Chapter 47

299 18 3
                                    

Nagkakagulo na sa conference room. They keep thinking about solutions that can help the company survive. Mas naging mainit yung mga debate dahil sobrang naiistress na sila sa kakaisip ng pwedeng maging paraan.

They are still trying to find a way out dahil hindi nagustuhan ng may ari, si Raven, yung suhestyon ni Klarisse kaya pinapahirapan niya ngayon yung mga board of directors na mag isip pa ng paraan para masalba ang kumpanya.

Dumadami na yung tawag ng mga investors. Yung iba, nagtatanong kung anong magiging plano ng kumpanya pero wala pa silang maisagot at yung iba nagpupull out na.

"How about considering Miss Luanzon's idea, Mr. Hernandez?" may hindi na nakapagpigil na diretsuhin siya tungkol sa tinanggihan niyang plano. "That's the only way out, Mr. Hernandez." ulit nila kay Raven.

Hindi na siya makahindi dahil gugulo na naman yung conference room kakadakdak nila.

"It's not right to turn down the offer who are willing to help us survive by merging. We are in need of help, we should be the ones asking desperately for their help, not them."

They are right.

Naisip niyang tama sila.

Unti unti na nagsisink in sa utak niya na kailangan niya ng tulong ng kumpanya nila Amber, Ang HL company. Kailangan nilang magsanib pwersa para masalba yung Golden Seas. Walang ibang kayang mag offer non lalo na't nasa disadvantage sila.

They are insisting to merge with the company by marrying the owner para mas maging madali yung proseso ng merging.

Kahit na anong deny niya at kahit na anong iwas niya, alam niya sa sarili niyang napakalaking bagay sa kumpanya yung gusto ni Klarisse.

"Give me five hours to think about this matter."

He asked them for time.

He needs to think.

What to do.

What to decide.

Dinismiss niya yung meeting dahil hindi siya makakapag isip nang maayos hangga't nakapaligid sa kaniya yung mga board of directors. Kailangan niyang mamili, kailangan niyang makapag isip.

May kung anong sa parte niya na sininisi niya si Klarisse dahil hindi magiging ganito ka agresibo yung mga board of directors na tanggapin yung offer niya. Ngayon, wala na siyang maipresentang ibang plano para mapapayag sila dahil walang wala yung mga naiisip niyang plano sa suhestyon ni Klarisse na talaga nga namang sinasang ayunan ng lahat.

Inis na inis siya kay Klarisse. Dahil lahat ng mga ideya niya, hindi sinasang ayunan ng mga kausap niya sa conference room. Pinipilit tuloy nila yung ideyang merging sa kaniya. Sobra siyang napressure, sobra siyang na on the spot. Hindi makapag desisyon nang maayos.

"Klarisse." tawag niya rito. "A word." sabay labas niya sa conference room at dire diretsong pumasok ng opisina niya. 

"Bayaw—"

"What were you thinking?!" hindi niya mapigilang panlisikan siya ng mata na tanungin ang kaharap. Inis na inis siya na binigyan ni Klarisse ng ideya ang board of directors. Sa ideyang pinaka ayaw niya. Sa ideyang hinding hindi niya na kayang uliting gawin. 

Hindi nagpatinag si Klarisse sa nag aapoy na mata ni Raven sa galit. Hindi siya natatakot, para bang sanay na sanay na siyang nakakakita ng ganong nag aapoy na mata. "I was just suggesting an idea that could help your company, bayaw."

"Are you fucking kidding me?"

Umiling si Klarisse.

"Alam mo ba kung ano yung sinabi mo doon sa harapan ng board of directors?"

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon