Chapter 21

209 16 1
                                    

Eleven.

"Hello, asawa ko." bati ko nang nakangiti pagkakita ko sa kaniya. Kagagaling ko lang ng kwarto. "Good morning!" 

Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Mukhang nagtatakha sa akin dahil nakataas pa yung kilay niya at nangungunot yung noo.

Oo nga pala, nakapang alis nga pala ako. "B-Bakit?" pangit ba yung suot ko? Hindi ba ako pogi dito? Kanina pa naman ako nagpipili ng isusuot ko. Mukhang pangit pa yung napili ko. Nakng.

"P-Pangit ba suot ko, asawa ko—"

"Where are you going?" tanong niya sa akin na nangungunot pa rin.  

"Bakit? Sasama ka?" biro ko sa kaniya nang ngingiti ngiti.

Pero nawala agad yung ngiti ko nung seryoso niya lang akong tinignan. Mukhang hindi siya nakikipagbiruan. 

Hindi yata maganda yung gising ng asawa ko.

Imbes na sagutin ako sa biro ko, uminom siya sa tasa niya at tinalikuran ako.  

Kanina pa yata siya tapos kumain ng almusal habang nasa loob ako ng kwarto ko. Naghahanda kasi ako dahil aalis ako. Kumain naman siya habang wala ako dito kanina. 

Umupo siya sa dining area at nakatitig sa akin na parang inis na inis. Parang takhang takha siya kung saan ba ako pupunta ngayon. 

Uuwi rin naman ako mamaya eh.

"B-Bakit?" takha kong tanong dahil nakatitig parin siya sa akin na parang matutunaw ako sa sobrang seryoso. 

"Why didn't you tell me last night?"

"Na?"

"Na may lakad ka ngayon."

Napanguso ako. "Mukhang pagod ka na kasi kagabi." sambit ko. Nag over time kasi siya kagabi sa work niya. Hindi ko na nga siya makausap nang maayos sa sobrang antok ng asawa ko kagabi.

"Kahit na."

Napakamot ako ng ulo ko. Parang napapagalitan ako ngayon ha. "Sorry, asawa ko."

Kumuyom pa yung panga niya sa inis. "Saan ka ba kasi pupunta?"

"Birthday kasi ng kaibigan ko."

"Who's that friend?"

"Si Sebun."

"Who's that?"

Napataas yung kilay ko. "Hala. Kilala mo yun, asawa ko eh."

Natahimik siya. Parang naalala na niya kung sino yung sinabi kong pangalan.

"Are you sure?"

"Na?"

"Na siya yung pupuntahan mo?"

"Oo naman!" para akong natatawa. Wala naman dahilan para magsinungaling ako kung sino ba talaga pupuntahan ko ngayon. "Kailangan kong dumalo, asawa ko. Birthday ng kaibigan ko yun eh."

"Hindi ba babae yung pupuntahan mo?"

"Huh?" takha kong tanong. "Sino naman pupuntahan kong babae?"

"I don't know."

"Asawa ko," napabuntong hininga ako at ngumiti. "Chill ka lang. Kahit tanungin mo pa si Klarisse. Doon talaga ako pupunta."

Matagal siyang natahimik at tumango na lang na parang inis. 

"Okay ka lang, asawa ko?"

"Why not?" mataray niyang tanong. Tumayo siya nang nakabusangot at lumabas na ng bahay. Sinundan ko naman siya dahil ako lang naman yung magbubukas ng gate para makalabas yung kotse niya.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon