Chapter 2

377 18 0
                                    

Eleven.

Umagang umaga, bukol at pasa yung almusal ko.

Nakng. Upuan yung hinampas sa akin, sinong hindi manganganak ng noo rito?

Masyado naman siyang highblood kanina, wala naman akong ginagawa sa kaniya! Ni hindi ko nga siya hinawakan nung natutulog kami eh.

Hindi pa ba siya natuwa sa nakita niya pagkagising na pagkagising niya? Ako naman 'to.

"Hay nako, Eleven." kausap ko sa sarili ko habang tinitignan yung sarili sa salamin. "Naka almusal ka kaagad ng upuan kanina." hawak hawak ko yung salamin at tinitignan kung gaano kalaki yung bukol ko at yung pasa ko.

Wala talaga akong mapapala sa asawa ko kundi sadista. Pananakit. 

Sa totoo lang, nung unang kasal namin, hindi ko talaga inakalang sadista siya. Sobrang fan niya ako nung varsity pa siya sa school namin, palagi akong nakatutok sa kaniya kapag may laro. Alam kong tahimik lang siya at parang walang imik, pero hindi ko naman inakalang ganito siya.

Nung bagong kasal kami, sinubukan ko talagang i-approach siya at makipag kaibigan. Pero nagkaroon lang ako ng mga pasa at sugat kapag may nasasabi akong nagpapa trigger sa kaniya. 

Nagkaroon pa nga kami ng mga rules sa bahay. 

Bawal pumasok sa kwarto niya.

Bawal ako kumain sa bahay. Kahit ako yung nagluto. 

Bawal malaman ng iba na mag asawa kami. 

Wala akong trabaho kundi sa bahay lang. Tila katulong. Pero ako naman may gusto neto, wala naman siyang sinabing hindi ako magtrabaho. Gusto ko lang kasi na maging malapit kami sa isa't isa at maging close muna kami. Maalagaan ko siya bilang asawa, pero hindi pala yun mapapansin. 

Akala ko magiging okay yung pagsasamahan namin, pero akala ko lang pala. 

Pero kahit nagulat ako sa ugali niyang 'to, crush ko padin siya. Bakit ganon? 

Nananakit lang naman siya kapag napipikon siya sa akin. May mga nasasabi kasi ako na parang hindi okay. Tapos minsan pa parang hindi ko nirerespeto yung privacy niya. Kaya siya nananakit. Yun nga lang, sobrang sakit. Hindi yung hampas lang na normal, minsan may pagbato bato pa ng kung ano ano. 

Binato na ako dati ng baso, tumama sa braso ko. 

Binato na rin ako ng cellphone niya, sa ulo ko naman tumama. 

Binato na rin niya ako ng walis tambo.

Kaldero.

Heels. 

Bike. Pero naiwasan ko nang kaunti. Hindi masyado tumama sa akin. Safe. 

Vase, pero sa tuhod ko naman tumama. Thankfully. Kaya lang nabasag, nagkasugat pa ako. Mabuti na nga lang at gumaling na.

Libro na kasing kapal ng mga law books at kasing tigas ng cover ng thesis book.

Lampshade.

Mug. Sa braso tumama. Pero nagka pasa parin ako kahit sa braso yun. 

Ngayon naman, upuan. Anak ng. Yung kahoy pa na upuan. Sa mukha at katawan ko tumama. Wala na kasing sakit pa sa nauna.

Parang balak niya yata na ibato sa akin lahat ng gamit dito sa bahay.

Hindi naman halata na sadista siya eh noh? Binibiro ko lang naman siya paminsan minsan, kaya lang ganun siya mapikon. 

Hindi pa naman ako naaawa sa sarili ko. Medyo malapit na. Kapag nadagdagan pa siguro ulit yung bukol ko ng dalawa.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon