8(Pag-amin)

120 7 0
                                    


HOWARD:

Hindi ko alam kong paano ko nasabi lahat ng yun kay Jane, basta ang alam ko tama lang na malaman niya ang totoo. Ang totoong hindi lang siya lang siya ang nasasaktan. At hindi lang siya ang taong iniwan at niloko.

Shit! Ito nanaman itong pakiramdam na ito! Alam kong maling maramdaman ko nanaman ito, pero minsan hindi ko na rin mapigilan. Na sa pareho posisyon kami ni Jane, may pagkakaiba nga lang kasi siya iniwan pero may dahilan at mahal parin, pero ako iniwan ng walang dahilan at dahil hindi na mahal.

Minsan nagtatanong din ako, bakit nga ba may mga taong nangiiwan? Madaming pwedeng isagot pero, hindi ka parin sapat yun para tanggapin mong iniwan ka na niya.

ELLA:

Bakit ba ako nakakaramdam ng ganitong feeling, yung feeling na parang may kulang, parang hindi pa rin ako buo.

"Alam mo bansot dapat man lang binigyan mo siya ng chance na mag explain." paliwanag ni Franz ng malaman niya yung nangyari nung isang gabi. "Malay mo may dahilan talaga kaya ka niya iniwan noon."

Ewan ko! Bakit ba puro nalang dahilan? Hindi ba pwedeng wala nalang dahilan? Nakakainis lang! Kasi paulit ulit nalang.

"Bakit ko ba papakinggan ang isang dahilan na nakasakit na saakin? Hindi ba pwedeng wag nalang?"

"Hindi naman kasi pwedeng ganun nalang yun, alam mo kasi bansot. Kung talagang nakamove on kana at wala kanang nararamdaman sakanya, ikaw mismo at yang puso mo mismo handa nang marinig ang mga dahilan kong bakit ka nasaktan." napaiwas naman ako ng tingin kay Franz. "Nakapag move on kana ba talaga? Kasi kung OO sana bigyan mo ng chance ang sarili mong sumaya at makawala." ano bang dapat kong isagot?

"Alam mo bang hangang hanga ako kay Jane kasi kahit pa alam ko at nakikita kong mahal na mahal niya pa din si Jerome, nakakayanan niyang pigilan at magkunwari. Minsan nga gusto kong maging siya, kahit isang araw lang. Yun bang hindi na ako magiisip ng mga bagay na meron kami noon."

"Iba kasi yung si Tibo! Hindi lang kasi siya once na nasaktan at hindi lang isa ang nangiwan sakanya, kaya hindi mo rin masisising maging manhid na siya. Si Jane kasi siya yung tipo ng taong kung titingnan mo parang ang lakas lakas niya at ang tapang tapang. Pero hindi, kasi ang totoong Jane ay napakafragile, ang bilis masaktan at ambilis umiyak."

Tama si Franz, kaya nga sobrang hanga ako sakanya eh. Kahit nasasaktan na siya, nagagawa pa rin niyang tumawa at maging masaya.

"At alam mo Ella, kahit kailan hindi kayo magiging pareho. Dahil magkaiba kayo, kaya nga magkaibigan kayo eh. Walang lamang at walang talo. Pareho lang." napangiti ako sa sinabi ni Franz. "Kaya ikaw try mong magpakatotoo."

JANE:

Sabado ngayon, at ito ang araw ng pagpunta ko sa network ko. At ang nakakainis dahil makakasama ko si Jerome. Ewan ko pero hanggang ngayon medyo naiinis ako sa sarili ko kasi naguguilty pa din ako.

"Ma'am may nagpapabigay po." bungad saakin ng bago naming maid at iniabot saakin ang bouquet of pink roses.

"Kanino galing ito?" tanong ko sakanya. Binasa ko ang letter na nasa loob nito pero walang name na nakalagay. Ang tanging naroon lang ay ang messege niya.

"You are the most beautiful girl I've ever seen!"

-Your handsome stalker.

Aaminin ko napangiti ako sa nabasa ko pero kanino naman galing to? Ang creepy lang kasi STALKER daw siya pero mismo sweet kasi ang effort niyang stalker.

Once Upon a Lovestory (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon