14 (Chances)

155 6 1
                                    


JANE:

Wala kaming taping ngayon kasi Sunday, niyayaya ako ni Howard na pumunta sa Beach Resort namin tutal summer naman daw. So I decided na iinvite anh bupng staff ng ginagawa naming pelikula, and Yes he is part of it. Kaso nga lang may problema, kailangang sumama ni Cassandra.

"Are you sure okay lang na sumama siya Tibo?" tanong ni Franz, na kasama din. Nalaman niyang kasama si Howard eh. "Alam mo hindi ko alam kong bakit mo tinotorture ang sarili mo."

"I'm not torturing myself Franz, I'm just being understanding. Besides katrabaho ko naman siya, at hayaan nalang natin siya." nakangiti kong sagot sakanya. "Hindi na ako apektado dahil mas pinipili kong sumaya, kaysa magpakamiserable."

"Hindi makuha kung may plano ka ba or what, but I can see to your eyes, how happy you are. And by that, I am happy for you Tibo!"

OA din minsan itong baklang ito e! Pero mabuti nalang at hanggang ngayon ay nandiyan pa rin siya para tulungan ako. Hindi pa kasi niya alam na i'm starting to like Jerome, mas pinipili ko nalang na itago muna.

"Asan na pala si Ella?" tanong ko ng mapansing unti-unti ng dumadating ang mga kasama pero siya wala pa din.

"Nasa labas na yun, o baka nga nauna na siya sa Car e. Kilala mo naman yun, hanggang ngayon indenial pa din sa feelings niya." natatawang paliwanag ni Franz. "Tara na!" aya niya saka hinila ako palabas.

Paglabas namin ay halos kompleto na din ang lahat, nandun na ang mga staff, pati na din si Jerome kasama rin si Lester. So kaya naman pala!

I just wore a simple hawaiin dress, si Franz ayon nagbabakla-baklaan at nilalandi si Howard.

"So kuya, are you sure na hindi ka sasama?" I ask him with a sad tone, I want him to be with us but I can't.

"I'm sorry sister but I really can't may kailangan pa kasi akong asikasuhin. Kayo nalang at make sure na mag eenjoy ka okay?"

"I will kuya." bago ako umalis ay hinalikan muna ako ni Kuya sa noo.

Sumakay na ako ng Van at tumabi kay Howard, so kasama pala namin sila sa iisang Van. Our position is like this.

Back: Ella,Lester,Franz

Middle: Howard, Me, Jerome

Front: the Driver.

Tatlong Van kami at yung tatlong yun ay saamin din. Nakakatawa mang tingnan ang posisyon namin pero napapangiti nalang ako. Nagsimula ng umadar ang van at nagsimula na ding mag daldal si Franz.

"Tibo! Naalala mo ba nung nag campaign tayo?" napalingon naman ako kay Franz at nilakihan siya ng mata. "Diba isa yun sa pinakamasayang day na nangyari sayo." pinagpatuloy lang ng niya ang pagdadaldal.

"Ano to Throwback Thursday?" inis naman na tanong ni Ella, na mukhang apektado parin.

"Bakit moments mo ba yung titothrowback? Wag mo rin naman itangging kinilig ka din nun."

Napatawa nalang ako sa sinabi ni Franz. "Ano bang sinasabi mo Franz?" pag mamaang-mangan ko.

"Yung inaasar kayo ni Ma'am Mart? Yun bang nahotseat ka. I mean kayo ni Jee!" napalingon naman si Cassandra.

Ang lakas talaga trip netong baklang ito. "Yeah I remember that." sagot ko saka nilingon siya. "Diba Jerome?" tanong ko habang nakangiti.

"Oo naman sino bang makakalimot dun, diba yun din yung time kung saan napatawad mo ako." unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko. Inilihis ko ang ulo ko at tumingin sa harapan.

Si Cassandra ang dahilan kong bakit nagkahiwalay kami ni Jerome. At ang sakit dahil ang isang kagaya lang pala niyang ang makakapaghiwalay saamin.

Once Upon a Lovestory (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon