20 (The reason)

68 3 0
                                    

RYAN:

Halos lahat kami ay hindi makapaniwala sa nakikita namin ngayon ngunit sa kabilang banda ay masaya rin kami.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay ni Juliana. "Jane????" hindi ko pa makapaniwalang tanong.

Oo nandito siya ngayon sa harapan namin.

Agad naman siyang niyakap ni Daddy at Mommy habang maluha luha. "Thank God okay lang." sabi ni Mommy. "Saan ka ba nag punta? Its almost 3 years Elizabeth." dagdag pa ni Daddy ngunit ngiti lamang ang kanyang isinagot.

Kakaiba siya, hindi mali! Iba na siya... Yung mukha niya, mukha siyang sobrang saya. Ang liwanag ng mga ito at halos kitang kita sa mga mata niya ang ningning.

"Were happy na bumalik kana." sabi ni Howard at saka sinalubong siya ng yakap.

ELLA:

"OMYGaDDD!" halos lumabas na ang mata ko ng makita ko siya. With my own two eyes!

Tumawag kasi saakin si Franz na bumalik na daw si Jane.

"Okay ka lang Ella?" tanong niya na habang may malawak na ngiti sa labi niya.

"Shit! Saan ka ba galing?" tanong ko saka niyakap siya. "Sobrang tagal mong nawala."

"I'm fine, don't worry." paliwanag naman niya. "I'm here para malaman niyong okay lang ako."

"Of course it is your responsibility, in 3 years Jane wala ka at halos wala kaminh balita sayo."

"Akala niyo lang nawala ako. But the truth is I stayed, ang pandinig ko, ang paningin ko at ang pagmamahal ko. Halos lahat ng akala niyo hindi ko nakita at nabalitaan ay alam ko." ngumiti siya at niyakap ako. "Besh wishes couz, I am happy for you."

Napangiti ako sa sinabi niya. "How did you know? Sinong nagsabi sayo?"

"Diba sinabi ko, hindi ako nawala."

Hindi ko alam pero naguguluhan ako ngayon, para bang iba na siya. Parang mas matured na siya way back then.

"Eh kay Jerome nagpakita ka na ba?" umiwas siya ng tingin saakin at humarap sa may bintana.

"Nakita na niya ako, bago pa ako magpakita. Hindi nga lang niya ako nakilala at hindi kami nabigyan ng pagkakataong mag usap."

"Wait! Saan ka ba kasi napadpad?"

"Sa lugar kung saan alam kong hindi ako makakagulo, sa isang lugar kong saan alam kong matatahimik ako. Sa isang lugar kung saan makakapagbago ako." ngumiti siya muli saakin. "Tara na." aya niya at hinila ako palabas ng kwarto niya.

Ano bang nangyayari sakanya? Hmm.. Nag bago siya, parang naging seryoso na siya.

JANE:

Pinili kong sabihin kay Ella ang lahat lahat, kaya hinila ko siya palabas at niyayang maglakad pa punta ng Mini park netong village. Alam kong lahat sila naninibago sa nakikita at nasaksihan nilang Jane, pero hindi. Matagal lang nila akong nawala kaya nanibago sila nung pagbalik ko.

"Ano bang sasabihin mo Couz?" tanong niya. "Alam mo parang nagbago ka." napalingon ako sa sinabi niya.

"Hindi naman ako nagbago Ella, naninibago lang kayo." sagot ko sakanya at umupo sa may gilid ng kalsada. "Alam mo bang wala naman talaga akong balak umalis. Handa ko siyang ipaglaban."

"Ano bang dahilan?"

"Dahil mahal ko siya, dahil kailangan at dahil sainyo." napalingon siya saakin na mayroong halong pagtataka. "Ang GREEN HOUSE." mas lalo pang siya nabigla sa sinabi ko. Oo alam niya ang tungkol sa green house. "Kasalanan ko Ella, dahil sinama ko siya roon. Pumasok kaming dalawa kahit pa alam kong mahal ko naman talaga siya. Alam kong alam mo ang tungkol sa sumpa ni Lola sa bahay na iyon, ang walang hanggang pagmamahalan." sa ilang saglit ay natahimik ako. Ngunit agad ko ring ipinagpatuloy ang kwento ko. "Wala akong balak isama siya roon, pero mahal ko siya Ella at tanging yun lang ang pag asa para kami na ang magsama pang habang buhay. Sinama ko siya sa Green house kahit pa alam kong walang kasiguraduhan ang mga pwedeng mangyari. Naaalala mo ba nung bago tayo umalis? Nung araw na iyon ay matagal akong nawala, hindi naman talaga ako lumibot. Bumalik ako mag isa sa Green house upang kunin ang sulat na iniwan doon ni Mommy. Pero pag pasok ko roon, sinalubong ako ni Manang Herma." tinigil ko ang kwento ko at pinikit ang aking mata.

Flashback:

"Anong ginagawa mo dito?" tanong saaking ng isang matanda pag pasok ko ng green house.

"Amin po ito lola." nakangiti ko pang sagot sakanya ngunit pinanlisikan niya ako ng mata. "Sino po ba kayo?"

"Hindi ka dapat pumasok rito." seryoso niyang sagot saakin.

"Bakit naman po? Kahapon po pumasok din ako dito kasama ang isang kaibigan." bigla niya akong hinawakan ng mahigpit sa braso.

"Isang kaibigan? Ikaw ba si Elizabeth?" tanong niya.

"Opo." sagot ko.

Inabot niya saakin ang isang sobre na may lamang sulat. "Sa araw ng pagkamatay ng Lola mo ay kinakailangan mong bumalik rito."

"Bakit naman po?" tanong ko ngunit hindi niya ako sinagot, sinulyapan niya ang sobreng ibinigay niya saakin na parang nagsasabing ang sulat ang makakasagot sa tanong ko."

End of Flashback:

"Anong nakalagay sa sulat?" tanong ni Ella saakin?

"Ako ang susi, ako ang huli." sagot ko at muling ipinikit ang mata.

Flashback: (The night before siyang makipagdinner sa parents niya)

Aalis na sana ako ng kwarto upang puntahan si Kuya ngunit, napatIgil ako ng muli kong masulyapan ang sobreng ibinigay saakin. Napaupo nalang ako sa may kama ko at dinampot iyon. Bago ko buksan ay huminga muna ako ng malalim.

Ang sulat na ito ay tanging ibinibigay lamang sa magiging apo ko. Siya at walang iba ang may karapatang basahin ang mensaheng nakasulat rito. Maliban nalang kong hindi siya nagtagumpay sa mga nakasaad rito.

Ika-14 ng Enero ng umpisahan kong isulat ito, ang sulat na ito ay naglalaman ng isang mahalagangbilin. At ikaw, ang tanging makakapagpabago ng isang sumpaang walang hanggang pag ibig. Ang Berdeng Bahay, ay nabuo dahil sa isang pagmamahalan ang pagmamahalan namin ni Bernardo, ngunit ang Berdeng bahay din ang sumira sa magandang pag sasama. Nang gabing iwan ako ni Bernardo ay ang gabing napili ko upang isumpa ang bahay na iyon. Ang sumpang walang katapusan, walang hanggan at walang makakapagpahiwalay. Sumpang ang alam ng lahat ay pawang mabubuti lamang. Ngunit ang sumpa ay sumpa, may mga kondisyon at kinakailangang sundin.

Sa pagtapak ng dalawang taong nagmamahalan sa loob ang berdeng bahay ay ang umpisa ng isang walang hanggang pagsasama... Walang hanggang pighati, walang hanggang kasakiman at walang hanggang pagmamahalan. Walang makakapaghiwalay, tanging ang kamatayan. At upang mawala ang Kasakiman at Paghati sa pagmamahalan ay kinakailangang maghiwalay ay dalawang tao. Isang taon, kinakailangang makayanan ng dalawang tao ang maghiwalay. Nang sa ganun ay matupad ang kahilingang walang hanggan.

Matatapos lamang ang sumpa kapag nagawa ng dalawang nagmamahalan ang nasabing paghihiwalay.

Mapapasalin-salin ang sumpa hanggang hindi pa nagawa ang nasabing kondisyon. Dahil ang sumpa ang mananatiling sumpa hanggang hindi pa nahahanap ang tunay na lunas.

End of Flashback:

"Nang gabing iyon ay nabuo ang desisyon ko, ang desisyong iwan siya at ang desisyong gawing ang inyong mga buhay. Alam kong nagugulo rin kayo at kasabay ng pag alis ko ay ang pagbaon ko ng isang bilin ng isang kondisyon, na siyang hahatol kong matatapos at mawawakasan na nga ba ang sumpa ni Lola."

Niyakap ako ang mahigpit ni Ella at pagkatapos ay ngumiti saakin. "Nagawa mo Jane, naputol mo ang sumpa ng Green house."

PS: Okaaay guys! Feeling ko parang shunga lang yung tungkol sa sumpa, but I think yun ang naging twist ng kwento. Wala naman ako balak ilagay yun, pero... Ewan biglang yun nalang yung unang pumasok sa utak kong isulat kaya yun na din yung iniligay ko. And sorry kong medyo OA yung nakapaloob sa sulat, wala kasi akong background tungkol sa sumpa eh. Hahaha! Anyway, sana okay lang sainyo.

Author's note: sorry kung ngayon lang po nakapag update.

Once Upon a Lovestory (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon