As we walked out of the courtroom, we brought the smiles we had inside. The guards assisted us as the media reporters were blocking our way and pointing their mics at us. They were throwing us so many questions, but I didn't dare to answer. All I had in my mind was him.
We won. Heralde's family were found guilty of violating RA 8484 and other cases we filed against them. Nagmakaawa pa ulit si Alice sa harap ko, just like she did that night. They had no choice but to give back what they took from my parents.
"Wala kang utang na loob! Kami na nag-aruga at nagpaaral sa'yo ng ilang taon!" sigaw-sigaw pa niya sa courtroom.
Kinukupkop nga nila ako, pero yung ginamit na pera nila sa pagpapaaral sa 'kin at sa kanilang pansariling interes, 'di naman sa kanila. Ang kakapal ng mukha.
Now, they are all over the news and internet. I scrolled down on my social media account and saw a lot of backlash against their family and their business. Natawa na lang ako.
May news article pang dumaan sa feed ko na may pangalan ko pa sa headline, pero 'di na ako nag-abalang basahin ang lahat na 'yon. The tables have turned indeed. For sure, matutuwa sila Mama at Papa sa akin ngayon. Matatahimik na rin ang mga kaluluwa nila.
A few days after the hearing, I went to the city jail where he was imprisoned. I was in the waiting room when someone walked in and was escorted by a guard. Then, the escort left us.
There we stood, looking back at each other, waiting for someone to talk. He was just staring at me. I took a few steps towards him, locking my eyes on his. Until I finally stood an inch from him, he was not reacting. I raised my hand and ran my fingers through his long black hair before I put it back behind his ear, revealing his cheeks.
I couldn't help but let my tears run down my face. It's been a year since the last time we faced each other. I held his hand and tried to compose myself. I heaved a sigh before I finally decided to speak. "I'm sorry."
"I'm sorry kung naging makasarili ako no'ng time na 'yon. Akala ko kasi, hihinahon na si Alrey kapag lalapit ako sa kanya. 'Di ko inisip ang magbabago ang lahat sa simpleng pagkakamali ko," nauutal kong sabi.
"Kasalanan ko ang lahat. Sana 'di na lang kita nagustuhan no'ng umpisa pa lang. Nagdusa ka pa dahil sa akin. Kaya, 'di kita masisisi kung gusto mong makipaghiwalay sa akin. You almost gave everything to me, but this is what gave to you in return. When I came into your life, everything became unfair to you. I'm sorry."
I grabbed the box he once gave to me. "Thank you, but you were right. I have to look for someone else, because you don't deserve someone like me, Patrick."
Wala siyang imik. Umatras na lang ako at balak na sanang umalis nang hinawakan niya ang braso ko. Hinila niya ako, at sa lakas ng paghila niya ay nagkalapit ang mga katawa namin. There, he reached for my lips.
When he let go of my lips, he suddenly spoke, and I heard his voice that I've been longing so much. "Sorry, naninibago lang ako sa 'yo. Natulala ako kasi, sobrang pogi mo na," sabi niya at tumawa pa.
Hinampas ko kaagad ang kamay ko sa braso niya. "F*ck you, umiyak pa ako dahil sa pinagsasabi mo no'ng nakaraan tas nagaganyan ka!"
Hahampasin ko na sana siya ng umiilag ka. "Sorry na! Grabe naman, kung makahampas ka daig mo pa mga siga kong kasama sa loob!"
"T*ng*na mo! Bumalik ka na lang sa loob! Che!"
Naglakad na lang ako paalis. Sinundan naman niya ako pero 'di ko siya nilingon at pinansin. Put*ng*na, pinaiyak niya ako dahil sa sinabi niya no'ng last video call namin tapos binobola pa ako.
Nadatnan ko naman si Johen na nag-aantay sa akin sa parking lot. "Oh ba't ka nakasimangot? Asan na si—"
"Wow, pagkatapos n'yo kong tubusin, iiwan mo 'ko dito?"
Nagulat naman si Johen dahil sa kanya. "Woah, is that you, Patrick?"
Kita ko naman pagsimangot ng engot. "Ah kaya ka pala siguro makikipaghiwalay sa akin, kayo na ba?"
"Eh kung totoo, aangal ka ba?!"
"Ah so ayaw mo na pala sa akin?"
"Tumigil nga kayo!" awat ni Johen sa amin. "Ikakasal na kami ni—"
"Ah ikakasal na pala kayo?!"
Tang*na, nag-iinit ang dugo ko dahil sa inis.
"Ikakasal sila ni Donnabelle! Ano ba! Eh kung sakalin kaya kita! Kakalabas mo palang ni kulungan, mukhang may rason na ulit para ibalik kita sa loob," singal ko sa kaniya.
Bago pa kami maabutan ng ulan ay umalis na kami sakay ng kotse ni Johen. Nasa backseat kaming dalawa, magkatabi pero walang imik. Inis na inis pa rin ako sa ginawa niya kanina.
"Uy, wag ka na magalit," sabi niya sabay sundot sa tagiliran ko pero 'di ko pinansin. Nakadungaw lang ako sa bintana.
Bigla naman siyang sumandal sa balikat ko. I rolled my eyes, but deep inside, I missed him leaning on me. It reminds me of that time when we were driving down to their mansion. I just looked away, dahil inis na inis pa rin ako sa kanya.
Hinatid kami ni Johen sa condo ko. That will be the last time he'll drive for me, as I promised. Marami na rin ang nagawa niya para sa akin. "Thank you sa lahat! Kitakits sa kasal niyo!"
"You're welcome," sabi niya saka siya umalis.
Hinarap ko naman ang kasama ko. "Sumama ka sa akin."
"Wow, cold mo naman."
Ewan ko, parang naging mas maingay ata siya ngayon kaysa dati. Siguro, 'yan naging kasanayan niya sa loob ng kulungan. Dumiretso na kami sa condo ko sakay ng elevator. Pagdating namin sa 7th floor, diretso kami sa hallway hanggang sa huminto ako sa harap ng isang pinto, Room 167.
Pagbukas ko ng pinto, sumalubong naman sa akin si Lily. "Hi Lily!" No'ng una, 'di siya tumahol pero no'ng pumasok si Patrick, biglang nagalit.
Muntik na siyang makagat ng sarili niyang aso. Buti na lang binitbit ko. "Di ka na nakilala ni Lily. Ang panget mo na kasi."
Tumahol naman ulit si Lily.
Balak pa niyang lapitan si Lily pero mas lalo lang nagalit. "Di ka nga kilala nyan. Ayusin mo muna sarili mo. Maligo ka, ang baho mo."
"Grabe ka, naligo ako do'n kanina! Psh," sabi niya saka siya pumunta sa CR.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Tumigil na kasi si Lily kakatahol. Ang sakit sa tenga.
Tinatahan ko naman siya para kumalma. No'ng panahon na wala yung amo niya sa bahay, si Ate Trisha muna na nag-alaga sa kanya. No'ng gumaling naman ako, dinala ko na siya rito sa condo na nabili ko para sa amin ni Patrick.
Habang nag-aayos ako ng sala ay bigla namang lumabas si Patrick sa CR. Paglingon ko, nakatapis lang siya kaya umiwas ako.
"Ah, may damit ba akong masusuot?" sabi niya at kaagad ko tinuro yung kwarto.
"N-Nandoon sa closet. May tinabi akong damit para sa 'yo doon."
Mag-aayos ulit sana ako ng lumapit naman siya sa akin, imbes na pumunta sa kwarto. "Ba't 'di ka makatingin ng diretso? As if 'di mo 'ko nakita—"
"Sipain kita jan! Magbihis ka na do'n!"
Tinulak ko naman siya hanggang sa pinasok ko siya sa kwarto at sinara ang pinto. F*ck, why does it feel like it's our first time?
BINABASA MO ANG
When it Rains (Completed)
Romance[2023 Wattys Awards Shortlisted] Naging mahirap man ang buhay ni Flynn simula noong mawalay siya sa kanyang pamilya, sinusubukan pa rin niyang mamuhay ng normal. Sa kabila nito, malaking pagsubok pa rin ang ikinakaharap niya lalo na kapag bumubuhos...