Disclaimer: this is a work of fiction names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Nakita ko sila Kim at Thirdy sa 'di kalayuan. Narito kami ngayon sa Mall at nakaupo sa loob ng Coffee shop.
"Kim! Thirdy!" Sigaw ko upang maagaw ang atensyon nila. "Dito kayo!" Iwinagayway ko ang aking kaliwang kamay.
"Iris! Ang blooming mo ngayon ah?" Tumawa ito. "Bakit mo pala kami pinapunta dito? Kapeperahan ba 'yan?" Inabot nila ang upuan sa kabilang table. "Pahiram kuya ah?" Ngumiti ito sa lalaki na nakaupo mag-isa sa kabilang table.
"Kakausapin ko si, Achilles." Parehas silang nagulat. At padabog na umupo sa upuan. "Huwag kayong mag-alala, walang comeback na mangyayari."
Umiling si Kim. "Nako, Iris. Sa karupukan mo'ng 'yan at sa gwapong si Achilles, sa tingin mo hindi mo s'ya babalikan?" Tumawa si Thiry.
"Pabayaan mo na 'yan si Iris. Matalino naman 'yan, alam n'ya ang ginagawa n'ya." Inirapan s'ya ni Kim.
"Talagang kamping-kampi ka pa sa kan'ya, Thirdy ha?" Umayos ito ng upo at tinawag ang lalaki para mag order ng kape. "Black coffee nga kuya." Lumiit ang boses ni Kim nang makalapit ang lalaki.
Nang makalayo ang lalaki ang muli itong nagsalita. "Infairness, ang gwapo ni kuya." Tumawa ito nang nasa malanding tono. "Hihingiin ko ang number n'ya." Tumawa ito muli. Napansin ko naman si Thirdy na nakatingin lamang kay Kim.
Nang makabalik ang lalaki ay inabot n'ya ang kape kay Kim. Aalis na sana ito nang magsalita si Kim. "Kuya, can I get your number please?"
Nagdalawang isip ang lalaki at muling nagsalita.
"No, I have girlfriend." Nalaglag ang panga naming tatlo dahil sa malamig na pakikitungo nito kay Kim. "Do you have any order ma'am?" Bumaling ito kay Thirdy. "Sir?"Nagsalita muli si Kim. "Can I order your number?" Normal na ang pananalita n'ya. Napabuntong hininga ang lalaki bago muling nagsalita.
"I know you're Kim, a famous detective. According to Republic Act 10173, my personal information should never be collected, processed and stored by any organization without my explicit consent, unless otherwise provided by law." Napaawang ang labi ko kasabay ng mahinang pagtawa.
"Is this your nice way to reject me?" Tumaas ang kilay ni Kim. "And Excuse me, hindi naman kita sinasaktan para sabihin mo ang number mo!" Umirap ito pagkatapos ay umayos muli ng upo.
"Kuya pasensya na Kim, wala na po kaming order." Natatawang saad ni Thirdy sa binata. Umalis ang lalaki at bumaling ang atensyon ni Thirdy kay Kim. "Gag* ka talaga Kim, may girlfriend na nga yung tao. Pinipilit mo pa."
Nag salubong lalo ang kilay ni Kim at tumingin kay Thirdy. "C'mon Thirdy, Sabihin mo nalang kasi na gusto mo ako. Nahihiya ka pa, halata naman." Tumikhim ito. "And fyi, ang asawa nga naaagas, boyfriend pa kaya?"
Hindi naman nagpatalo si Thirdy. "Fyi rin, hindi kita gusto at never kitang magugustuhan!" A mouth with full of lies. Singhal sa kan'ya ni Thirdy. Tumayo naman si Kim at lumabas ng coffee shop. Tumingin naman sa akin si Thirdy. "What did I do?" S'ya rin ay hindi makapaniwala sa sinabi n'ya.
Parehas kaming nag paalam sa isa't isa. Sumakay ako ng taxi at sinabi sa driver na sa presinto ang punta ko. Nang makapasok sa loob ng presinto ay sumalubong sa akin ang mga nag uusap na mag-asawa naroon din ang mga anak nila. Iginala ko ang aking mata, nakita ko ang isang pamilyar na bulto ng katawan.
Kinakabahan man ay napilit ko parin dalhin ang aking mga paa patungo sa kan'ya, patungo sa taong minahal ko nang lubusan.
- Binibining Lara
YOU ARE READING
His Hidden Past | COMPLETED
Mystery / ThrillerAchilles is a man who hides his identity and past from his wife Iris, a female detective. They are the perfect family: A loving couple with a daughter who adores her parents so much. She starts her new life with her new husband, Apollo. But, the pro...