Chapter 35

335 21 18
                                    

Eleven.

I'm waiting for you. . .

Anak ng.

"Pambihira."

Biglang nanlaki yung mata ko sa sumunod niyang message sa akin na may picture niyang naka lingerie na kulay red. May isang litrato rin na wala siyang saplot pang itaas na nang aakit ang mukha.

Sa sobrang inis ko, naitapon ko yung cellphone ko sa tabing upuan ko dito sa taxi. Napahilamos pa ako ng mukha sa sobrang frustrated. 

Bakit mo ba ginagawa 'tong lahat, Brie?

Ayan ba ang sinend niyang mga picture sa asawa ko kaya galit na galit sa akin ngayon yun? 

Tapos sinabi niya pang pupunta ako doon para makipag sex sa kaniya?

Akala ko ba mag uusap lang kaming dalawa tungkol sa naging sagutan namin noong nakaraang araw? Anong ginagawa niyang 'to? Bakit niya sinabi yun? 

Kaya nga sana ako pupunta para hindi na ako makonsensya at maging okay na ulit kami bilang kaibigan. Para maging klaro lahat ng bagay. Pero sumosobra na si Brie.

Gusto ko siyang komprontahin kung bakit niya sinendan ng picture si Amber ng nakahubad siya.

Anong purpose? Para saan?

Kaso dahil nagalit yung asawa ko sakin, hindi na ko makakapunta. Nagalit tuloy siya sakin sa impormasyong hindi naman totoo.

Kinuha ko yung cellphone ko at nagtipa ng mga letra. Sinabi ko kay Brie na hindi na ko matutuloy dahil may kailangan akong gawin. Hindi na ako makakapunta, hindi na ako matutuloy. 

Dahil kapag tumuloy pa ako, mas lalong magagalit yung asawa ko. 

Uuwi na lang ako sa condo ko. Uuwi na lang ako, tutal masama rin naman pakiramdam ko dahil sa hangover ko. Marami rin akong nainom kagabi.

Tinapik ko yung taxi driver sa balikat. "Manong, 'di na po tayo tutuloy doon." sabi ko. "Uuwi na lang po ako sa condo ko."

"Saan na po tayo, sir?" sinabi ko sa kaniya yung lugar kung saan yung location ng pagbababaan ko. "Sige po."

Hindi na ko kinulit ng asawa ko ng mga text messages niya.

Pero ngayon, pinuputakte ako ng mga galit na messages ni Brie. Sunod sunod.

Malalim akong huminga. Nilalabas ko yung stress ko sa loob.

Ang hirap kapag ginalit mo yung mga babae. Ang stressful pa kasi hindi lang isa, kundi dalawa.

Galit na si Brie, galit pa si Amber.

Hinay hinay lang naman sana sila. Iisang tao lang ako.

Pero ngayon iniisip ko talaga, hindi ko alam kung paano ko haharapin yung asawa ko once na nagkita na kami.

Hindi lang kasi dahil sobrang galit siya sakin kundi dahil ang dami kong gustong itanong, ang dami kong gustong masagot sa mga tanong ko.

Kasi. . . .bakit? Ano ba 'to?

Tama pa ba 'to?

Hindi ko na kasi alam kung para saan yung galit na nararamdaman ng asawa ko sa kin tuwing may naiinvolve na Brie. Ano na ba yun? Selos na ba yon?

Ako na ba talaga? Tama ba yung mga sinabi ni Klarisse sakin? Ako lang ba talaga 'tong nagpupumilit na hindi totoo lahat ng mga nakikita ko kahit na sinasabi na nilang nandiyan na yung sagot?

Gusto kong itanong lahat ng yun. Gusto kong makakuha ng klarong sagot kasi nakakapagod mag isip.

Lumilipad lang talaga yung isip ko ngayon. Ni hindi ko na nga namalayan na nandito na ko sa building ng condo ko.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon