Chapter 59

422 27 3
                                    

Raven.

"Lagyan na lang kaya kita ng salonpas sa likod?" alok ko dahil nagbago na yung isip ko nung makita ko na siyang nakahubad ang likod. Walang bra at lantad na lantad sa mata ko ang napaka sexy niyang likuran. 

Ayaw ko na talaga. 

Hindi talaga pwede. 

Baka madala ako ng tukso.

Kahit sabihin na nating hihilutin ko lang siya sa likod, hindi parin ako nakakasiguro na hanggang hilot lang 'to. Baka kung saan 'to mapunta.

Anak ng. 

"No." inis niyang sambit na tumagilid ang mukha para tignan ako nang masama. Nakadapa na siya na handang handa na talaga sa masahe. "Hindi sapat ang salonpas sa sakit ng likod ko."

"Pero—"

"Dalian mo na, Love." utos niya. 

"May salonpas naman ako dito—"

"Hindi ko kailangan niyan." inis niyang sambit. "Kamay mo ang kailangan ko. Masahe mo." sambit niya pa. "Besides, pumayag ka na kanina."

Napalunok ako.

"Please, Love." may lambing sa boses niya na nakakapanghinang tanggihan. "Please. Please. Please. Masakit lang talaga yung katawan ko."

"Wala akong panghilot dito—"

Bigla siyang may inabot. "Here."

Anak ka ng. 

Ang hirap namang tumanggi! Ang hirap magdahilan! Ginagawan lang niya ng paraan.

"Meron akong panghilot at wala ka ng ibang pwedeng maii excuse."

Huminga ako nang malalim. Kinuha ko yung panghilot nang masama ang loob. 

Bahala na. 

"Galingan mo, Love." sambit niya, nang aasar. "Bukas ng gabi, ako naman ang hihilot sa'yo."

"Kahit huwag na."

"No, I insist."

"Hindi."

"Basta hihilutin kita bukas para makatulog ka nang mahimbing." ngiti niya pang sabi. Hindi talaga nagpatalo sa akin.

Bahala ka na kung ano desisyon mo. Hindi ko naman makontrol kung anong iniisip mong gawin, Amber. Hindi naman kailangan eh. 

Pinapanalangin ko na lang na sana walang mangyaring iba habang ginagawa ko 'tong bagay na 'to.

Labag sa loob kong binuksan yung body oil. 

Malalim ang hiningang pinakawalan ko. Tinanggap ko na sa sarili kung anong inuutos sa akin ng mahal na reyna.

Para namang biglang glue yung mata kong hindi mawala ang paningin sa likod niyang napaka perpektong tignan. Hubad na hubad na napaka ganda ng hugis. Para kong kinakabisado yung imahe ng likuran niya.

ANAK KA NG.

Mabilis akong napailing. Hindi 'to pwede! 

Napakagat ako ng labi sa inis. Iniwas ang tingin. 

Hindi ako pwedeng maturn on! 

Pambihira ka, Elev—Raven! 

"Love?" tawag niya bigla. "Bakit hindi ka pa nagsisimula?"

Napangiwi ako. "Oo na, ito na."

Nakaiwas ang mga mata ko sa katawan niya bago dumapo yung dalawang kamay ko sa likuran niya. Ayaw ko siyang tignan, kung pwede lang mabulag na lang ngayon eh.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon