Madami saatin ay naghahangad ng happy ending para sa kanilang Lovestory. Pero marami rin saatin ang nabibigong makuha iyon, hindi dahil hindi ito karapat dapat ngunit dahil ito ay hindi pa nakatakda. Marami kasi saatin ang nagmamadaling mahanap ang ending na hinahanggad nila, kaya nag papaniwala sila sa mga bagay na hindi naman kapani-paniwala.
Minsan sa mga buhay natin dumarating ang mga pagsubok, mga pagsubok na siyang mag didikta kong karapat dapat pa ba nating ipaglaban ang isang bagay.
Ako si Jane Elizabeth Enriquez, nagmahal, nasaktan, iniwan, nagbago at natutong lumaban. Wala ni anumang bagay ang aking pinagsisihan, dahil naniniwala akong lahat ng napagdaanan ko ay ang mga bagay na nakatakda, mga bagay na ginusto ko. Mali man ang naging tangin ko noon, sa huli ay natutunan kong, hindi maling paniwalaan ang isang bagay na sa paningin ng iba ay hindi karapatdapat. Kailangan lang subukan at paniwalaan, upang huli mali man o tama atleast nalaman mo at wala kang pinagsisisihan.
"Hindi ko pinagsisisihang hinintay kita Jane, at kahit kailan hindi ako magsisising minahal kita." hinalikan niya ako sa noo, at hinigpitan pa ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Mula noon, ngayon at sa mga darating pang araw sa buhay natin, hinding-hindi ako magsisising pinaglaban kita. Dahil mahal na mahal na mahal na mahal kita. Ngayon, bukas at sa araw araw na ginawa ng Diyos." inilapit niya ang kanyang labi sa tip ng akong ilong at hinalikan niya iyon. "Pinapangako kong ikaw lang ang mamahalin ko at wala ng iba pa." napapikit ako sa sarap ng nararamdaman ko, pagdilat ko ay unti unting lumalapit ang kanyang labi sa aking labi.
DubDubDubDubDub......... Malapit na malapit na... Ito na.... "Wait lang." napatawa siya! "Dapat may sasabihin din ako. "Mahal na mahal din kita, hinding hindi narin kita iiwan. Ikaw lang ang mamahalin ko magpakailaman at hinding-hindi iyon magbabago."
*Tsup!* sa noo... *Tsup!* sa ilong.... *Tsup* sa magkabilang pisngi at ...... *Tsu------ 5 sec.... 10..... Waaaaaah! 1 minute...... Waaah..... Hindi ako makahinga.
Pagkatapos niyang laspagin ang aking labi hahaha! I mean pagkatapos niya akong halikan ay hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.
"May sasabihin ka?" natatawa kong tanong.
"Once upon a time I saw you again, once upon a time I fall inlove with you and once upon a time I'm inlove with you....."
Sa araw na ito ay natapos ang Lovestory namin, dahil ngayong araw na ito ay ang simula ng TRUE LOVE at FOREVER naming dalawa. Madami na kaming pinagdaanan, at handa na kaming tahakin ang panibahong buhay pag ibig naming dalawa. Ang lovestory na nag umpisa sa mali ay natapos ng tama. Hindi lang naming dalawa kundi pati na ding ng mga taong nakapaligid at inportante saamin.
Ang lovestory ko sakanya ay natapos na, dahil tatahikin na naming dalawa ang realidad. Ngunit ang lovestory ko sa pamilya at mga kaibigan ay hindi matatapos. At hindi kailan pa man mawawakasan.
Sa buhay pag ibig, lahat ng tao ay naghahangad ng happy ending sa dulo ng kanilang lovestory, ngunit Lovestory ko ay napatapos na at makakamit ko na ang Happy ending ko sa pamamagitan ng REALIDAD. Realidad na nagsasabing kailangan ko ng gumising, at ipagpatuloy ang lahat ng mga ito sa tunay na buhay...... Ako, siya, kaming dalawa.... Ay gigising na at ipagpapatuloy ang aming buhay sa mundo ng realidad. Hindi man laging masaya, makulay... Basta't kasama ang taong mahalaga at mahal ko. Gagawin kong makulay ang mga araw na kasama ko sila.
Sa puntong ito ay natatapos ang istorya kong FAIRYTALE dahil ang istorya ay magiging REALITY na. Wala ng dream on, wala nang expectation sa kung anong mga mangyayarin. Dahil dito nagtatapos ang ONCE UPON A LOVESTORY ng isang JANE ELIZABETH ENRIQUEZ tungkol sa pagmamahal sa isang tao, sa pamilya at sa kaibigan.
Author's note:
I would like to thank all of you for supporting my story despite of its inperfection. Thank you for everything guys. :) Nakakalungkot na tapos na siya, but we need to accept the fact na it is just story at may ending ang lahat ng istorya.
Maraming maraming salamat sa pagpapapasok niyo ng kwentong ito sa puso niyo. Nawa'y napasaya ko kayo. :)
Maraming salamat...... .
PS: i have a new story, sana masuportahan niyo rin siya.
BINABASA MO ANG
Once Upon a Lovestory (Book II)
FanfictionThis story is the continuation of the Once Upon a Lovestory, so its means this is the book II of the story. And you will not able to understand this story if you wouldn't read the first book. Ayoko po ng anong mang komentong "Hindi ko maintindihan...