11 (Selosong Gwapo)

138 7 0
                                    

PS: Ang title ng Chapter na ito ay SELOSONG GWAPO, hindi ko alam kong bakit yan ang iniligay ko. Hahaha, anyway basahin niyo nalang, para malaman niyo kung bakit. Chow!

JANE:

"Bitiwan mo nga ako!" hawak hawak niya ako pero nagpupumiglas ako sakanya. "Ano bang gusto mo?"

"Ang mahalin mo rin ako! Please!" sunungaban niya ako ng yakap at pagkatapos ay lumuhod siya saaking harapan.

"Sorry pero hindi na ikaw ang mahal ko."

"Kung hindi ako ang mahal mo, sino?"

Itinuro ko si Jerome at yumakap sakanya ng napakahigpit. "Siya na ang mahal ko Tristan si Rico na!"

"Cut!"

Haaay! That scene though! Bakit parang masyado ako naapektuhan? Tsk!

"May nagpapaabot Ms. Elizabeth." inabot sakin ng nung isang staff ang bouquet of flowers with Pizza.

Agad kong hinanap ang note upang malaman kong kanino galing.

Hi beautiful lady, I just wanna express my feelings. That's why I both you a flowers and your favorite Pizza. I hope you will like it. Take care!

-Your Handsome Stalker

Galing nanaman sa stalker ko, sino ba siya? Baka si Howard kasi alam niyang favorite ko ang pink roses at pizza. Eh bakit hindi niya magawang magpakilala.

"Kanino galing yan?" bungad saakin ni Howard.

"Baka sayo! Ikaw ba ang stalker ko?" lakas loob kong tanong sakanya.

"Stalker? Ako? Araw araw kaya kitang nakakasama." sabagay may point siya dun. Pero kong hindi siya sino?

"CR muna ako." naglakad palayo si Howard at ako nagsimulang kumain.

STALKER POV:

"Salamat ate Jet ah!" kakalabas ko lang ng CR ng makita kong kinakain na niya ang Pizza na binigay ko.

"Okay lang basta ikaw!" sagot niya.

Pinagmasdan ko siyang maigi, sarap na sarap siya sa ibinigay kong Pizza alam kong yun ang paborito niya kaya yun ang binili ko.

Hindi muna kailangang malaman na ako ang nabibigay niyan, hindi sapat ang araw araw para maipakita at maiparamdam ko sayong mahal kita.

JEROME:

"Baka matunaw na siya sa kakatitig mo! Lumapit kana kasi, tutal wala naman yung asungot e." pang aasar saakin ni Tita Rits.

Tumayo ako at nagsimulang maglakad papunta sakanya. Kahit kumakain siya, maganda pa rin siya.

"Bakit wala kang kasama?" tanong ko sakanya, saka umupo sa upuan na nasa harapan niya.

"Kailangan ba may kasama ako?" tanong niya saka tumanaw sa malayo. "Tyaka, dadating na rin si Howard and by that may kasama na ako. " napayukom naman ang kamao ko sa sinabi niya, wari'y nakaramdam ako ng pagkainis.

"Kumusta naman kayo?" inis kong tanong pero hindi ko pinahalata.

"Wait. Let me repeat your question, kumusta kami? As a friend were okay."

"Hindi ba kayo?"

"What do you mean na KAMI? as in relationship?"

"Ano bang meron sainyo?" seryoso kong tanong. "Kayo na ba?"

Napatawa tawa naman siya sa sinabi ko. "Bakit mo ba tinatanong yan?" tanong niya. "Hindi mali, ganito nalang. Ano bang pake mo kung anong meron saamin?"

"Gusto mo bang marinig?"

"Na ano?"

"Nagseselos ako! Dahil lagi nalang kayong magkasama. Nagseselos ako dahil lagi kang masaya pag kasama siya at nagseselos ako dahil parang wala ka ng pakialam saakin!" napayuko nalang ako sa mga sinabi ko, nakakahiya mang sabihin pero yun ang totoo. At hindi ako kagaya niyang kayang magpretend na hindi nasasaktan. "Sorry!" dagdag ko, at saka naglakad palayo sakanya.

Shit! Ang tanga lang! Nakakatawa talaga ako, bakit ba? Ni hindi nga siya sumagot sa sinabi ko. Nakakainis! Di magsama na sila ng Howad na y---este HOWARD pala!

JANE:

Sa paglakad niya palayo saakin ay nag umpisa ng bumilis ang tibok ng puso ko. Ewan ko, may sakit na ata ako sa puso! Haha.. Ewan ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko parang gusto ng lumabas ng puso. At para bang anytime hihimatayin ako.

"Bes! Okay ka lang?"

Teka nga sino ba itong istorbo? Kinikilig pa ang tao e, nang iistorbo.

"Okay lang." sagot ko at nagpakaseryoso. "Ano bang ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya, napansin ko namang may dala siyang pagkain. Kukunin ko sana pero inilayo niya saakin.

"Hindi para sayo ito Tibo!" napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni Baks! "Para kanino naman yan? Ako lang naman ang kaibigan mong nandito."

"Ano ba Tibo! Hindi nga kasi para sayo ito. Para ito sa inspiration ko." napatitig naman ako sakanya. Ang baklang ito talaga, ubod ng landi.

"Hindi ka naman gusto ni Howard eh!" asar ko sakanya. "At kahit pa ibigay mo sakanya yan, isheshare niya pa din yan saakin." dagdag ko pa saka tumawa.

"Whatever! Tama bang ipamukha mong ikaw ang nililigawan! Baka akala mo hindi ko nakita yung kanina."

Wait! Nakita niya yun? Geez.. Nakakahiya.

"Wala naman yun eh! Were just friends!" pagiging defensive ko. "Pag ba nag usap kailangang may something?"

"Haha. Ang halata mo tibo! Nagbublush ka oh!" pangaasar niya saka tumabi saakin upang tusukin ang tagiliran ko. "Hay naku! Inlove ka nanaman ulit."

Napangiti naman ako sa sinabi ni Franz, hindi ko alam kong inlove ako. Dahil ang alam ko masaya ako at nag eenjoy sa buhay.

Once Upon a Lovestory (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon