Chapter 43

262 20 3
                                    

Lumilipad yung isip niya.

Hindi parin niya maproseso sa utak niya na nakita niya ulit si Klarisse. Sabay sabay pumapasok sa isip niya yung mga alaala ng nakaraan.

Lalong lalo na yung memorya niya kay Amber.

Para sa kaniya, para 'tong isang panaginip. Hindi makatotohanan.

Ang tagal na ng panahon nung nakaraan niyang nakita 'to, sa isip niya bakit nagkaroon pa ng rason para makita niya yung taong isa na rin sa naging parte ng buhay niya dati?

Hindi niya alam kung bakit ba. Pero hindi siya naghahangad na alamin.

Akala niya pang habang buhay na niyang hindi makikita si Klarisse lalong lalo na yung kapatid niya. Pero niloloko yata siya ng tadhana.

Ginagawan at ginagawan siya ng paraan para mapaalala sa kaniya lahat ng mga naging parte ng pagsubok sa buhay niya.

Pero kahit naiinis siya ngayon, nagpapasalamat parin naman siya na hindi niya mismo nakita yung taong minsan niya ng minahal.

Dahil hindi niya alam kung anong pwedeng mangyari kapag nakita pa niya yung dating asawa niya.

Maari siyang magwala.

Magalit.

Makasakit.

Masaktan yung sarili.

Maging miserable.

At hindi siya handa sa ganung klase ng sitwasyon kaya ayaw niya talaga.

Ngayon, sinusundan lang siya ni Klarisse habang nakangiti na parang aabot na hanggang panga sa sobrang saya nito. Nakita na naman kasi ni Klarisse yung taong naging espesyal rin sa buhay niya. Akala niya hindi na niya 'to makikita pang muli.

Sinusubukan ni Klarisse na daldalin siya na hanggang ngayon ay pre-occupied parin sa mga iniisip. Hindi parin talaga siya makapaniwala hanggang ngayon.

Ang tagal na niyang iniwasan 'tong mangyari pero nangyari parin. Natatakot siya na baka magtuloy tuloy na 'to. Baka kapag nakita niya ngayon si Klarisse, sa makalawa, yung taong pinaka iniiwasan niya ay bigla na lang sumulpot at makita niya ulit.

"Do you want to eat first, bayaw?" tanong ni Klarisse sa kaniya na ikinataas ng balahibo niya. Hindi niya kayang i-handle yung narinig niyang bayaw. Napakatagal na niyang hindi narinig yun at hindi siya naging handa na marinig ulit yun sa kaniya.

Sa katunayan, ayaw na niyang marinig yung salitang yun kahit kailanman. Pinapahalata niya na ayaw niyang matawag siya ng bayaw pero hindi talaga nakakaramdam si Klarisse o 'di kaya, wala lang siguro talaga siyang pake kung magalit man o mainis man siya.

"I'm not hungry." tipid niyang sagot sa kasama.

"Ako, oo." sagot sa kaniya. "May alam ka bang masarap na kainan dito sa airport?"

"Sa bahay meron." seryosong sagot niya na inaaya rin na sa bahay na lang siya kumain. Gusto na niya kasing makaalis ng airport at makasakay ng kotse para maihatid na siya ng opisina. May pagkain nga naman sa bahay nila.

"Malayo pa yata yung bahay niyo." sabi ni Klarisse. Gustong gusto na niya talagang makakain at makausap nang maayos yung bayaw niya. Napakarami niyang gustong pag usapan at ikwento dito lalong lalo na yung tungkol sa ate nito. Gusto niyang ikwento yung kapatid kay Raven habang kumakain sana sila dahil nagugutom na talaga siya. May pagkain naman sa eroplano pero hindi niya talaga gusto yung mga pagkain doon kaya hindi talaga siya nakakain nang maayos.

"Dali na, kain na tayo dito." pilit pa ni Klarisse sa kaniya. "Para makapag usap rin tayo, ang tagal mo kaming na-ghost."

"No." seryoso parin yung tono ng boses niya. Hindi rin nakakangiti. "I am busy. Marami akong kailangan gawin sa opisina." rason niya pa sa kasama pero ang totoo, day-off niya ngayon hanggang bukas. Ibibigay niya sana yung dalawang day-off niya kay Luella pero dahil may emergency ito sa trabaho, para na lang sana sa kaniya yung pag day-off niya.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon