Raven.
Nagising ang diwa ko nung maramdaman kong may gumalaw yung kamang tinutulugan ko. Halos mabigat sa loob kong buksan yung mata ko sa pagka antok pero pinilit ko i-mulat para malaman ko kung ano yun.
Anak ka ng!
Parang luluwa na yung mata kong nanlalaki dahil nagising akong may katabi.
Ano na namang ginagawa ni Amber sa tabi ko?
Nakaka dalawang beses na siyang tumatabi sa akin nang hindi ko nalalaman! Nagigising na lang ako na katabi ko na siya.
My God.
At bakit nakapasok siya dito sa kwarto ko? I locked my door last night!
Mukha pang ang himbing himbing ng tulog na nakatagilid na nakaharap sa akin.
Wala pa akong damit dahil sa tuwing natutulog ako, palagi akong nakahubad. Tanging boxer shorts lang yung suot ko.
Sobrang nakaramdam ako ng ilang. Halos hubad talaga ako pag natutulog, tapos malalaman ko na may katabi na pala ako nang ganito ako?
Kailangan kong makabangon nang hindi siya nagigising. Ayaw kong magising siya nang ganito kami.
Maingat akong dahan dahang umalis sa tabi niya pero nakng! Bigla niyang niyakap ang binti ko ng binti niya. Lumapit rin siya at niyakap ako.
Pambihira. Paano pa ako makakaalis nito?
Tumunog yung alarm ng cellphone ko kaya naalarma ako. Magigising siya! Magigising!
Magiging awkward kapag nag usap kami. Hindi, hindi, hindi!
Mabilis kong pinatay yung alarm pero nagising pa rin siya. Napalayo siya sa akin at nag unat.
Bakit ang bilis mong magising?!
Umiwas ako ng tingin nung dumiretso agad yung tingin niya sa mata ko. Mabilis akong umupo sa kamang hinigaan ko nung naramdaman ko talagang titig na titig na siya sa buong mukha ko.
"Good morning, Love!" masigla niyang bati na humihikab hikab pa.
"W-What are you doing here?"
"Seriously?"
Anong seriously?! Ako talaga ang tinanong niya ng ganung bagay? Seriously?
"Wala ba muna akong good morning kiss before asking me why I'm here?" tanong niya sa akin. Anak ka ng. Habang patagal yata nang pagatagal ang araw, nawawala na ang hiya niya. Parang isang simpleng bagay na lang sa kaniya yung inuutos nito sa akin. "Come here, give me a kiss."
Good God.
"N-No, don't!" agad akong tumayo sa pagkahiga nung palapit na naman siya sana sakin para halikan ako.
"Why you look so scared?" tanong niya na hanggang ngayong nag uunat na natatawa sa akin.
"Hindi 'no."
"Yeah. Sure, Love." sambit niya nang pa sarkastiko na parang hindi naniniwala sa sinabi ko. Mukha ba talaga akong natatakot ngayon? "Hindi ka dapat natatakot, bibigyan mo lang naman ako ng kiss."
"Hindi ako natatakot, 'no."
"Talaga?"
"Oo kaya!"
"Kung 'di ka natatakot, halikan mo ako."
Anak ka ng. Ang kulit!
"Basta hindi."
Natawa na naman siya. Bakit parang lumalakas na ang loob niyang mang asar sakin ngayon?
BINABASA MO ANG
my sadist wife (completed) (innocent guy series)
General Fiction"Mahal na mahal ko siya, kahit sobrang sadista niya." - Eleven Date started: May 2016 (from the first acc) Date ended: 2019 Revised started: 2020 Revised ended: 2024 All rights reserved 2016.