Chapter 9

160 12 0
                                    

Eleven.

"Kilala mo siya?" tanong ko sa katabi kong nakabusangot na si Klarisse.

Hindi niya ako sinagot at seryosong nanonood ng game ng kapatid niya. 

Nakiramdam ako saglit sa katabi ko. Parang hindi yata maganda yung mood niya bigla. 

Parang ang sama yata ng hangin ngayon. Anong nangyari?

"Sorry, ito lang yung nabili ko." sambit ko para basagin yung katahimikan ngayon. "Pasensya na, ang haba kasi ng pila sa ibaba. Marami yatang gutom kaya maraming bumibili."

"Ayos lang." tipid at seryosong sabi ni Klarisse.

Bumalik yung katahimikan sa pagitan naming tatlo. Para akong naiilang na hindi ko malaman kung ano yung nararamdaman ko ngayon. 

Boyfriend niya ba 'to? 

Napasulyap ako sa lalaking nasa tabi ni Klarisse. Napansin niya yata akong napatingin sa kaniya kaya nagtama yung paningin naming dalawa.

Mabilis akong nag isip ng sasabihin para hindi maging awkward. Nakangiti siya sa akin. "Pasensya na pala kanina, nabangga kita—" sambit ko.

Inilingan niya ako. "No, man." bakit? "I should be the one apologizing about earlier."

Tinaasan ako ng kilay ni Klarisse. "What the fuck happened?" tanong niya na parang nagagalit. "What did he do to you?"

"Wala yun—"

"Ang sabi ko, anong ginawa niya sa'yo?" mariin na tanong sa akin ni Klarisse na ikinalunok ko ng malalim. Nakng. 

Napakamot ako ng ulo. "N-Nabangga niya ako kanina pero hindi naman sinasadya—"

Humarap siya sa katabi niya. "Wala ka talagang ibang ginawang tama." masama ang tingin niya sa katabi niyang lalaki. "You're really a fucking trouble."

"Klarisse—" 

"Hindi ka dapat nandito." hindi ako pinansin ni Klarisse dahil tuloy tuloy siya magsalita ng masasakit na salita sa katabi niya. 

"Klarisse." Hinawakan ko yung kamay ni Klarisse, kinakalma siya. Tinignan ko yung katabi niya at nagsalita. "Pasensya na—"

"Don't dare apologize to him!"

Natahimik ako at napatakip ng bibig. Kahit silang dalawa natahimik lang pero ilang minuto ay ngumiti at napailing iling yung katabi niya. 

"Anong ngini ngiti ngiti mo diyan, Stanford?" iritang tanong ni Klarisse sa kaniya.

"Nothing. It's just that I find you two. . ." tinignan niya ako at pati si Klarisse. ". . .look good together."

"The fuck are you talking about?"

Hinawakan ko yung kamay ni Klarisse para kumalma. "Ah hindi—"

Sinamaan ako ng tingin ni Klarisse kaya natahimik ako at hindi natuloy yung sasabihin ko. 

"Seriously, you look good together."

"Pwede kitang patayin ngayon, Stanford." galit na sabi ni Klarisse. "Kung hindi ka tatahimik."

"Klarisse." tawag ko sa kaniya para makalma siya pero hindi niya ako pinansin. 

Parang wala lang sa lalaki yung matalas na dila ni Klarisse. Parang wala man lang epekto sa kaniya yung mga pananakot o yung mga ganung klaseng salita ng katabi ko. 

"By the way, I'm Black Stanford—" tinapat nung lalaki yung kamay niya sa akin para sana makipag shake hands pero biglang hinawi yun ni Klarisse. 

"Walang may pake, Stanford." inis na sabi ni Klarisse sa kaniya kaya napalunok ako. Hindi talaga ako sanay i-handle yung mga taong nag aaway sa tabi ko. Para akong natatakot na natatae na ewan. 

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon