A/N: Satingin niyo ano ng mga pagbabago ang nangyari sa buhay ng mga bida natin? Ako? Ewan ko pa eh. Haha. Anyways may short POV si jane dito para magkaroon kayo ng clue.
JEROME:Sinimulan ko ang aking araw sa pagtingin ng Litrato niya na nakadisplay sa desk sa opisina ko. Ano na kayang mukha niya ngayon? Saan na nga ba siya ngayon? Namimiss ko na siya, at kaya ko ginagawa ito para sakanya dahil ito ang kahilingan niya.
"Good morning sir John." bati saakin ng sekretarya kong si Agnes. "Pinapasabi po pala ni Mr. Enriquez na ideniposit na daw niya ang bayad for the house."
"Well that's good to hear." sagot ko naman. "Ano bang sched ko ngayon Agnes?" dagdag kong tanong.
"Meeting with Alysa at Guiciano Restaurant 11 in the morning, Meeting with Lucy at the same place 1 in the afternoon and then last one is Meeting with Mr. Ryan Zione Enriquez para sa bahay na pinapulish nalang."
"Okay."
Madami ng nagbago, madami ng umalis at madami nang bumalik. Pero hanggang ngayon siya, ang pinakahihintay kong pagbabalik niya ay hindi pa nagaganap. Nasaan na kaya siya? Halos hinanap siya sa kung saan saan pero ni isa saamin walang nakaalam kong nasaan siya.
Inayos ko ang gamit ko at dumiresto sa Batangas, binilin ko kay Agnes na icancel ang mga meeting ko dahil kailangan kong pumunta sa Batangas para tingnan ang bago kong project doon. Maigi na rin siguro ito, para kahit paano maalala ko siya. Miss na miss ko na siya eh! Sa Batangas kami nag usap ng sobrang tino at dun niya ako binigyan ng panibagong chance.
4 hours after....
"Ano pong ginagawa niyo dito sir?" tanong saakin nunh taga bantay ng bahay.
"I am here to visit the house, para malaman ko kung ano pa bang pwede baguhin." sagot.
"Sige sir, maiwan ko nalang po muna kayo."
Malapit ang bahay na ito sa Resthouse nila Jane kaya nga tinanggap ko eh. Actually parte din ata ito ng land nila pero mukhang nabili na ata. Kasi balita ko may kaibigan ang owner na ito at ang Daddy ni Jane.
Matatanaw mo rin rito ang ganda ng dagat pati na rin ang green house na natayo sa isang tagong lugar. Dumiresto ako sa loob ng bahay at umakyat sa animo'y terece nito, maganda ang simoy ng hangin. At ang ganda ng view dito.
Nabaling ang tingin ko sa greenhouse kung saan mayroong babaeng lumabas. At naglakad papuntang dalampasigan, mahaba ang buhok ay mayroong puting tila ang nakatalukbong sa may ulo niya. Hindi ko makita ang mukha niya, lumabas siya galing sa Green house so ibig sabihin, may bago ng nakatira diyan sino naman kaya siya? Pinagmasdan ko siyang maagi, hanggang sa mapatingin sa gawi ko. Nakatakip ang kalahati ng mukha niya, pero pamilyar ang ngiti niya. Agad akong nakaramdam ng kaba, sa hindi ko malamang dahilan ay napatalikod ako.
Hindi kaya si Jane yun? Lilingon sana ulit ako upang pagmasdan maigi, ngunit wala na doon ang babae. Baka namamalikmata lang ako dahil sobra ko na siyang namimiss. Pero parang totoo, siya lang ang may ngiting ganun.
"Engineer John!" napalingon naman ako sa tumawag saakin. "What are you doing here?"
"Ichenicheck ko lang ang mga dapat ayusin." paliwanag ko habang wala pa rin sa ako sa aking sarili. "Mr. Santiago, maari ba akong magtanong?"
"Oo naman." sagot niya.
"Mayroon po bang nakatira sa Green house na yan?" sabay turo sa green house.
Napatahimik naman siya sa tanong ko. "Alam mo bang may sumpa ang Green house na yan?" paguumpisa niya. "Hindi naman siya masamang sumpa, pero isinumpa yan ng unang unang nagpatayo niyan. Si Maria Carmela Enriquez, ang ina ni Jack." nakaramdam naman ako ng kaba sa narinig ko. "Sumpang walang hanggang pagmamahalan." dagdag niya.
"Ano pong ibig niyong sabihin?"
"Sabi kasi nila, nagsimula raw ang sumpa sa nanay ni Jack, isinumpa niya ang Green house dahil yan daw ang magtatapos ng isang kwento ng isang pagmamahalan. Sa pagkakaalam ko, nakasama rin sa sumpang iyan si Jack at ang Asawa niya. Ayon kasi sa kwento, ang Green house ang huli lugar."
"Huling lugar? Ng ano?"
"Nang walang hanggang pagmamahalan." nakangiti niya pang sagot. "Kapag tumapak sa lugar na yan ang dalawang taong nagmamahalan, sila na ang magkakasama pang habang buhay. Dadaanan nila ang maraming pagsubok na magpapatibay ng pagsasama nila at sa huli makakamit nila ang katapusang minimithi nila."
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, para bang ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Kung totoo man ang sumpa, ibig sabihin kami ni Jane. Ang pang habang buhay na magsasama.
JANE:
TATLONG TAON, na ang lumipas marami na akong napagtanto. At marami na ring nagbago, lumayo man ako sakanila alam ko ang bawat detalye ng mga nangyayari sa buhay nila. Masaya ako, dahil alam kong nagung okay sila ng mawala ako.
"Oras na Jane. Oras na para magpakita ka ng muli sakanila." napalingon ako kay Manang Herma.
Sa tatlong taong pagkawala ko siya ang nakasama ko. "Paano ko po sisimulan? Paano ako magpapakita sakanila."
Ngumiti siya at niyakap ako. "Hindi ka nawala Jane at alam nila yun. Hinihintay kana nila, hinihintay na nila ang bagong Jane. At hinihintay ka na niya. Kayo puputol sa Sumpa." napangiti ako sa sinabi niya. Tama siya, kami ang makakaputol sa sumpa ng Lola ko. Dahil alam kong sinunod ko ang lahat ng kondisyon para matapos na ang sumpa. "Mahal ka niya, kahit pa umalis ka, naghintay sila ng matagal. Hindi siya nagmahal ng iba. Pinatunayan lang na niya na ikaw lang ang babaeng mamahalin niya." ngumiti ako at niyakap ng mahigpit si Manang Herma.
"Salamat po." Lumabas ako ng bahay at nilanghap ang simo'y ng hangin.
Napatingin ako sa gawi niya, Oo alam kong nandito siya. At alam ko ring nakikita niya ako, kong talagang totoo ang sinasabi ni Manang Herma, na kahit nakatago ako sa puting Tela ay mararamdaman niya. Mararamdaman niya ang saya. Napalingon siya saakin ng mapansin niya tinitigan ko siya ay napatalikod siya. Nakakatawang isipin, pero ang gwapo parin niya. Sa ngayon hindi ko pa siya kailangang kausapin, kailangan ko munang isipin kong paano at sa anong paraang malalaman niyang bumalik na ako.
BINABASA MO ANG
Once Upon a Lovestory (Book II)
FanficThis story is the continuation of the Once Upon a Lovestory, so its means this is the book II of the story. And you will not able to understand this story if you wouldn't read the first book. Ayoko po ng anong mang komentong "Hindi ko maintindihan...