15 (Green House)

130 6 1
                                    


FRANZ:

Kalurkey ang mga kasama ko ngayon dito ngayon sa Resort, yung dalawa mukhang nakakamabutihan tapos ito namang dalawa sa tabi ko halos langgamin na sa kasweetan. Parang kanina lang kung tingnan tong mga katabi ko, parang wala ng pag asang magbalikan. Tapos ito sila ngayon, halos OA na kulang nalang ganapangin na sila ng antik para mapaghiwalay eh.

"So ano gagawin natin dito maglalandian?" malakas kong tanong pero walang pumansin saakin. "May kausap pa ba ako?" nakakainis!

"Alam mo Franz gisingin mo nalang si Howard!" utos saakin ni Jane saka nagsimulang makipag usap ulit kay Jerome.

"Or mas maganda kong samahan mo nalang siyang matulog." sagot din ni Ella.


"Napakabuti niyong mga kaibigan!" sagot ko saka nagwalk out.

Mga bweset! Nagkalovelife lang hindi na ako kilala, kung pagsasampalin ko kaya yang mga yan. Pero on the second hand, masaya ako for them.

JANE:

"Hahahaha!" malakas kong tawa dahil sa joke netong si Jerome napakacorny. "Ganun din yung nangyari saakin nung dumalaw ako sa Brazil. Naglalakad ako, tapos bigla ba namang may nagtanong ako saaking Brazilian, at syempre natameme ako ang bilis mag salita at ni isa wala pa akong naintindihan."

"Hahahahaha!" napangiti naman ako ng bahagya sa sitwasyon namin ngayon. "I'm happy to see you laughing!"

"Thank you for making me happy"

Napanlgdesisyonan naming lumabas ng House para libutin ang resort namin, tutal kami lang at ang ibang staffs ang nandito.

"Ang sarap ng simoy ng hangin, kapag nang gagaling sa dagat." napapikit nalang ako at humarap sa may dalampasigan. "Nung 6 years old ako, pinasyal ako ni Mommy dito." napangiti ako ng maalala ko ang araw na iyon. Yun kasi ang isa sa pinakamasayang araw ko noon, yun ang araw kong saan nabuo kami at walang iniisip na problema. "Eh ikaw? Ano ang pinakamasayang nangyari sa buhay mo?" tanong ko sakanya pagkamulat ng mata ko.

Naglakad siya papunta sa likod ko at wait! Binack hug niya ako, as in yung ulo niya nasiksik sa leeg ko at ang kamay niya ay nayakap sa may tiyan ko. Hindi ko alam kong tama ba ito, pero kahit gusto kong kumalas ay hindi ko magawa. Napapikit nalang muli ako sa tindi ng sayang nararamdaman ko.

"Isa sa pinakamasayang nangyari sa buhay ko ay nung araw na nakilala kita." napamulat ako sa sinabi at napalingon sakanya, nagtama ang mga mata namin at naglapit ang pareho naming mukha. "Ang araw kung saan una kitang minahal." seryosong sagot niya habang nakatitig saakin. "Mahal na mahal kita." sa muling pagkakataon ay ipinikit ko ang aking mga mata, habang unti-unti lumalapit ang kanyang mukha. Malapit na! Nararamdaman ko na ang bango ng kanyang hininga.

*click!* *click!* napabitaw naman kami dahil sa sobrang pagkabigla, dahil sa flash ng camera.

"Sayang! Ayun na sana yun direk eh!" pagbibiro ni Kuya Raymond na isa sa mga staff.

Namula nalang ako dahil sa sobrang kahihiyan, ang daming nakakita pati si Direk. "Hindi ko na tatanungin kong may relasyon ba kayo o wala, basta ang alam ko at nakikita ko mahal niyo ang isa't isa." paliwanag ni Direk sabay kindat.

Sa kabilang banda ay mapasulyap ako sa manager ni Jerome, hindi ko alam kong matutuwa ba ako. Mukhang hindi siya nasiyahan sa nakita niya, nakaramdam ako ng kaba. Ngunit nabawasan yun ng maramdaman kong hinawakan ni Jerome ay kamay ko at hinila ako patalikod.

Nagpatuloy lang kami ni Jerome sa paglalakad, ni walang nagtangkang magsalita, magkaholding hands kami at yun ang natatanging koneksyon namin ngayon. Tanging huni ng mga ibon at hampas ng dalampasigan ang bumabasag ng katahimikan. Napahinto kami sa isang lugar sa resort, maging ako namangha. Hindi ko alam na mayroon palang ganito sa Resort namin.

Isang maliit na bahay ang nakatayo sa pagitan ng dalawang puno, mayroon itong parang gate na kulay brown. At mayroong maliit na bahay na kulay Green.

"Tara pasok tayo." agad ko siyang hinila, pagpasok namin ay bumungad saamin ang mga halaman na nasa magkabilang gilid ng iyong dadaan. Tiningo namin ang loob ng bahay, animong may nakatira dito. Napakalinis eh. "Kanino kaya ito." tanong ko kay Jerome pero umiling siya. Tuluyan naming pinasok ang maliit na bahay ngunit pagpasok namin sa may sala ay maging siya ay nagulat sa nakita niya.

Litratong nakaframe, buong pamilya, maliliit na bata, masayang mag asawa at napakasayang pamilya. Tama, ito yung matagal ng kinukwento saakin ni Daddy ang green house, kung saan sila nagtago ni Mommy noong mga panahong gulong gulo sila sa mga nangyayari, ito rin ang lugar ko saan pinili ni Mommy na mapag isa nung mawala si kuya. Sa isang iglap ay tumulo ang luha ko. Itong bahay na ito ang makakapagpatunay na masaya ang pamilya namin.

Naramdaman ko ang pagyakap saakin ni Jerome, tumulo nalang bigla ang luha sa mata ko. Gusto kong patawarin si Mommy, pero hindi ko alam kong bakit sa tuwing nakikita ko siya ay nagagalit ako sakanya at nasasaktan ako.

Napansin ko ang isang lumang sobre na nakakalat sa may sahig,pinunasan ko ang luha ko at bumitaw sakanya. Dinampot ko ang sobre at binasa.

Patunay ng isang pagmamahalan, pagmamahalang mali ng mag umpisa ngunit, tama ang pagtatapos.


Binuksan ko ang sobre at binasa ang nilalaman neto.

Isang babaeng ang hinangad lang ay ang mahanap ang taong makakasama niya pang habang, nakahanap siya ng taong mamahalin siya. Ngunit isang pangyayari ang nakapagpahiwalay sakanila. Ipinakasal ang isang babae sa lalaking ni minsan ay hindi niya minahal, ginamit, penirahan ang lalaking iyon. Ngunit, dumating ang takdang araw ang araw kong saan naramdaman niya ang sayang ni minsan ay hindi niya naramdaman. Sayang nagmulat sakanya ng katotohanan, katotohanang ang lalaking pinakasalan niya kahit pa hindi niya mahal ay ang lalaking matagal na niyang hinihintay. Si Kristopher Enriquez, ang lalaking mamahalin niya hanggang sa huli.

Matapos kong mabasa ay sulat ay napahilamos nalang ako. Shit! Naguguilty ako, naguguilty ako dahil galit na galit ako sa sarili kong ina. Na wala namang ginawa kundi ang buoin ang pamilya namin, ang panatilihing masaya.

"Hindi ka galit sakanya Jane, mahal mo siya ka sobra kang nasaktan. Don't worry, darating din yung time na hindi mo na maiisip ang mga bagay na akala mo ikinagalit mo sakanya." paliwanag ni Jerome saakin.

Ang daming nangyari pagkatapos ng araw na yun, naging masaya ang bakasyon na yun. 3 days lang kasi kami dun. Dahil kailangang bumalik sa taping.

"Tsk! If I know pinagpalit muna ako kay Franz!" paliwanag ko kay Howard na kunwari nagtatampo. "Dun kana nga sakanya!" pagtataboy ko sakanya.

"Eh ikaw nga diyan ang pinagpalit ako. Nagkakamabutihan na kayo ulit ng Jerome na yun ah!"

"Magkaibigan kasi kami. Parang tayong dalawa magkaibigan."

"Oo tayo magkaibigan pero kayo hindi dahil MAGKA-IBIGAN kayong dalawa."

Napatawa nalang ako ng malakas sa sinabi ni Howard, nandito kami ngayon sa bahay. Kakatapos lang kasi ng taping namin at pack up na kami. Imihatid ako ni Jerome samantalamg sabay na umuwi si Franz at Howard. Si kuya? Ewan nasa hotel siguro at nagpapayaman.

"Paano pag nalaman ng daddy mo?" nawala ang ngiti sa labi ko sa sumunod na tinanong ni Howard. "Alam mo mas magandang sabihin muna nalang sakanya, I am sure matatanggap naman niya si Jerome eh."

Paano niya tatanggapin ang anak ng lalaking nagtangkang pumatay sa anak niya? Hindi ko alam kong paano ko sasabihin sakanya, natatakot sa magiging reaksyon niya.

Once Upon a Lovestory (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon