"Jen, let's go umuwi na tayo."
"H-huh?" Gulat nyang tanong
"I said let's go. I'll explain to you later."
Kahit naguguluhan tinanguan nya lang ako at dumiretso na sa counter para magbayad ng mga pinamili namin.
Binuhat ko rin ang anak ko at pinasuot sya ng leather jacket. Mahirap na baka makita muli sya ng ama nya. I swear hindi ko na hahayaan na makita pa silang muli kung magkakapamilya na din naman sya sa iba.
Akala ko noong una pag bumalik ako rito may babalikan pa ko pero nagkamali ako dahil wala naman pala ako dapat balikan pa. Hindi nya ako hinintay.
Sinong t4nga ba ang maghihintay sayo, K? Limang taon ka nawala.
Umalis ka ng walang paalam.
Oo, ako ang nang-iwan pero nasaktan din naman ako. I regret leaving him pero ano pang magagawa ko? Nangyari na eh, hindi ko na iyon mababalikan pa.
"Anong nangyari?" Tanong sakin ni Jen pagkauwi namin sa bahay
"I-I saw him." Pabulong kong saad
"Him? Sino? Si Khent ba?"Mahina nyang tanong
Tumango ako "Yes. He's with someone else. Nakita nya rin ako pero parang hangin lang ako sa kanya."
"Sinong kasama nya? Babae o Lalaki?" Kunot noong tanong sakin ni Jen
"Babae. She's pregnant." Mapait kong sambit "Hindi mo sinabi sakin na may asawa na pala sya."
"What? Asawa? Wala akong alam na may asawa sya" gulong-gulo nya ring sambit
"Sino pala yun nakita ko, Jen? I'm not blind." Singhal ko "Nakita rin nya ang anak ko and I swear hindi ko na muling hahayaan na magkita nya pa ang anak ko. Magkakaanak na din pala sya!"
"Ano? Nakita nya rin si Ac? Namukhaan nya ba?" Namilog ang mga mata nya
"Hindi ko alam." Umiling ako
"At Anong sabi mo magkakaanak?"
Tumango ako.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung makita nya muli si Ac. I don't want that to happen again dahil ayokong malaman nya kung sino ang anak ko at mas lalo nang ayokong malaman nya na anak nya si Ac dahil alam ko sa oras na malaman nya ang totoo kukunin nya sakin ang anak ko at ilayo.
I'm sorry, baby if mommy can't give you a complete family.
Sa sumunod na araw dinalaw kami nila Ate. Pinakilala nya din ang dalawa kay Ac. Hindi ko maiitanggi na ang gwapo ng mga anak ni kuya at halos kamukha nya pero si Elden, nagmana kay Ate.
When I saw Zircon parang gusto ko bigla umiyak. Kung sana hindi ako nakunan edi sana ka-edad na rin ni Zircon ang panganay ko at may kapatid na rin sana ang anak ko.
"K, can we talk?" Ate asked me
Tumango naman ako. Lumapit ako sa anak ko at hinalikan sya sa pisngi bago ko inaya si Ate papunta sa may garden para doon kami mag-usap.
"Anong pag-uusapan natin ate?"
"K, Hindi kita pinipilit pero gusto kong sabihin mo sa kapatid ko na may anak kayo." Diretsang saad ni Ate
Gusto kong umiling sa sinabi nya pero hindi ko magawa. Hindi ko rin magawang ibuka ang bibig ko at tanging titig lang ang ginawa ko sa kanya.
"May karapatan ang kapatid ko dahil anak nya si Ac." muling salita ni Ate
"Galit ka ba sakin ate? Dahil sa ginawa kong pagtago kay Ac sa ama nya?" naitanong ko
Mabilis na umiling si Ate "Hindi. Dahil naiitindihan ko ang ginawa mo, ang sakin lang gusto ko sabihin mo sa kapatid ko bago pa nya malaman sa iba na may anak kayo."
YOU ARE READING
One Night Changes (Completed)
General Fiction[ ONE NIGHT CHANGES | UNEDITED ] In a one night, everything changed. Warning: Medyo Magulo (Hwag basahin kung ayaw maguluhan) ★ Read first the DISCLAIMER before you proceed to read the other parts of the story. [ STORY RANKINGS ] #1- Architect #1...