CHAPTER 02

7.9K 138 0
                                    

Napabalikwas ako ng bangon ng pakiramdam kong bumabaliktad na naman ang sikmura ko kaya agad akong tumakbo papasok ng banyo at doon sumuka.

Sumuka ako ng sumuka hanggang sa wala na akong masuka kundi puro tubig na lang. Mapait na rin ang pakiramdam ko at naiiyak narin ako dahil ang sakit na ng tyan ko, kakasuka.

Bakit ako nagkakaganito?

It's easy to asked a question but it's hard to answer. Right?

Hinilamos ko ang aking sarili bago ako lumabas ng banyo. Umupo ako sa gilid ng kama at napahawak sa ulo ko dahil pakiramdam ko magkaka-sakit pa yata ako.

Napabuga ako ng hangin at agad na hinanap ang medicine kit ko tsaka ako uminom ng gamot para mahimasmasan man lang. Muli akong natulog at nagising na lang ako ng marinig ko ang pag-vibrate ng aking cellphone pero hindi ko magawang idilat ang mga mata ko dahil sobrang nahihilo na talaga ako.

Napasapo ako sa sarili kong noo at agad kong naramdaman na ang init ko nga.

Sh't!

*DOOR KNOCK*

Pilit kong dinilat ang mata ko hanggang sa dinilat ko naman. Napatingin ako sa wall clock only to see it's already 11pm.

Ilan oras na kong natutulog?

"I-it's open." paos kong sabi ng may kumatok na naman.

Bumukas naman agad ang pinto at iniluwa roon si manang. Magsasalita na sana sya pero hindi nya tinuloy ng makita nya na hinang-hina ako.

"Jusko kang Bata ka!" bulalas nya at agad na lumapit sa'kin "Anong nangyari sayo? Nilalagnat ka?"

Sinapo nya ang noo at leeg ko tsaka nya muli akong pinagmasdan.

"Nilalagnat ka nga." Ani nya pa

"I'm fine manang" I assured her

"Hindi pa umuwi ang mga magulang mo dahil tumawag sila rito kanina at tinanong ka. Hindi ka raw sumasagot sa tawag nila sayo" She said "Bukas pa raw ang uwi nila dahil may kailangan raw silang asikasuhin."

Tumango lamang ako. I guess sila mom at dad ang tumawag sakin pero hindi ko naman sila sinagot dahil nahihilo talaga ako at isa pa hindi ako makatayo dahil pakiramdam ko any moment matutumba na lang ako.

"Teka lang..." Tumayo sya "Bababa lang ako pero babalik rin ako agad"

Tanging tango lamang ang ginawa ko dahil hindi ko maibuka ang bibig ko at wala rin naman akong sasabihin.

Pagbalik ni manang may dala na syang tray na pagkain ang laman para sa akin at bimpo. Tinulungan nya akong maka-upo ng makita nyang nahihirapan ako tsaka ko kinain ang dala nyang soup.

Pinunasan nya rin ako habang kumakain ako. Napangiti ako ng may maalala.

"May sakit ka na nga nakuha mo pang ngumiti" Naiilang na komento ni manang

"Naalala ko lang po na ganito rin kayo dati sakin." kwento ko na nagpangiti kay manang "Inaalagaan nyo ko while my mom's away. Doing work while me I'm here lying in my bed, sick."

"Alam ko" tumango si manang

"Then uuwi sya na may dala na ang mga paborito kong pagkain" I continued

Napangiti muli si manang

"I know I can blame, mom. It's her work and work is work" I said "Akala ko nga andito na sya at sya ang inexpect ko na aalagaan sakin ngayon but I'm wrong again. Umasa na naman ako sa wala."

My tears pooled down. Hindi ko alam kung bakit ko ito sinabi kay manang ngayon. Hindi naman ako masyado nag-open sa iba ang mga problema ko pero hindi ko na mapigilan sabihin kay manang ngayon. I don't know either kung bakit ang emotional ko rin ngayon.

One Night Changes (Completed)Where stories live. Discover now