“Welcome back to Manila self!” Jen shouted happily to herself and she even jumping in joy like a kid
Kakalabas lang namin ng airport dahil kakadating lang namin galing Boracay pero parang gusto ko ulit bumalik roon.
“Sa Boracay lang tayo galing Jen”
“Panira ka!” Sigaw nya sakin
Hindi ko na lang sya pinansin dahil nakita ko na si Kuya. Sya kasi ang tinawag ko kanina para sunduin ako rito sa airport. Napatakbo ako palapit sa kanya tsaka ko sya mahigpit na niyakap.
“Na-miss kita Kuya” natatawa kong sabi
Tinanggal nya ang pagkakayakap ko sa kanya tsaka nya tinignan ang mga kasama ko. Kumunot ang noo nya ng makita sila Lio at Khent. Lagot! Ang alam nya si Jen lang ang kasama ko.
“Hi, Kuya!” Jen greeted my brother
Ngumiti lang sya kay Jen
“Zup, bro!” bati ni Lio kay kuya
“Kasama pala kayo?” tanong ni kuya sa kanila hindi pinansin ang bati ni Lio
Magkaibigan talaga sila dahil ganun din sakin si kent hindi pinapansin mga pinagsasabi ko.
“Jen invited us” Lio answered
Napatango na lang si kuya bago nya ako muling balingan ng tingin. He sighed.
“Let’s go” He said
“Bye Jen” Lumapit ako kay Jen tsaka ko sya hinalikan sa pisngi “And Lio”
Tinaasan ako ng kilay ni Khent. Anong tinataas-taas ng kilay nya? Did he expect na magpapaalam rin ako sa kanya? Asa sya! Iniripan ko na lang sya bago ako pumasok sa kotse ni Kuya. Narinig ko pa ang pang-aasar ni Lio sa kanya.
Pagkahatid ni kuya sakin umalis na din agad sya dahil may kailangan pa raw syang aasikasuhin. Nagpatulong naman ako sa mga katulong namin na iakyat ang mga dala ko.
***
Kinabukasan muli ako dinalaw ng morning sickness. Sanay na rin naman ako dahil halos araw-araw yata ako dinalaw ng pagduduwal.
Naligo na lang ako dahil pakiramdam ko sobrang lagkit ko na. Pagkatapos kong maligo nagbihis na ko ng puting dress dahil gusto ko pumunta ng mall ngayon.
“Kumain ka na ija” sambit ni Manang sakin ng bumaba ako
Tumango naman ako at nagsimula ng kumain. Pagkatapos kong kumain nag-paalam na ko sa kanya.
Paglabas ko ng gate nagulat ako ng makita ko si Khent na kakababa lang ng kotse nya. Hindi ko na sana sya papansinin ng lumapit na sya sa'kin.
“Hey” He greeted me “May lakad ka?”
“What do you think?” balik ko
“Hatid na kita” Presinta nya pa
“Ayoko nga” pagmamatigas ko pa
Lalagpasan ko na sana sya ng bigla akong nakaramdam ng paghihilo. Bakit ngayon pa? Napapikit ako at agad akong humawak sa kanya para sa suporta.
“Are you okay?” He asked worriedly
“Nahihilo ako” I admit
Bahagya nyang inilayo sakin ang sarili nya para tignan ako hanggang sa marinig ko ang malutong nyang mura.
“Sh't! Your bleeding.”
“H-Huh?” Naitanong ko na lang
Binuhat nya ako na kinabibigla ko tsaka nya ako sinakay sa kotse nya. Napasigaw naman ako dahil sa sakit ng puson ko. Dinilat ko ang mga mata ko para tignan ang hita ko na puno ng dugo at patuloy pang umaagos.
YOU ARE READING
One Night Changes (Completed)
General Fiction[ ONE NIGHT CHANGES | UNEDITED ] In a one night, everything changed. Warning: Medyo Magulo (Hwag basahin kung ayaw maguluhan) ★ Read first the DISCLAIMER before you proceed to read the other parts of the story. [ STORY RANKINGS ] #1- Architect #1...