Last Chapter

417 21 4
                                    

Eleven.

Nagising ako na may nararamdamang nagsusuklay gamit ang kamay sa buhok ko. Mabilis na may sumilay na ngiti sa mukha ko nung makita ko siyang unang bumungad ng araw ko.

Anak ng. Sobrang ganda naman ng mahal ko.

Nauna na pala siyang magising sa akin.

Niyakap ko siya at hindi naman siya nagpapigil. "Good morning, mahal ko."

Ginantihan niya naman ako ng yakap at pinaghahalikan ako sa pisngi ko. Natuwa naman yung puso ko sa ginawa niya. Ang sarap sa pakiramdam. Nakng.

"Nagising ba kita, Love?"

Hinalikan ko rin naman siya sa pisngi at sa noo. Nakangiti akong umiling. "Hindi naman, mahal." sagot ko. "Oras lang talaga ng gising ko."

Hinalikan niya ako nang mabilis sa labi.

Napakunot ako ng noo. Para yatang ang aga niya ngayon magising? "Ang aga mo yatang magising ngayon?" takha kong tanong sa kaniya. "Okay ka lang ba? Hindi ka ba nakatulog nang maayos?"

Nitong mga nakaraan kasi, madalas siyang late na magising. Para bang antok na antok siya. Kaya takhang takha ako ngayon na maaga siyang nagising.

"Masama yung pakiramdam ko, Love." matamlay niyang sabi sa akin.

"Huh? Anong nararamdaman mo?" mabilis kong react dahil sa sinabi niya. Agad ko naman siyang chineck sa pag aalala. "Anong masakit sa'yo?"

Hindi na niya ako nasagot dahil mabilis siyang bumangon sa higaan at dumiretso sa banyo. Naririnig ko siyang sumusuka kaya mabilis pa sa alas kwatro akong sumunod sa kaniya.

"Are you okay?" nag aalala kong tanong.

Hinimas himas ko yung likuran niya habang sumusuka siya ngayon sa inidoro.

May nakain ba siyang panis?

Kumuha ako ng pamunas niya at inasikaso siya.

"Magbihis ka, mahal. Pupunta tayong doctor." sambit ko sa kaniya dahil nakikita ko talaga sa mukha niya na masama yung pakiramdam niya.

Tipid niya akong nginitian at inilingan. "No, Love. I'm fine."

Mabilis naman akong nag react dahil sa narinig ko. Anong okay? Sumusuka na nga siya.

"But you're not feeling well. Kailangan mong madala sa doctor."

Umiling siya at tinaas ang palad para sabihing hindi.

"Okay lang ako, Love." sambit niya.

"What do you mean you're okay?" kunot noo kong sabi.

Hinawakan niya ako sa pisngi. "I'm okay, Love. Maniwala ka lang sa akin."

Tinitigan ko siya nang matagal. Naghahanap ng sagot sa mga mata niya kung bakit sinasabi niyang okay lang siya kahit na hindi.

"Are you sure?" paninigurado ko. "Siguradong sigurado ka bang okay ka lang?"

Nakangiti siyang tumatango tango sa akin.

"Magsabi ka lang sa akin kung masama na talaga yung pakiramdam mo. Para madala kaagad kita sa doctor."

Hanggang sa ilang araw siyang paulit ulit na nadadatnan kong sumusuka sa umaga. Nag aalala ako nang sobra na gustong gusto siyang hatakin sa doctor pero hindi niya talaga ako sinusunod. Kahit magmakaawa ako, hindi niya ako pinagbibigyan.

"She keeps saying she's fine." kwento ko sa telepono habang kausap si MM. "I said we should see a doctor but she keeps insisting not to."

"She'd seen a doctor already, Kuya. With me and Klarisse."

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon