Chapter 57

464 23 2
                                    

Nababalot ng tuwa at pagnanasa si Amber ngayon sa lalaking pinaiilaliman niya. Sa tuwing pinagmamasdan niya ngayon si Eleven sa ilalim niya na pulang pula at nahihiya, mas nakakaramdam siya lalo ng init sa katawan.

Sobrang sabik na sabik siyang makuha siya ngayon lalo na't anim na taon niya 'tong hindi nakita. Ang tagal niya nang hiniling 'tong mangyari.

Wala na siyang ibang gusto ngayon kundi maramdaman niya nang buo si Eleven, yung lalaking mahal na mahal niya. Kaya hinding hindi na siya papayag na mawala pa 'tong tyansang 'to. Kahit wala sila sa sariling bahay. Kahit nasaan man sila.

Hindi na siya makakapayag na mahinto pa 'to. Hinding hindi na.

Kung nung nasa Bohol ay hindi natuloy, sa shower hindi natuloy, sa opisina hindi natuloy, ngayon hindi na pwedeng maituloy kahit na anong mangyari. Matagal na siyang nanabik nang ganito sa kaniya.

Walang tigil yung mapusok niyang labing hinahalikan sa leeg si Eleven. Wala siyang balak na sayangin kahit segundo man lang ng buhay niya na mahalikan, matikman ang pinaiibabawan niyang tao nang ganito.

Hinawakan yung ulo niya ni Eleven para mapahinto at magtama yung paningin nilang dalawa. May gustong sabihin yung mga tingin na parang pinapahinto na siya sa ginagawa.

Pero ni hindi siya malabanan ng tingin ni Eleven. Pinapaso siya ng mga tingin ni Amber na nakakaramdam na talaga ng kakaibang init. Sinisigaw na sa utak ang pagnanasa.

"Matulog na tayo." napapalunok at namamaos na sabi sa kaniya ni Eleven. Pilit nitong nilalabanan yung tindi ng mga tingin ni Amber.

Pero hindi talaga siya nagpatinag. Seryoso siya sa gusto niya. "Mukha ba akong nagbibiro sa mga sinabi ko kanina sa'yo, Love?"

Umiwas si Eleven ng tingin at hindi parin matigil sa paglunok. Ninenerbyos. "Ang sabi ko kanina, hinding hindi na kita patatakasin."

"Gusto ko lang naman matulog." sabi naman ng kausap niya na pilit paring iniiwas yung tingin. "Hilong hilo na 'ko."

"Look at me."

Hindi siya sinunod kaya napilitan siyang hawakan yung baba nito para patinginin siya sa mata niya. "Look at me, Love." mainahon pero maawtoridad niyang utos.

"W-Why?"

"Do you want me to stop?"

"Y-Yes."

Nginisian niya si Eleven na parang may masamang balak na tinatago.

Na totoo naman talagang meron.

"W-Why are you looking at me like that?"

Nilapit niya yung kaniyang labi sa tenga ng nasa ilalim niyang si Eleven at walang sabi sabing dinalaan yung palibot ng tenga nito. Tumaas lalo ang balahibo ni Eleven sa ginawa niya. "A-Amber."

"No one can stop me from doing this. Even you, Love."

Tinignan niya yung mukha ni Eleven na ngayon ay hindi malaman kung anong gustong sabihin o gawin. Para siyang nanigas sa kinahihigaan dahil sa mga narinig.

Hinaplos niya yung katawan ni Eleven pataas. Hindi niya hinayaang hindi madaanan ng palad niya yung buong parte ng katawan nito. Gusto niyang iparamdam sa kaniya kung gaano siya namamangha sa ganda ng pagkahubog ng katawan ng taong matagal na niya ng pinagnanasaan.

Sa kabilang banda, pakiramdam ngayon ni Eleven ay para siyang kinukuryente ng kamay na humahaplos sa kaniya. Walang ibang humaplos sa kaniya nang ganito, kakaiba at hindi niya na kayang hindi bumigay.

Para namang demonyo ngingisi ngisi si Amber sa hindi makatingin sa kaniya. Natutuwa siyang maramdaman ng palad niya yung malakas ng tibok ng puso nito. Isang malaking satispaksyon kay Amber 'to dahil isa sa hinahangad niya sa kaniya ay ang makaramdam ito ng nerbyos at maintimidate ito sa mga binabalak niyang gawin.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon