Chapter 51

356 19 1
                                    

Dalawang unan na halos yung pinantatakip ni Raven sa tenga niya pero hindi parin iyon naging sapat sa ingay ng katok ng pinto.

Kanina pa may kumakatok sa labas. Siguradong sigurado siya kung sino at anong pakay ng kumakatok.

Akala niya, kahit nasa loob lang siya ng kaniyang hotel room ay matatahimik yung buhay niya. Walang Amber na mangungulit.

Pero hindi.

Dahil mukhang hindi siya tatantanan ni Amber hangga't hindi siya nagpaparamdam.

"Damn it." dabog niyang sabi. Inis na inis dahil alam niyang hindi ito aalis. Kaya para matigil lang si Amber, pagbubuksan niya ng pinto.

Sa pagkakakilala niya, hindi marunong huminto si Amber lalo na kapag pursigido ito sa gusto nitong masunod o makuha. Isa yan sa pagkakakilanlan niya sa kaniya.

Pagkabukas niya ng pinto, bigla agad siyang niyakap ni Amber nang mahigpit sa tuwa.

Anak ka ng. B-Bakit?

Hindi maiwasang kumabog yung dibdib niya sa biglaang pagyakap sa kaniya. Hindi niya akalain na gagawin yun sa kaniya ni Amber, kahit kailan. 

Napaestatwa siya. Hindi alam paano kikilos dahil ngayon lang nangyari ito. Hindi siya nasanay at hindi ito yung Amber na nakilala niya noon.

"Good morning, Love!" bati sa kaniya habang nakayakap parin hanggang ngayon.

Tinapik niya yung balikat nito, nahihiyang senyas niya na sana ikalas na nito ang yakap.

He cleared his throat. Parang walang balak ikalas ang yakap ni Amber. "M-Morning."

"Ang sexy naman ng boses." bulong nito pero hindi niya maiwasang marining nang malinaw dahil nasa tapat lang ng tenga niya yung mukha ni Amber.

"Amber."  bulong niyang tawag dito, nagpapahiwatig na lumayo na.

Thank God.

Para siyang nakahinga nang maluwag dahil sa wakas ay kumalas na ito sa yakap. "How was your sleep?" malambing nitong boses. Hanggang ngayon, hindi parin siya nasasanay sa ganitong boses ni Amber na makipag usap sa kanya.

Palagi kasi itong masungit at astig magsalita sa kaniya. Ngayon ay parang kinakausap siya na parang baby o minamahal nitong aso o pusa sa pagka sweet.

"Good." tipid niyang sagot. Mas maigi sana sa kaniya ay hindi siya inistorbo dahil hirap siya makatulog. Minsan lang siya nakaka tyempong makakuha ng tulog kaya inis na inis siya. Nabitin.

"What time is it?" tanong niya kay Amber. Nagpapahiwatig siya na napaka aga pa para mang bulabog.

"It's six in the morning, Love."

Diba? Ang aga aga.

"Thank you pala sa food kagabi, Love." nakangiti niyang sabi. Pinipigilang kiligin nang husto dahil naalala na naman ni Amber yung pagkain kagabi. "Alam mo parin kung anong klaseng food yung gusto kong kainin. Masarap yung mga food na pinaakyat mo. Nabusog ako kagabi, Love. Gusto sana kitang ayain na ubusin yun sa kabilang kwarto, pero mukhang ayaw mo magpa istorbo."

May note na pinalagay si Raven sa pagkain kagabi kaya hindi na niya talaga inistorbo yung tulog. Kahit gustuhin ni Amber na sabayan siya sa pagkain, hindi na nito inistorbo.

Nakokonsensya lang talaga si Raven nang sobra kagabi. Ayaw niya yung pakiramdam na may nagugutom na nag aantay sa kaniyang magising, makakain lang sila nang sabay.

Pero at the same time, ayaw niyang magpa istorbo. Kaya ang ginawa niya, nagpa akyat na lang siya ng food para sa kaniya. Nagpa iwan na lang siya ng note.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon