JANE:
Sa ating buhay minsan lang tayo magmahal at kapag nagmahal tayo ay ibinibigay ang lahat. Ngunit dumadating tayo sa point na masasaktan tayo, lolokohin at iiwan. Minsan nga naiisip bakit parang ang unfair ng buhay, bakit kailangan mo pang magmahal kong masasaktan ka rin. Bakit kailangang mapunta ka sa maling tao kung ang makakatuluyan mo rin naman ay ang taong hindi mo pa nakikilala. Pero minsan napapaisip rin ako, siguro tama lang na masaktan tayo sa maling tao. Para kapag nasa right person na tayo alam na nating ihandle ang lahat, alam na nating gawin ang tamang bagay.
Ako minsan ng naloko, tapos nagpaloko nanaman, sapat na siguro yun para matuto akong sa buhay pag ibig hindi sapat na mahal niyo ang ang isa't isa.
Dahil alam ko na sa pagkakataong ito hindi lang ako matapang, because I am also a better person. Madaling magpatawad ngunut napakahirap lumimot. Siguro dahil sa mga memories.
4 years after:
"Congratulation Jane for your wonderful performance."
"Thank Mr. Arguiza."
Naglakad ako palayo sakanya na mayroong ngiti sa labi. Its so nice to be back. Its nice to be here!
"Ang galing talaga ng Baby Sister ko." pinatong ni kuya ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko.
"Kuya may hair!" suway ko sakanya, saka nilagay ang shades ko. "Tyaka bakit ba lagi mo nalang ginugulo ang buhok ko? Wag mong sabihing naiingit ka."
"How pathetic Sister! Hindi ako bakla. Anyway kumusta namang katrabaho si Howard James?" pabiro niyang tanong saakin. "Baka naman kayo na? Hindi mo lang sinasabi."
"My God Kuya! I don't think kaya kong sagutin ang lalaking yun. Bukod sa napakamayabang napakaplayboy pa."
Nagsimula na kaming maglakad ni Kuya palabas ng Airport, rinig naman ang sigawan mula sa labas.
"Waaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!!!"
"Welcome back Elizabeth!!!!!!!!!!!"
Ginwardiyahan agad ako ng mga security dahil sa dami ng taong nag aabang saakin.
"Alam mo sa susunod hindi na ako sasabay sayo." naiinis na paliwanag ni Kuya pagkasakay namin ng Kotse.
"I told you na mauna kana but insisted na sumabay saakin. It's your fault not mine" sarcastic kong sagot sakanya.
"It's your fault Janey! Sikat na sikat ka kasi. Hindi na mapigilan ang mga tao. See? Diyan palang sa airport halos magpakamatay na sila mahawakan ka lang. Paano pa kaya kapag nagmall ka? Or pumunta ka sa mga public places?"
Ang caring ng kuya ko. Haha. Happy for having a brother like him! Cheezy!
"Who told you ba na pupunta ako sa mga public places kung saan makikilala ako? My gosh Kuya! I am not stupid para pumunta sa place kung saan pwede akong pagkaguluhan."
"Really? Ilang beses muna kayang sinabi saakin yan? Then what happen? Manunuod ako ng TV, magbabasa ako ng Dyaryo, Magoopen ako ng Google account. Then your name was their at anong balita. Elizabeth Enriquez goes in mall? Your funny sister!"
Heto nanaman kami, hindi naman thursday ngayon pero kung makathrowback itong kuya ko eh.
"I'll be carefull next time promise." pacute kong sagot.
Mabilis kaming nakarating sa bahay, sinalubong naman kami kaagad ni Yaya at iba pang kasambahay.
It's 4 years since I left, hindi ko rin inisip na bumalik pa. Kung hindi lang kahilingan ni Daddy na kahit man lang daw sa birthday ni Mommy ay makapunta ako. Kahit ayaw ko kailangan kong pumunta dahil yun ang gusto ng magaling kung ama. Tsk! That woman! Pinakasalan lang niya si Daddy because of money? And where she is now? Nandun sa mga kampon ng kadaliman. If I now plano niya yun, how come natiis niya maging sinungaling at how come na kinaya niyang itago saamin na hindi niya lang basta kilala ang gustong pumatay kay Kuya. If pwede lang magpalit ng Mommy, I swear ipapalit ko siya, o baka idonate ko pa siya kung may chance.
"Sige kuya magpapahinga muna ako." pagdating namin ng bahay ay dumiresto na agad ako sa kwarto.
Namiss ko ang Pilipinas, pero hindi ko maitatanging nalulungkot ako. Nalulungkot akong bumalik dahil kahit pa alam kong nakapagmove on na ako. Hindi ako sigurado kong magiging maganda ang pananatili ko rito, at kung magiging masaya ba ako sa mga malalaman at mababalitaan ko.
Maaring handa ako, ngunit maraming posibilidad na masaktan akong muli. Ngayon pa't nandito ako sa lugar kung saan sobra akong nasaktan at siyang naging dahilan ng pagkawasak ng buhay ko.
PS: Wag niyo po kakalimutang ivote at ifollow na din ako.
BINABASA MO ANG
Once Upon a Lovestory (Book II)
FanficThis story is the continuation of the Once Upon a Lovestory, so its means this is the book II of the story. And you will not able to understand this story if you wouldn't read the first book. Ayoko po ng anong mang komentong "Hindi ko maintindihan...