JEROME:Papunta na sana ako ng office ng magtext saakin si Ella na may balita na raw kay Jane, at sasabihin niya saakin sa isang park doon na lang daw kami magkita. Pumayag ako at nagmadaling pumunta.
Dito ko siya huling nakita, sa lugar na ito sinabi niya saaking mahal niya ako. Naglalakad ako papunta sa may silong ng puno. Wala pa si Ella at mukhang ako lang ang nandito ngayon. Napalingon ako sa may gilid ko ng may makita ako isang berdeng papel agad ko itong kinuha at binasa.
"Namiss mo ba ako? Well namisz rin kita"sabi sa papel, hindi ko nalang pinansin ito. Kinusot ko sabay tinapon. Ngunit paglingon ko sa gawing kaliwa ko ay mayroon ulit na papel at this time color yellow na siya.
"Tss! Bakit mo naman kinusot? Tinapon mo pa? Bakit may bago kana? Hindi mo ba ako namiss?" sino ba kasing nagbibigay neto? Tsk! Baka naman napagkamalan ako. Tumayo ako para umalis ngunit, lumapit saakin ang isang bata at may inabot saakin isang papel.
"20 steps! Papuntang right." sa hindi ko malamang dahilan ay sinunod ko ang nasa note. Naglakad ako ng 20 steps at tumigil ako sa harap ng swing. Napansin ko naman ang nakadikit na note sa upuan ng swing.
"Good boy! Gusto mo ba ako makilala? Kong Oo tumingin ka sa likod mo." well! Sino kaya siya? At anong trip niya? Mamaya hindi naman pala para saakin ito eh.
Humarap ako sa likuran ko pero... "Lester, Ella, Franz?" hindi ko makapaniwalang tanong. "Anong ginagawa niyo dito? At anong trip niyo?" hindi sila sumagot ngumiti lang sila saakin. "Hoy! Bingi ba kayo? Ella diba may sasabihin ka saakin tungkol kay Jane?"
Lumapit ako sakanila pero hindi pa din nila ako pinapansin. Inaabot saakin ni Franz ang isang papel. "Ano ba to?" tanong ko pero naglakad sila palayo saakin. "Ang lakas ng trip niyo." sigaw ko.
"Makikita mo lang ako kapag lumingon ka na sa likod mo." napalingon akong muli sa aking likuran at nanlaki ang mata ko ng makitang may nakaupong babaeng sa may swing.
Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakayuko siya. "Excuse me miss, sino ka?" tatanga tanga kong tanong sakanya pero hindi siya sumagot. Nakakabadtrip naman ito! "Marunong kabang magsalita?" tanong kong muli at umupo sa kabilang swing. "Alam mo nakakainis rin pala minsan ang mga kaibigan. Pinapunta ka nila rito, dahil importante daw tapos hindi ka din papansinin. Nakakabadtrip diba?" ano ba itong ginagawa ko? Nakakapag usap ako sa hindi ko kilala. "Sabi kasi ni Ella may balita na raw sa babaeng mahal ko. Kaya nagmadali akong pumunta rito. 3 years na rin siyang hindi nag papakita eh. Namimiss ko na siya." walang sagot ang babaeng katabi ko saakin. "At handa ko siyang pakasalan."
Napa-angat naman ng ulo ang babae, pero hindi ko pa din makita ang mukha niya. "Talaga?" tanong niya.
Teka lang parang kilala ko ang boses na yun ah. Tumayo ako upang tingnan siya.
Ako: O.O
Siya: ^_________^
"Jane?" hindi makapaniwalng tanong sa sakanya, oo siya nga mayroon siyang malawak na ngiti. "Anong trip mo?" inis kong tanong sakanya.
"Ikaw trip kita." sagot niya saakin habang nakaupo. "Sarap mo kasing panuoring nag iisip eh." natatawa pa niyang paliwanag.
"Lagi mo nalang akong pinagmumukhang tanga." pagtatampo ko kunwari.
Nagkunwari akong aalis para pigilan niya, tumalikod ako at hininintay na pigilan niya pero hindi niya ginawa. Lumingon ako sakanya pero nakaupo lang siya. Nagsimula na akong maglakad pa balik sakanya. "Hindi mo man lang ako pipigilan?" tanong ko.
"Hindi!" sagot niya saakin. "Kasi alam kong babalik ka eh." nakangiti pa niyang sagot saakin.
"Paano mo nasabi?" parang bata kong tanong.
"Nasaan kaba ngayon?"
Tsss! "Pasalamat ka mahal kita." sagot ko nalang sakanya.
"Hindi naman yan ang sagot sa tanong ko."
"Ano bang sagot?" tanong ko sakanya.
"Nasa puso ko." pagkatapos niyang sabihin yun ay niyakap ko na siya ng napakahigpit. "Mahal na mahal kita." bulong niya saakin.
"Mas mahal na mahal kita Jane hinding-hindi kana mawawala ulit saakin."
Lumiwanag ang langit at kasabay noon ay ang pagputok ng iba't ibang makukulay na fireworks sa langit. Niyakap ko parin siya ng mahigpit ay di pinakawalan sa mga braso ko. Mahal na mahal ko siya at hanggang kamatayan siya at walang iba ang mamahalin mo.
Itong babaeng nasa harapan ko ang una at huling babaeng mamahalin ko.....
THE END!
BINABASA MO ANG
Once Upon a Lovestory (Book II)
أدب الهواةThis story is the continuation of the Once Upon a Lovestory, so its means this is the book II of the story. And you will not able to understand this story if you wouldn't read the first book. Ayoko po ng anong mang komentong "Hindi ko maintindihan...