Chapter 68

605 26 7
                                    

Eleven.

It's been a week nung simula akong nanirahan dito sa condo habang si Amber ay nasa bahay.

Nakapag desisyon ako ng ganon dahil may history kami ng madaliang usapan ng kasal. Ni hindi namin nabigyan ng sarili naming makilala yung isa't isa bago kami ikasal.

I want us to go back to zero.

And I think it's really going well.

We're enjoying being in a relationship. Totoong relasyon, walang pwersahan.

And I am genuinely happy.

May mga times na medyo gustong humakbang ni Amber ng mas mataas na level sa progress naming dalawa. Pero I keep asking her in a gentle way na i-enjoy muna naming dalawa yung kung anong meron kami ngayon. May panahon para doon.

Atsaka may mga times rin na gusto niyang humakbang sa mas higit pa sa level ng intimacy namin. She wants to do it but. . .may time para doon. Hindi pa sa ngayon.

Ngayon na isang linggo na ako dito sa condo, halos isang linggo na rin siyang nandito na bumibisita.

Hinahayaan ko na lang kahit na gusto ko may mga days na huwag na muna. Namimiss ko rin kasi siya at gusto ko rin kasi siyang makita.

Imbes na ako yung makadalaw sa bahay, ako yung dinadalaw niya dito sa condo. Parang pakiramdam ko tuloy, binabantayan niya ako dito dahil sa dalas ng bisita niya sakin.

Wala naman akong ibang gagawing masama na ikasasama ng loob niya kung yun yung dahilan kung bakit halos inaraw araw niya ako dito bisitahin.

At ngayon, may nagddoorbell na naman. Iniisip ko pa lang kanina, ngayon, totoong nandito na naman siya ulit.

Mahina akong natawa at napailing. "God, Amber."

Si Amber na naman 'to.

Lumundag yung puso ko sa idea na siya yung nasa labas. Para bang natuwa yung puso ko na siya yung bibisita na naman sa akin.

Mabilis lang akong lumapit sa pinto dahil rin sa excitement na nararamdaman ko.

Pagbukas ko, malawak na ngiti kaagad yung bumungad sa akin. Napaka ganda.

Nakasuot siya ngayon ng pulang dress na mas nakita yung hubog ng katawan niya dahil sa suot.

Napakaganda niya talaga. Nakakainis.

"Hi, Love." malambing niyang bati sa akin. May nakakaakit yung mga tingin niya na may hawak hawak na red wine sa kanang kamay.

Mabilis niya akong niyakap ng mahigpit at hinalikan sa pisngi. Ang sweet naman talaga ng taong 'to. Natutuwa tuloy yung puso ko.

Ganito pala talaga siya maging girlfriend. Hindi ko talaga aakalain na ganitong klaseng tao siya kapag girlfriend mo.

"I keep getting visitors, huh?" ngiti kong asar. Hinawakan ko saglit yung kamay niya at inalalayang makapasok sa loob.

"I just miss you so bad." malambing niyang sagot sa akin.

"You just saw me yesterday." hindi ko makapaniwalang sambit. Seryoso ba siya na namiss niya ako? Agad?

"And I still missed you." sagot naman niya. Natawa na lang ako nang mahina at umiling iling.

Iba ka na talaga ngayon, Amber.

"Galing kang office?"

"I did, Love. Dumaan rin ako sa liquor store para makabili ng red wine nating dalawa."

"I see." tatango tango kong sagot. "Akin na 'yan, itatago ko na sa itaas—"

"What?"

"Pasalubong mo yan, 'di ba? Ilalagay ko na siya sa tabi ng mga alak ko dito—"

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon