CHAPTER 01

9.6K 146 0
                                    

"What? Are you kidding me?" Gulat na gulat na tanong ni Jen sakin matapos kong i-kwento sa kanya lahat

It's been 4 weeks at ngayon lang kami nagkita dahil busy sya at ganun rin naman ako kaya ngayon ko lang nai-kwento sa kanya mga nangyari sakin.

"Am I?" balik ko sa kanya

Malakas syang bumuntong hininga at umiling-iling sakin na para bang hindi nya pa rin mai-proseso lahat ng sinabi ko.

"Bakit naman kasi sa kanya pa? Pero in fairness nakadilig kana" humagikgik sya

Napairap naman ako ng maalala ko na naman muli ang gabing iyon.

"That's was just a one night mistakes"

"Yeah. Pero Malay natin kilala ka pala nya" Nakataas kilay nyang sambit

Umiling ako at inilibot ang paningin ko sa buong condo nya. I wanted to become an independent too just like her na may sarili ng condo but my parents won't let me saka na raw pag may asawa na raw ako. Kailan pa kaya yun?

Ang ganda talaga ng condo ni Jen, kahit parati ako pumupunta rito hindi ko pa din maitanggi sa sistema ko ang pagka-mangha ko sa condo nya. Kulay purple ang lahat ng kulay sa paligid pati mga designs but it's look peaceful and relaxing. She's really obsessed in color purple. Dati ayoko ng kulay purple pero noong pumunta ako rito sa condo ni Jen I started to love it.

"Magaling ba?"

Naibuga ko sa mismong mukha ni Jen ang iniinom kong Juice dahil sa biglaan nyang tanong. What the fvck!

"What the fvck, K!" mura nya sabay punas ng mukha nya

"Oh my ghosh! I'm sorry Jen" Tumayo ako at sumunod sa kanya papuntang kusina "Ikaw naman kasi."

Hindi nya ako sinagot at hinugasan na lamang ang mukha nya sa may sink.

"Ano? Sagutin mo ako!"

Umirap na lamang ako at pumunta sa may freezer dahil baka may iba syang pagkain na magustuhan ko. Binuksan ko ang ref at agad kong nilanghap ang amoy ng kare-kare. Ang baho!

What the h3ll! Bakit ang baho?

Tumakbo ako papunta sa sink ng maramdaman ko ang pagbaliktad ng aking sikmura. Sumuka ako ng sumaka ng ilang beses and I can't help but to cry out loud. Ang sakit na ng tyan ko dahil wala na akong maisuka feeling ko pati laman loob ko naisuka ko na.

"Ssshhh... What happened?" Jen caressed my back

I washed out my face. Hindi ko pinansin ang tanong ni Jen sakin dahil ako mismo ang hindi alam kung ano ba talaga ang nangyari sakin.

"Kuhanan kita ng tubig" Sambit nya

Tumango na lamang ako. Muli nyang binuksan ang refrigerator nya at agad kong muling naamoy ang kare-kare.

"Sh3t!" Mura ko habang dumuduwal na naman muli

Dinalo ako ni Jen at pinainom ng hawak nyang baso ng tubig. I immediately drink it like a thirsty animal.

"Ayoko ng amoy ng kare-kare" Pag-amin ko sa kanya ng mahimasmasan na naman muli ako.

"H-huh?"

"Sabi ko kako ayoko ng-"

"Bakit? Paborito mo naman yun huh?"

"Dati oo pero ngayon hindi na dahil ang baho Jen" naiirita kong saad

Nanlaki ang mga mata nya at agad nyang sinapo ang aking noo. Hinawakan nya rin ang leeg ko na para bang chine-check nya kung may sakit ba ako.

Tinabig ko ang kamay nya

One Night Changes (Completed)Where stories live. Discover now