Chapter 67

523 24 5
                                    

Eleven.

Unti unting nagising yung diwa ko sa pagkakatulog nung may naramdaman akong gumagalaw sa kamang hinihigaan ko.

Pagkadilat ko ng mata, bumungad kaagad sa akin yung mukha ng taong gustong gusto kong makita sa umaga.

Si Amber na may magandang ngiti at may kumikinang kinang na matang nakatingin lang sa akin na parang may plano pang tunawin ako.

Malakas agad yung tibok ng puso ko dahil sa unang nadatnan ko ngayong umaga. Hindi ako sanay ng ganito. Hindi talaga ako sanay na magising nang may katabi ako sa kama.

Pero kahit na hindi ako sanay, nandito yung pananabik na sana ay parati akong may katabi. At gusto ko ay si Amber 'yon.

"Good morning, handsome." ngiting bati niya sa akin. "How was your sleep?

Kita parin yung pamumugto ng mga mata niya sa kaiiyak nitong mga nakaraang araw. Halatang nastress siya ng sobra dahil sa mga maling desisyon ko nung nakaraan.

Pinatulog ko siya dito sa condo ko dahil ayaw ko naman siyang pauwiin nang mag isa lang niya kahapon. Baka kung mapano pa siya.

Gusto ko rin kasi na makapag usap kami nang maayos at hindi talaga sapat yung buong gabi kagabi para makapag usap kami.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako nang napaka higpit. "Amber. . ." halos hindi ako makahinga sa sobrang higpit. Niluwagan niya naman kaya hindi na ako nagreklamo. Gusto ko rin maramdaman kung gaano kasarap yung ganitong klaseng yakap niya.

Ngayon na naging totoo ako sa sarili ko sa nararamdaman ko, mas lalo kong naappreciate yung mga bagay na ginagawa niya sa akin. Parang ang saya saya ng puso ko ngayon na niyayakap niya ako nang ganitong kaaga.

"Mukhang kanina ka pa gising?" malumanay kong tanong sa kaniya.

"Paputol putol yung tulog ko, Love." sambit niya.

Kumalas ako sa yakap at kunot noo ko siyang tinignan. "Hindi ka nakatulog nang maayos?"

Nahihiya siyang tumango at bumaba yung tingin.

"Bakit?" tanong ko. "May problema ba? Naninibago ka ba dito?"

Malalim siyang napabuntong hininga bago makapagsalita. "I'm just so scared that you might leave me while I'm in a deep sleep." may lungkot sa boses niya nung pinalawanag niya sakin kung bakit. "Baka pag nagising ako, hindi na kita madatnan sa tabi ko."

"Shh." wala sa sarili ko siyang hinalikan sa tuktok ng noo. "Hindi man matutuloy yung kasal sa ngayon, hindi ako aalis. Kung aalis ako, magpapaalam ako. Pero babalik naman ako sa'yo." sinsero kong sabi.

"At saan ka pupunta?" mataray niyang tanong bigla.

"Uhm. . .like sa banyo? Aalis ako para umihi tapos babalik." biro ko sa pag example ko.

Napanguso siya.

"I'm staying. Dito lang ako, okay?" paniniguro ko nang may lambing boses.

"Hindi mo na ako iiwan?"

Umiling ako at ngumiti. "No. I'm not going anywhere." sagot ko. "Pero syempre, may trabaho ako. Minsan kailangan kong umalis pero it doesn't mean na hindi ako babalik."

"So may mga araw na iiwan mo ako?"

"Pero hindi sa iniisip mong rason." sagot ko. Iniipit ko yung buhok niya sa likod ng tenga at hinahaplos yung napaka bango niyang ulo. "For business purposes. Pero sisiguraduhin kong hindi matagal."

"Sabi na, aalis ka. Iiwan mo padin ako."

"Not in a way na hindi ako babalik." sambit ko. "Hindi pa naman sa ngayon, hindi rin naman ganon kadalas ako aalis. Siguro mga twice a year." malayo rin kasi dito yung trabaho ko, ang totoong opisina ko talaga ay nasa America. Pero kahit na ganon, gagawa ako ng paraan para dito ako sa tabi niya.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon