyari.

The reason why I have the chance to finally meet him again is because their company needs help. 

It wasn't actually me who found him. 

It was Klarisse. 

Siya rin yung nag offer kay Eleven to help him.

By merging.

By marrying me. Again. 

It was all her idea.

Hindi ko alam na nag offer na pala siya ng help on behalf of our family business para kay Eleven without my knowledge. Without consulting me first.

Ni hindi ko nga alam na nahanap niya si Eleven sa America. Akala ko nasa America lang yung kapatid ko for her quarterly check up.

She never said anything.

Sinikreto niya sa akin na pagdating pa lang pala ng America ay kasa kasama na niya si Eleven.

She should've said something nung una pa lang. Alam na alam naman niyang matagal ko na siya ulit gustong makita.

Naiinis ako ng sobra kapag naalala kong hindi niya sinabi sakin na abot kamay na niya yung taong mahal ko.

But. . .at the same time, I'm thankful for her. I can't deny that.

Kung hindi dahil sa kaniya, baka iba yung mapakasalan ni Eleven for business purposes.

Kung hindi dahil sa kaniya, hindi kami magiging mag asawa ulit. Hindi ako siguro ganito kasaya.

Sinabi niya na lang talaga nung kinakailangan na ng kumpanya nila ng tulong sa amin.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon