Raven.
[note: after 'to ng point of view ni Amber. bale kasunod siya. thanks.]
Present time. . .
From: Amber Luanzon
love.
received 10:00 pmwhere r u?
received 10:00 pmsan ka na, love?
received 10:20 pmwhere the hell r u? i thought u were home.
received 10:20 pmhindi pa tayo tapos sa ginawa natin sa office. nasan ka na ba? para matuloy na natin.
received 10:21 pmplease answer ur phone.
received 10:25 pmi've been calling you hundred times. answer ur phone love.
received 10:25 pmni hindi mo nga yata binabasa messages ko. where the hell are u?
received 10:25 pmnasan ka na naman?
received 10:26 pmpupuntahan kita. sabihin mo kung nasan ka.
received 10:28 pmLOVE.
received 10:45 pmlagot ka talaga saken pag nakita kita. di na kita patutulugin mag isa. tatabihan na talaga kita para alam ko kung aalis ka o hindi.
received 11:00 pmMagdamag at maghapon laman ng inbox ko si Amber. Hindi talaga siya tumitigil sa pagtetext sa akin kung nasaan ako.
Hanggang ngayon rin kasi, wala parin talaga akong sinasagot sa kahit na anong klaseng message niya. Kahit na anong tadtad niya sa akin, kahit isa hindi ko nireplyan. Ni tawag niya ay hindi ko sinasagot.
Pero sigurado akong bwisit na bwisit na yun.
Lalo na't kahapon pa ako wala sa bahay, wala pang balak umuwi.
Hindi ako umuwi ng bahay simula nung may nangyari sa aming dalawa sa opisina. Sigurado akong she was expecting me to be home since sabi niya ay hindi pa kami tapos sa ginawa naming kalat sa opisina nang may nakakita.
Wala akong maipakitang kapal ng mukha sa kaniya pagkatapos non. I didn't expect her to act like that sa opisina. Ni hindi ako nakapalag at hindi ko kayang makiusap na tumigil dahil hindi ko rin makontrol ang sarili kong hagkan rin siya pabalik.
Hanggang sa may nakakita na sa amin.
Ang nakaka bahala pa, hindi siya nakaramdam ng hiya sa nakakita. Nagalit pa siya na may biglang pumasok. Yung sekretarya na lang yung nahiya sa amin. Anak ng.
Ako nga nahiya, siya hindi.
Ang gusto pa nga niya ituloy namin yung ginawa namin pag nakauwi na siya ng bahay.
Alam kong hindi siya nagbibiro sa sinabi niyang yun dahil once na may binitawan siyang salita, alam kong seryoso siyang gagawin niya yun. Kilalang kilala ko parin naman pagkatao niya.
Kaya inunahan ko na siyang hindi matuloy yung balak niya. Hindi na ako umuwi ng bahay, dumiretso na ako dito sa Ilocos. Sa sariling rest house ng nanay at tatay ko.
Hanggang ngayon nandito parin ako simula kahapon pa. Malayong malayo sa kaniya. Hindi rin naman ako papayagan ng magulang kong sumaglit dito.
Naisip ko na rin na dito ako pumunta dahil kapag kay Six na naman ako nagtago, siguradong mahahanap niya ako kaagad katulad ng paghanap niya sa akin nung nakaraang gabi. Syempre, ayaw ko ng mangyari yun ulit!
Napaka daldal kasi nung hayup na yun. Nalaman tuloy ni Amber kung nasaan ako non.
Sa totoo lang, pagkatapos kong mabasa lahat ng mga text messages sa buong anim na taon na parang ginawa niyang diary, hirap na akong tignan siya sa mata at harapin. Dinagdagan niya pa ng rason para mas lalong hindi ko siya kayaning harapin o kausapin.
BINABASA MO ANG
my sadist wife (completed) (innocent guy series)
Художественная проза"Mahal na mahal ko siya, kahit sobrang sadista niya." - Eleven Date started: May 2016 (from the first acc) Date ended: 2019 Revised started: 2020 Revised ended: 2024 All rights reserved 2016.