Ilang araw ang lumipas bago ako naging mas maayos. Dumuduwal pa din naman ako at sabi ng doctor normal lang raw iyon sa isang buntis gaya ko.
Until now I still can't believe that I'm pregnant. I’m having a baby soon.
I’m happy that God gave this. I already accepted it because it's a gift from god that every woman wish for, napaaga nga lang ang bigay sakin.
I don't want to abort it dahil tulad ko may buhay na rin sya. Ang problema ko nga lang ngayon kung paano ko sasabihin sa mga magulang ko na buntis ako lalong-lalo na kay kuya. Alam ko magagalit sila specially si kuya dahil sinabi nya na una pa lang na hindi kami pwede ni Khent.
Pero anong magagawa nya andito na ito eh?
“K, Halika na rito!” Sigaw ni Jen sakin mula roon sa dagat.
Nasa Boracay kami ngayon dahil inaya ko sya at sakto raw ang pag-aya ko dahil balak nya rin raw sana nya ako ayain para makapag-relax din daw kami.
Tambak na sya sa trabaho nya. She's working on their company, helping her parents dahil wala naman syang kapatid para tulungan ang mga magulang nya.
“Ang KJ mo naman” bumalik sya rito sa lounger at pilit na hinila ako pero hindi ako nagpadala sa kanya.
“Ang init pa Jen” reklamo ko
“Sige. Ako na lang” Sambit nya at muling umalis para pumunta sa dagat
Tinignan ko na lang sya at muli akong napahiga sa lounger. This is the place that I really want. Peaceful and relaxing the combination of that make me in peace.
Napatingin ako sa suot ko. I’m wearing my bikini under my cover up pero kitang-kita pa rin sa loob ko dahil sa nipis ng cover up ko but I didn't mind, sanay na rin naman ako sa gantong suot.
“Bakit hindi ka pumunta sa dagat at maligo? Sayang outfit mo”
Napatingin ako sa may left side ko ng marinig ko may nagsalita. Hindi ko alam kung ako ba kinakausap nya but I guess sakin nga dahil wala naman tao sa side nya dahil lahat nasa dagat.
“Ako ba kinakausap mo?” tanong ko kahit alam ko na ang sagot
“Hindi. Sa hangin” sagot nya
“Oh!? Sinagot ka ba nya? Anong sagot nya?” Nakangisi kong tanong
Napangisi rin sya “So, Bakit nga?”
“Mainit” sagot ko “Tsaka ayoko pa”
Tumango naman sya at tumingin na lang muli sa mga tao na masayang naliligo sa may dagat yung iba naghahabulan pa at naglalaro. Gusto ko rin tuloy sumali.
“Ikaw?”
Napatingin naman sya sakin at nagtaas ng kilay. Tinaasan ko din ang kilay ko.
“Gaya mo ayoko pa. Maliligo naman ako pag-trip ko na” sagot nya “Your from Manila?”
“Oo. Nag-vacation lang kami rito ng kaibigan ko for 3 days” Sagot ko
“I’m from Manila too” He smirked “You are? Kanina pa kita kinakausap pero hindi ko pa nakuha num- este pangalan mo.”
Napatawa naman ako at ganun rin sya.
“Your funny” I commented “Keisha”
“Ivan” we shook our hands “Ganda ng pangalan mo parang ikaw lang.”
“Sus, nambola pa” biro ko
“Kaya pala ayaw pa maligo dahil may binabalak ka.”
Sinamaan ko ng tingin ang kaibigan ko na ngayon abot langit ang ngisi ni hindi ko man lang napansin na bumalik na sya galing sa dagat. Tumaas ang kilay ko ng makita ang kasama nya. He looked at me then he smiled.
YOU ARE READING
One Night Changes (Completed)
General Fiction[ ONE NIGHT CHANGES | UNEDITED ] In a one night, everything changed. Warning: Medyo Magulo (Hwag basahin kung ayaw maguluhan) ★ Read first the DISCLAIMER before you proceed to read the other parts of the story. [ STORY RANKINGS ] #1- Architect #1...