Chapter 12

181 19 5
                                    

Eleven.

Alalang alala akong dinala sa hospital si Klarisse. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaniya kanina at hindi siya makahinga nang maayos.

Akala ko masikip lang yung bra niya. Hindi pala.

Seryosong sumisikip pala yung dibdib niya. Hindi na pala talaga makahinga nang maayos. 

Tila ako naghapunan ng nerbyos. Buti na lang talaga nadala ko kaagad siya sa hospital. Hindi ko rin talaga alam kung anong gagawin ko, ang tanging option ko lang ay dalhin siya sa malapit na hospital.

Nakahinga naman ako nang maluwag dahil nandito na siya sa hospital. Medyo maayos yung pakiramdam kumpara kanina. 

Inaantay ko na lang matapos yung nurse na kumukuha ng dugo niya at nagpapa inom ng gamot. 

Hindi pa daw siya pwedeng makaalis ng hospital dahil kailangan pa siyang i-monitor. Kailangan pa siyang ma-ECG at ma-2d echo. Marami pang test na kailangan gawin sa kaniya kaya kailangan na mag stay pa daw siya sabi ng doctor.

"Okay ka na?" nag aalalang kong tanong pagkaalis ng nurse. 

Tinaasan niya ako ng kilay. "Do I look like I'm okay?" bitaw niya nang pasarkastiko.

Nanliit yung mata ko. 

Ano pa nga bang iisipin kong isasagot ni Klarisse? Magkapatid talaga sila nung asawa ko. 

"Gusto ko lang malaman kung anong nararamdaman mo ngayon eh." mainahon kong sabi sa kaniya pero nginiwian ako.

Tinaas niya yung kamay niya na may nakakabit na dextrose at maraming nakadikit na cotton balls kaka inject sa kaniya. "Maraming kinuhang dugo sa akin." sambit niya. "May nakakabit na karayom sa ugat ko, do you think I'm okay?" mataray niyang tanong.

Napakamot ako ng ulo. 

"I hate this." inis niyang bulong. Parang kulang na lang tanggalin niya yung dextrose sa kamay niya. 

"Oh huwag ka namang mastress!" pagpapakalma ko. "Hindi naman kita inaaway. Tinatanong lang naman kita." 

"Shut up, bayaw."

Umupo ako sa tabing higaan niya.

"Kalma ka lang, hindi ka nga 'di ba pwedeng mastress? Lagot pa ko sa doctor mo."

"How can I not be stress?" irita niyang singhal. "You're here with me in the hospital and it's stressing me out."

"Hala, bakit ako?" napahawak ako sa dibdib ko. "Wala naman akong ginagawang masama." gulat kong sabi..

"Just go the fuck home."

Natahimik ako at tinitigan siya nang maigi. Napaisip ako nang malalim.

Mukha ngang naiistress ko siya.

"Ako ba talaga yung nakaka stress sa'yo?"

"Go home."

Umiling ako. Hindi ko siya pinakinggan at nagbalat ako ng mansanas para sa kaniya. Baka naman kapag nagbalat na ko ng mansanas, humupa na yung stress niya sa akin.

"Sabi ko umuwi ka na, bakit ka pa nagbabalat diyan?"

"Para hindi ka na mastress?"

"Hijo de puta." bulong niya.

Dinukot ko sa bulsa ng pantalon ko yung cellphone ko at nag dial. "Kung ayaw mo na ako yung magbantay sa'yo, tatawagan ko si Tito o 'di kaya yung asawa ko para malaman nila na nandito ka at may magbantay sa'yo—"

Gulat na gulat akong napanganga.

Hindi ako nakagalaw. Naestatwa.

Nakng.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon