Chapter 74

478 18 11
                                    

Eleven.

Hindi ko na pinaabot ng isang buwan yung balik ko sa Pilipinas dahil gusto kong surpresahin yung girlfriend ko. I am two days early na umalis ng America and I am sure she will be glad that I am going home early. Hindi ko siya inabisuhan kaya siguradong inis na inis na 'yon kaka contact sa akin habang nasa flight ako.

Kung sinurpresa niya ako ng dating sa America, ngayon ako naman ang gaganti. Ako na ngayon ang manunurpresa.

Kaya lang sa gantong ginawa kong panunurpresa, wala siyang contact sa akin ng ilang oras at siguradong hindi na 'yon mapakali. Nung bago pa naman siya nakauwi ng Pilipinas, she was so anxious that I might hook up with someone else while she was away.

Nakakatampo sa totoo lang dahil hindi ko naman magagawa 'yon sa kaniya. Kilala naman niya ako na hindi ako ganung tao pero parang pinaghihinalaan parin ako na gagawin ko yung iniisip niya. Naging ganon yung isip niya simula nung nakita niya si Rachelle at nalaman niya na taong bar ako noon dito sa America.

Pero hindi ko na lang pinairal yung tampo ko dahil minsan you just have to reassure your partner everytime she's having doubts and fears. Kaunting patience lang talaga and at the same time, kaunting lambing lang. Huwag na lang idaan sa init ng ulo. Baka minsan nagpapalambing lang talaga.

Naalala ko, sobrang naeexcite na siya na makauwi na ako ng Pilipinas. Dahil pagkauwing pagkauwi ko, may usapan kaming mag momove in na ako sa bahay naming dalawa. I know it's not new for us to be in a same roof but this is different now.

May relasyon na kami at hindi kami naka fix marriage. Legit na mayroon na kaming panghahawakang relasyon. Magsasama kami ngayon dahil mahal namin ang isa't isa. Walang pwersahan, walang kahit na anong klaseng sama ng loob.

I love how we're slowing down and things are really going well. Ngayon, handa na kaming dalawa sa next level ng relationship namin at yun ay ang pag move in.

Nararamdaman ko na ito na talaga yung tamang oras para gawin 'yon.

Sa tagal ng byahe, hindi man lang ako nakatulog dahil sa sobrang excitement na makauwi. Masyado akong naeexcite pati pagtulog ko, hindi ko ginawa.

Masyado ko rin binabantayan yung oras kung malapit na ba kami o hindi. Bilang ako nang bilang kaya hindi ako maka relax.

Halos tatlong linggo ko siyang hindi nakita ulit. Sino bang hindi maeexcite ng ganito?

Ilang minuto na lang, makakababa na yung eroplano sa airport. Hindi na mapakali yung pwet ko sa kinauupuan ko.

Pagkabukas na pagkabukas pa lang ng pinto ng eroplano, nakipag unahan na kaagad akong makababa. Nagmamadali akong makababa ng hagdan sa sobrang excitement.

At sa katangahan ko. . .nagkamali pa ako ng apak ng paa.

"Aw!" anak ng.

Naramdaman ko kaagad yung namuong pawis sa buong mukha ko sa sobrang sakit ng paa kong natapilok.

Takte.

Nagkamali pa ako ng apak ng paa! Bwiset yan.

"Sir!" rinig kong tawag ni Bryan sa akin na pababa galing eroplano.

Namimilipit ako sa sakit. Tangina. Bakit ba ang bobo ko? Aapak na lang, nagkamali pa!

"Okay ka lang ba, sir?"

Mukha ba akong okay?!

"Shit."

Sa sobrang excited ko, nadisgrasya pa ako. Napurnada pa yung pagmamadali ko sanang makauwi ng bahay para manurpresa. Anak ng.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon