A/N: Nakakabadtrip lang kasi bigla ba namang na delete ang part na to. Actually tapos na siya, but unfortunately pag kacheck wala na. Nakakainis.
JEROME:shit... Nagsimula na akong maglakad at nilisan ang reunion, kailangan ko siyang hanapin. Nagsimula ako maglakad at sinimulang hanapin siya.
Napatingin ako sa isang gilid kong saan mayroong isang babaeng nakayuko.
"Hindi mo bagay umiyak!" napatingin siya saakin.
Iba ang mga tingin niya saakin, hindi yung tingin na kinasanayan kong masilayan sakanya. Yung mga mata niyang, parang puno ng galit.
"Ano bang ginagawa mo dito! Diba sabi ko wag mo na akong lalapitan o kakausapin!" singhal niya saakin. Kahit nakaupo pa siya. "Bakit ba ang kulit kulit mo? Bakit ba hindi mo ako maintindihan? Bakit ba pinipilit mo ang sarili mo saakin?"
Ngumiti ako sakanya. "Dahil tinutupad ko lang ang pangako ko sayo, ang pangako kong sa oras nang pag iyak mo nandun ako."
"Pag iyak? Hindi kita kailangan! Tumigil kana! Wag mo ng ipagpilitan pa ang hindi na dapat!" pinagtulakan niya ako. "Ano bang gusto mong marinig saakin?" napatahimik ako sa sinabi niya at napatingin nalang sakanya. Lumapit siya saakin at tiningnan ako sa mata. "Hindi na kita mahal Jerome at kahit kailan ay hinding-hindi na kita mamahalin pa!"
JANE:
Tumayo ako at humarap sakanyang muli. "Wag mong ipilit ang isang bagay na alam mong hindi na pwede pang mangyari. Bukod kasi sa AASA ka nanaman, dadagdag ka pa sa milyon-milyong taong TANGA." pinunasan ko ang luha ko at nagsimulang maglakad.
Maling pumunta pa ako sa Reunion, ngunit sa kabilang banda ay may napairealize saakin ito. Na ang totoo, hindi basehan ang taon para malaman mong okay ka na. Dahil ang totoo, panahon mismo ang hihilom nito. Hindi natin alam kong sa paanong paraan at kailan ngunit, kusa nating mararamdaman ito.
Hindi parin pala talaga ako nakapagpatawad, dahil hanggang ngayon umiiyak pa din ako. Iniiyakan ko ang isang bagay na alam kong dapat matagal ko ng kinalimutan.
Habang naglalakad ako ay patuloy sa pag buhos ang traydor kong luha. I thought naubos na siya, I thought wala ng pwede pang lumabas. But I am defenitely wrong, coz I am crying right now. Tama nga sila, once na nasaktan ka natatakot ng magtiwala. Hindi lang dun sa taong nanakit sayo at sa taong minamahal ka. Kundi pati sa sarili mo. Matatakot kang magtiwala sa sarili mo, kasi hindi ka nakakasigurado kung magugustuhan mo ang mga bagay na ginugusto ng sarili mo.
Pagdating ko mg bahay ay dumiresto ako sa may likod upang doon muna mapag isa. Pero imbes na mag isa ako ay nadatnan ko si Howard na kaupo.
"Bakit nandito ka?" tanong ko sakanya, saka tumabi. "I mean, gabi na bat gising ka pa?"
"Eh ikaw bakit mugto ang mata mo? Umiyak ka ba?" tanong naman niya. "O baka naman nagkita na kayo. Eh bakit ka umiyak?"
"Bakit masama ba?"
"Not really, but seeing a woman like you who's crying was so frustrating." natatawa niyang sagot.
"Edi wag mo akong tingnan. Gago!" sagot ko sakanya saka siya inirapan.
"Alam mo hindi mo dapat siya iniiyakan, because in the first place he don't deserve your tear." napalingon naman ako sa sinabi niya. "I really like you Janeey, I don't want to see you crying because of someone."
Alam ko at nararamdaman kong sobrang concern siya saakin. I can't love him back, I love him as friend he is important to me.
" I dont to hurt you."
"No Jane its not like that, you dont want to be hurt, that's why you dont want hurt and love others." nakangiti niyang paliwanag. "Alam mo hindi ka mahirap mahalin, kahit sino pwede mahalin ka. Pero ikaw takot ka, natatakot kang masaktan. Dahil alam mo na ang pakiramdam nun, pero hindi mo nakikita na sa pagiging ganun mo ay naipaparamdam mo sa iba ang sakit nang mareject. I am not saying this because you can't love me. I am telling you this because I want to wake you up, you are not in a fairytale, you are not a story came from a book. You should wake up a embrassed the reality. Wag mong ikulong ang sarili mo Jane, enjoy every second of your life. Hindi mo kailangang maging okay para maipakita sakanilang nakapagmove on kana, hindi sapat ang mga bagay na iyon, dahil kahit saan mo pa tingnan na anggulo nasasaktan at masasaktan ka pa din. Your a human! Nasasaktan, umiiyak, nagagalit.. Because your not perfect. And please for once stop blaming yourself." pagkatapos sabihin ni Howard iyon, ay biglang tumulo ang butil ng luha galing sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Once Upon a Lovestory (Book II)
Hayran KurguThis story is the continuation of the Once Upon a Lovestory, so its means this is the book II of the story. And you will not able to understand this story if you wouldn't read the first book. Ayoko po ng anong mang komentong "Hindi ko maintindihan...