Chapter 48

330 22 4
                                    

"I think I've seen this film before, and I didn't like the ending."

"Can you turn off your music?" suway niya kay Klarisse na nagpapatugtog sa opisina niya.

Wala na nga siya sa mood, makakarinig pa siya ng tugtog. 

"Sorry."

Nakarating na siya sa opisina. Naghahanda na siyang sabihin sa lahat ang magiging desisyon niya para sa kumpanya. 

Pero bago siya makarating rito, nagkaroon pa ng problema sa kanilang dalawa ni Luella. Parang hindi nagustuhan ang narinig sa kaniyang desisyon na magpakasal ulit. Hindi sa kaniya, kundi sa dati niyang asawa. 

Alam ng kaibigan na hinding hindi na ito magpapakasal. Kahit na anong biro at tanong sa kaniya na magpakasal, hindi ito bumibigay. Kaya parang nainis siya lalo na't ang pakakasalan niya pa, si Amber. Si Amber, yung taong nagbigay ng rason para matakot siyang magpakasal ulit. 

Busy siya hanggang ngayon na kinokontak si Luella. He's still trying to reach her pero palaging dumidiretso sa voice mails ng kaibigan.

Alam niyang may kaunting tampo ito sa kaniya dahil alam ng kaibigan niya pero kailangan niyang gawin iyon.

Pinaliwanag naman niya kung bakit kailangan niyang ikasal. Ang sinagot naman sa kaniya na ayos lang at wala siyang problema doon.

Pero kahit na anong sabi niya na ayos lang siya, nararamdaman ni Raven na hindi siya masaya sa narinig. Para bang naramdaman niyang nakaramdam talaga ito ng lungkot sa narinig na balita sa kaniya.

"Hey, I was trying to reach you but you're not answering. Maybe you're sleeping already but I hope you can call me back if you have some time." sabi niya sa recording voice mails. Wala na siyang sapat na oras para subukan siyang ulit uliting tawagan dahil busy rin siyang tao lalo na't may kailangang gawin ngayon sa opisina. "I hope you're really sleeping. Mahirap na wala kang tulog kasi alam kong mahaba na naman shift mo bukas."

Hindi niya masyadong nakausap yung kaibigan tungkol dito kanina dahil kailangan niya na talagang makabalik ng opisina para mapag desisyunan na kaagad yung plano. Kailangan pa kasi nilang i-budget yung mga empleyado niyang mga Pilipino na makauwi muna ng Pilipinas para hindi maapektuhan ng matinding bagyo. Kailangan nilang maiayos yung plano at makapag compute yung mga accountant.

Wala pa siyang tulog.

He's drinking a lot of coffee. Na hindi naman niya ginagawa noon. Na hindi niya nakahiligang gawin dati pero nakagawian na.

Hindi naman siya iniiwanan dito ni Klarisse sa opisina. Sinabihan niya na umuwi na ng bahay pero hindi talaga nagpatinag. Tutal kailangan naman daw siya bilang representative ng kumpanya nila para sa planong merging.

"Are you really sure with this, bayaw?"

Napalundag siya sa gulat. Akala niya nasa labas parin si Klarisse na kakapaalam lang kanina para magkape pero hindi na pala niya namalayan na nasa harap na niya. "Learn to knock."

"Are you really sure?" tanong sa kaniya ni Klarisse.

Nagtakha siya. Parang nag iba yata yung tono ng boses ng kausap kumpara kanina sa telepono na magkausap sila. "Mukha ba akong nakikipag biruan ngayon?" sarkastiko niyang tanong. "Atsaka, you were happy kanina. Why do you look upset now?"

"I'm not upset." sagot niya. "Baka lang masama loob mo."

Masama naman talaga loob ko. Wala lang talaga akong choice.

"Maybe I can think of another options without getting you involved with her again." sambit niya. "Baka may iba pang paraan, hindi lang kasal."

"It's been almost five hours, Klarisse. Kung meron man, meron na sana akong nai-propose na plano. Sa tingin mo may iba pa talagang paraan?"

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon