JEROME:Okay na SANA eh pero bakit sinabi pa niyang infatuation? Hindi ba niya ako minahal? O sadyang sobra ko siyang nasaktan kaya nasabi niya ang lahat ng yun.
"INFATUATION!" shit! Napasigaw nalang ako dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Ganun ba talaga yun? Ganun lang bang ideny ang past namin, nagmahalan kami, naging masaya pero bakit parang wala lang sakanyang ang lahat ng yun?
"Okay lang yan bro! Hindi din naman natin siya masisisi, nasaktan mo siya bro!" nandito ako ngayon sa Condo ni Lester! "Parang si Ella lang, kahit na anong pag papaliwanag ko ang tigas ng puso niya."
Nakakatawa lang isipin na mag kasama kami ngayon, at nasasaktan dahil sa mga babae at ang mas nakakatawa ay mag pinsan pa.
"Hindi ko naman siya sinisisi eh, ang gusto ko lang malaman niya na nasaktan din ako. Umiyak din ako kagaya niya."
"Alam mo bro, mukhang mahirap yan. Dahil unang-una kilala mo naman ang mga babae kapag nasaktan sobra sobra. Hindi nila naiisip na nakakasakit din pala sila." napabuntong hininga nalang ako sa sinabi ni Lester at nilagok ang bote ng alak na hawak ko. "Ang tanging magagawa lang natin ay ang maghintay, hanggang sa mapatawad nila tayo."
Mapatawad? Patawarin? Ako ni Jane? Sana.. Dahil umaasa ako, umaasa akong matutuloy pa din ang lovestory naming naudlot.
LESTER:
Habang tulog si Jerome ay patuloy sa pag agos ang luha sa mata ko. Nakakabakla mang tingnan pero totoo, hindi naman maling umiyak lalo na kung nasasaktan ka.
Flashback:
"Please naman Ella oh! Pakinggan mo lang ako." pagsusumamo ko sakanya, nandito ako sa harap ng bahay nila.
"Ano pa bang dapat kong marinig sayo? Na nagsisisi ka? Na hindi mo ginusto? O baka naman na mahal mo pa rin ako? Ano pa ba? Paulit ulit ko nalang na naririnig yan, at rinding-rindi na ang tenga ko sa mga yan. Bakit ba hindi nalang kayo mag pakatotoo. Ginawa niyo ang isang bagay dahil ginusto niyo, at hindi dahil hindi niyo ginusto."
"I just don't have a choice Ella, yun ang gusto ni Dad."
"You don't have a choice? Really? We all have a choices, kaya natin pinag iisapan diba? You choice but you chose one. And that one is to go and live me." sa mga oras na ito, ay nakikita ko ang galit mula sakanyang mga mata. "So now, leave. I don't to talk to you anymore!" pero imbes na sundin ko ang sinabi niya ay mahigpit ko siyang niyakap.
"Please Ella! Just please tell that you still want to be with me!" kumalas siya sa pagkakayap ko at agad akong itanaboy.
"I don't love you anymore! Sorry!" naglakad siya palayo saakin. Hanggang sa bumuhos ang isang malakas na ulan.
Buti nalang bumuhos ang ulan, para hindi niya makita kung gaano ako nasasaktan at kung gaano kabilis ang pag agos ng luha sa mata ko.
END OF FLASHBACK:
Sa mga nangyayari ngayon, ang dami kong narealize. Maling iniwan ko siya ng hindi sinabi ang dahilan, maling mali.
JANE:
Bago pa man ako pumaasok ng bahay ay huminga muna ako ng malalim. Tama lang ang sinabi ko kanina, INFATUATION lang ang lahat isang panaginip na tapos na. Hindi na kailangan pang balikan at isipin. Pero bakit ganito, bakit naguguilty ako, bakit feeling ko nasaktan ko siya? At bakit ba ako nag aalala sa feelings niya.
Dire-diresto na sana akong papasok ng pigilan ako ni Howard. "Ano yun?" tanong niya.
"Ang alin?" tanong ko at kinalas ang kamay ko.
"Yung interview mo, bakit ka nagsinungaling?" tanong niya at umupo sa couch. "Alam mo naman ang totoo diba?"
Teka nga, tama ba itong naririnig ko? "Eh ano naman? Besides hindi naman talaga ako nagsinungaling, sinabi ko lang naman ang totoo na ang lahat nang nangyari noon ay isang lang infatuation. Ano namang mali?" yun ba talaga?
"Ang mali ay nagsinungaling ka, hindi infatuation yun Jane dahil alam mo sa sarili mong minahal mo siya! Alam mo sa sarili kong kaya ka pumunta na London para kalimutan siya. Ganun ba ang Infatuation? Hindi mo lang ba naisip na baka masaktan siya?" nabakas ko sa mukha ni Howard ang pagkaseryoso.
"Yeah right! Pero masisisi mo rin ba ako? Minahal ko siya at sinaktan lang niya ako. So ano namang masama kong iparamdamam ko rin sakanya ang naramdaman ko noon?"
"Bakit Jane satingin mo ba ikaw lang din ang nasaktan noon? Tinanong mo ba siya kung ginusto niya ang nangyari? Hindi diba? So it means wala kang alam! Alam mo kung bakit minsan ay nakakaramdam kana ng guilt, kasi ang lagi mong iniisip ay ang sarili mo lang. You would not bother to ask someone if nasasaktan narin ba siya o hindi." nakaramdaman naman akong init ng dugo sa sinabi niya. Shit! "Do you remember? That night I told you to wake up and faced the reality. Alam mo ba kong bakit hindi mo magawa yun? Because you are selfish! You keep on blaming others, and you keep on blaming yourself. Walang may gustong mangyari iyon, nangyari yun dahil iyon ang nakatakda."
"Ano bang alam mo? Nasaktan kana rin ba? Naiwan kana? Sinasabi mo Selfish ako, pero hindi mo alam kong ano ba talaga ang nararamdaman ko. Okay Yes I am selfish, and yes keep on blaming others, and Yes I keep on blaming myself. Dahil one day nagpaniwala ako sa isang katangahan at one day lahat ng katangahan yun ang naging dahilan para sobra sobra akong masaktan. Isang kang playboy kaya hindi mo alam kong anong pakiramdam ng maiwan at maloko. Dahil in the first place ikaw ang nang iiwan at ikaw ang nanloloko! So please wag mo kong pangaralan kong anong tama at mali!"
Ano bang alam niya? In 2 years na naging magkasama kami, lagi ko nalang siya nakikita may kasamang iba't ibang babae. At minsan mababalitaan mo nalang na sinaktan niya ito emotional dahil sa break up. Hindi ko alam kong anong problema niya at ginagawa niya yun, dahil ang alam kong nakakasakit siya. Sinasabi niyang mahal niya ako at gusto niya ako, pero ito siya galit na galit.
"Alam ko lahat ng sinasabi ko Jane." napatigil ako sa sinabi niya at napatingin sakanya. "I know every words I say, I know hindi pa man tayo nagkakilala ay hinusgahan mo na rin ako. It's impossible na hindi diba? Sino nga ba naman ang hindi maglalakas ng loob na husgahan ang isang Howard James? Playboy, breaker, party boy. Pero hindi naman masakit ang mga katagang yun eh, alam mo ba kung anong masakit? They only know my name not my story pero ayon they have their own story about me. Wala man lang nagbother na isipin, ano kayang nangyari ay naging ganyan siya? Ni ikaw nga hindi mo na isip yun eh. Ayoko sanang sabihin sayo ito, pero sa mga nakikita ko ngayon sayo. Isang kang mapagpanggap, isang babaeng nagtatago sa tunay na siya at tunay niyang nararamdaman." napatulala nalang ako sa sinabi niya.
Ano bang nangyayari sa mundo? Hindi ako nagpapanggap, sinasabi at pinapakita ko lang ang tunay kung nararamdaman. Masama ba yun? Hindi ko alam kong bakit ganito kahirap tanggapin ang mga bagay sa mundo. Nasasaktan ako at hindi masamang wag mong ipakitang nasasaktan ka. Ayokong kaawaan ako, ayokong magbago ang tingin nila saakin. Kung ang tawag man dun ang pagiging SELFISH, siguro nga selfish ako.
To be continue.
BINABASA MO ANG
Once Upon a Lovestory (Book II)
FanfictionThis story is the continuation of the Once Upon a Lovestory, so its means this is the book II of the story. And you will not able to understand this story if you wouldn't read the first book. Ayoko po ng anong mang komentong "Hindi ko maintindihan...