CHAPTER 48

148 5 0
                                    




After two years in the States, we went back and headed to my hometown. We took Brian with us, Ate Trisha's son. We're his permanent guardians now, after Ate Trisha was diagnosed with cancer and, sadly, passed away just a week after our wedding. The child's father wouldn't take him either, when we found out the father was actually going to be married to another woman.

Brian, a two-year-old cute and pretty boy, was sleeping in my arms while Patrick was carrying our bags. Buti na naka-book na kami ng service para sumundo sa amin dito sa airport.

Nakarating kami sa seaport, at sumakay ng barge papunta sa lugar namin. It's a remote island in the province, and it takes half an hour to get there.

At first, medyo nahihirapan ako sa pag-aalaga ni Brian. Back then, when my younger sister was still alive, I was the one who used to take care of her and she was very obedient, but Brian was very different. Apaka-kulit niya, at minsan, ang hirap pang intindihan pero nangako ako kay Ate Trisha na aalagaan ko siya ng mabuti. Hahabaan ko lang muna pasensya ko.

Patrick was sitting beside me, and I caught him taking a nap. I'm glad he's here with me to take care of Brian too. I know, pagod na rin siya dahil na rin sa byahe namin.

We finally reached the island's mini port and walked down the sandy walkway until we came to the roadside. It feels like I've finally breathed some fresh air, as my memories came back into my mind again.

May nagbago sa isla pero tanda ko pa rin ang daan patungo sa amin. Sumakay kami ng trisikel at nagpunta sa dati naming bahay. Actually, bago kami lumuwas papuntang US, bumisita kami rito para iayos yung bahay namin na naiwan ko rito. Pero, saglit lang yun kasi hinanda na rin ni Patrick ang kasal namin sa panahon na 'yon.

Pagdating namin, nadatnan namin ang caretaker ng bahay. Pinasalamatan namin siya sa pag-ayos at pagbantay ng bahay at binigyan namin siya ng pasalubong galing US.

Pagpasok namin sa bahay, diretso agad ako sa kwarto at doon pinahiga si Brian sa crib niya. After that, I finally stretched my arms and body. Nangawit ako sa kakakarga sa bata mula US hanggang dito.

Bumalik naman ako sa sala, at nadatnan ko si Patrick, nakasandal sa couch at hindi mapinta ang mukha dahil sa pagod. "Finally, nakauwi na tayo," he said.

I went to him and gave him a hug. "Thank you sa pagbitbit ng gamit namin."

He kissed me on the forehead. "Thanks for taking care of Brian."

We took some rest before we finally unpacked our things and fully set up our new home. Well, it's been decided a long time ago, back when we were still in New York, that we'll be staying here permanently. He doesn't want to spend our lives in the city again. Gusto niya ring malayo kami sa magulo at mainit na syudad.

We went out of the house and looked around. Karga ko ulit si Brian. Hawak niya ang laruan niyang kotse.

Nakakapanibago. Nakakapanibago sa paningin ang lugar. I could still remember those nipa huts in our neighborhood before. Now, it's all concrete.

But one thing didn't change at all—there's always a group of kids playing around. "Mukhang may makakalaro na rin si Brian paglaki niya," sabi ni Patrick.

"Yeah, I hope so."

May lumapit naman sa amin na matandang ginang. "Magandang umaga sa inyo. Pwede nyo kong tawaging Manang Duday. Kayo pala bagong kapitbahay namin."

"Magandang umaga rin po," bati namin sa kanya.

Tumingin naman ang ginang sa akin. "Dati ka bang tagarito? Pamilyar kasi ang mukha mo, hijo," sabi niya.

"Ah, dati na po akong nakatira dito sa bahay. Anak po ako nina Rosalinda at Froilan," banggit ko sa pangalan ng mga magulang ko.

"Toralba? Yung dating nakatira jan?"

"Opo,"
sagot ko.

"Salamat sa dios, buhay ka! Akala namin napano ka na simula no'n sinundo ka ng mga kamag-anak mo," sabi pa niya. "Sino naman 'tong kay gwapong kasama mo?"

Bago pa ako makasagot ay inunahan na ako ni Patrick. "Ah, asawa niya po."

Halatang nagulat si Manang sa sinabi niya. Napatango naman siya at mukhang naintindihan na rin niya. "Oh, kala ko magkasintahan lang kayo. Kasal na pala," sabi ni Manang na tinawanan namin.

Dinala niya kami sa kanilang bahay. Marami pa siyang kinuwento tungkol sa isla namin. Sa pananatili namin ay pinagluto pa niya kami ng pananghalian namin. Si Brian naman, kalaro naman niya yung batang binabantay ni Manang. Mukhang masaya si Brian sa kalaro niya.

Nasabi ko rin ni Manang Duday na gusto naming pumalaot at mangisda sa dagat. Eh, wala naman ibang pagkikitaan dito kung 'di mangisda.

Si Patrick naman, sumingit. Ayaw niya raw ako ang pumalaot. Siya na raw bahala tapos ako na raw bahala mag-aalaga kay Brian.

Kaya, ayon, tinawag ni Manang yung binata niya at sinamahan si Patrick para matutong mangisda. Pumunta kami sa dalampasigan, at kaagad kami sinalubong ng malamig na hangin.

"Brian, kiss ka kay Tito Pat mo para mamotivate ako mangisda," sabi ni Pat sa karga ko. Naintindihan naman ni Brian kaya kaagad siyang nagkiss kay Pat. "Good boy! Bye muna!" paalam niya saka sila sumakay sa bangka.

"Mag-ingat kayo! Lagot ka sa akin 'pag 'di ka umuwi!" sabi ko na tinawanan ni Patrick. Napatawa na rin si Manang sa tabi ko.

Naku, 'pag eto 'di bumalik sa tamang oras, babatukan ko talaga siya sa bahay. Alam niyang ayaw na ayaw kong mag-alala ng sobra dahil sa kanya.

Habang nag-aantay kami ay nagtampisaw naman kami ni Brian sa dalampasigan. Enjoy na enjoy naman siya kaya naenjoy na rin ako. Kasama rin namin mga ibang bata dito.

Dala ko naman ang film cam ni Pat at kinunan ko ng picture si Brian sa first ligo niya sa dagat. Sayang, wala yung engot.

Sobrang saya talag dito sa isla. Walang ingay ng mga sasakyan. Puro ingay ng mga masasayang bata lang maririnig mo dito lalo na sa dalampasigan.

May lumapit rin sa amin na mga tagarito rin tulad ni Manang Duday at kinamusta ako matapos ang ilang taon simula no'ng nilisan ko 'tong lugar. Natutuwa naman sila dahil may dala akong cute na bata. Kala nga nila, may asawa akong foreigner. Obvious naman sa itsura ni Brian na may ibang lahi siya.

Pagsapit ng alas dos, bumalik na ang bangka nila. Ang laki pa ng ngiti niya habang bitbit ang dalawang balde na puno ng hinuli nilang isda. Yung nga lang, wala na siyang tshirt at rinig na rinig ng dalawang tainga ko ang tilian ng mga dalaga sa likuran ko. Kita nila ang magandang katawan ng engot.

"Oh ang dami kong nauwi tas nakasimangot ka jan," sabi niya.

Sinundot ko naman tagiliran niya. "Magdamit ka, engot!"

Kinarga ko si Brian at umalis sa harap niya. Nilagpasan ko ang mga dalaga na nagtilian, pero sa utak ko, gusto ko na silang tapunan ng buhangin para maduling sila kakatingin kay Patrick.

When it Rains (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon