Three days. It's been three days since I've been up here in his condo. I'm slowly getting used to this kind of setup since he doesn't talk too much to me. Si Tita Alice naman, panay tawag sa akin at kinakamusta. Pakiramdam ko tuloy hindi nila naeenjoy ang bakasyon nila dahil sa pag-aalala sa akin.
Lily is getting used to me also. 'Di na niya ako tinatahulan, yung nga lang, ang sama pa rin ng tingin sa 'kin. Wala naman akong atraso sa aso, pero galit talaga sa akin. May kasalanan siguro ako sa kanya sa past life namin.
Abala naman ako sa plates ko, as usual. Patrick isn't disturbing me either. Actually, may work rin siya na pinagkakaabalahan. Guess, he's an IT specialist or something related to that. I don't know. We don't talk too much. Palagi lang niya ako kinakamusta.
I haven't even told him about what happened a few days ago. Hindi niya ako pinilit, siguro naiintindihan niya rin kasi ayaw ko ring mag-alala sina Tita, at isa pa, ayaw ko ring mapagalitan 'to dahil sa kapabayaan ko.
Though yung payong ko, nawawala pa rin. Hindi ko nga maalala kung sino naghawak no'n. Every time I try to remember, I couldn't recognize her face. Masyado rin akong maging pre-oocupied kakaisip sa payong ko. I have to find it before Tita finds out.
"Hey, you're missing something," gulat kong rinig mula sa likod ko.
"Huh?"
"Look," sabi niya sabay turo sa plate ko. "You missed a letter."
Nagulat na lang ako nang makitang kulang ng letter L yung word na 'title.' While I was freaking out inside, I heard a laugh from him. "Next time, don't lose your attention. Baka may masulat ka na naman na maling word sa plate mo."
Buti na lang, kakasimula ko pa lang ng third sheet ko kaya inulit ko na lang. Ang isa naman, tawang-tawa sa pagkakamali ko. I don't even find this funny at all.
While I was busy again with my plates, Lily went to my side, staring at me. Hindi ko na lang siya pinansin, kakagatin lang naman niya ako 'pag papansinin ko naman, but the next thing she did was jump on the table where I was doing my plates. My cup of hot choco, which was peacefully sitting beside my plates, tumbled and spilled over the papers.
Too late to grab my papers away from the spilled choco. It already stained all my sheets. "WHAT HAVE YOU DONE?!"
The dog knew I was completely mad when she started running away. She left me like nothing happened, and then, her owner showed up. "Oh sh*t."
"Great. Your dog... seemed to be helpful at all."
Bago ko pa pagsalitaan ng masama ang aso niya, kinuha ko ang mga basang plates, saka pumunta sa kwarto at nag-impake. "Sa'n ka naman pupunta—"
"I'm leaving. I'm going home. Thanks for everything."
Nagbihis na ako at handa nang umalis ngunit hinaharangan ako sa pintuan. "Look, sorry for what she did—"
"Your apology won't remove all the stains from my plates. Now I have to start over again on what I've been working on for 2 straight days. Wala pa akong maayos na tulog."
Tahimik lamang siya at nilagpasan ko, pero bigla naman niya hinawakan ang braso ko. "Just stay, okay? Tita will be mad if I let you live alone in your place."
"I'm disturbing your life. Your dog is disturbing me. YOU are disturbing me. Hindi mo pa rin magets? We're not even a couple to always be together."
Pilit kong tinanggal ang kamay niya sa braso at nang bitawan niya ako, saka ako dumiretso palabas ng condo. Pagbukas ko ng pinto, isang babae naman ang sumalubong sa akin.
"Hi, andyan ba si—"
Just before she could finish her words, I passed by her and walked down the hallway. Girlfriend ata niya yun, but whoever she is, I really don't care. I just want to go back home and live peacefully, away from him and his very cruel dog.
Paglabas ko ng building, madilim na labas. But
Of course, it's almost 10 p.m. but I need to go home. May masasakyan pa rin akong taxi sa ganitong oras.
Luckily, may dumaan na taxi na pinara ko. Bago pa niya ako maabutan sa labas ay agad na akong sumakay sa taxi. I immediately told the driver the address kung saan niya ako ibababa, saka niya pinaandar ang sasakyan.
Nang maihatid na ako ng driver sa bahay, agad na akong bumaba at nagbayad. Nadatnan kong tahimik ang bahay. Tatlong araw ko na 'tong di nabisita.
"Ah sir, pwede po ba maki-CR saglit?" sabi ng nasa tabi ko na nakilala kong driver pala ng taxi.
"Ah, sige po," sabi ko sabay bukas ng gate.
Pinatuloy ko muna ang driver sa bahay. Nasa loob kasi ang CR kaya pinapasok ko muna siya saglit. Mukhang mabait naman siya, tsaka hindi rin biro ang trabaho ng driver lalo na't bumibyahe sa gabi.
"Ah kuya doon po ang CR—"
A clicking noise startled me, and I began to tremble in fear. Someone was loading a gun behind me.
"Wag kang sisigaw kung ayaw mong mamatay."
Ramdam kong ititutok niya ang baril sa ulo ko mula sa likuran. Sa takot kong ituloy niya ang balak niya, hindi na ako gumalaw at pigil na pigil ako sa paghinga dahil sa kaba.
"Ibigay mo sa akin ang alahas at pera na makikita dito."
"O-opo."
Tinutulak niya ako papunta sa kwarto nina Tita Alice at Tito Renzo. Pinapadali pa akong pihitin ang pinto ng kwarto. Hindi ko alam kung saan tinatago ni Tita ang mga alahas kaya nagsimula na lang akong buksan ang mga drawer.
"Bilisan mo!"
Idiniin pa niya sa akin baril na mas nagpalakas ng kaba at pangamba ko. Hindi ko maintindihan ang takbo ng isip ko sa mga oras na 'yon.
Nabigla naman kami ng nakarinig kami ng ingay sa nahulog na kalan sa kusina. The man put his arm around my neck while still pointing the gun at my head. "Wag kang mag-ingay."
I'm holding back my tears. Kailangan kong makagawa ng paraan para makatakas sa isang 'to. This isn't my time to die.
He dragged me outside the room, trying to sneak in who was in the kitchen. As far as I know, this house is not haunted, but if it really is, these ghosts are helping me.
One more step, we're about to see the kitchen when the lights went off. All of a sudden, the lights went back on again, but I was surprised by the next thing I saw in the mirror beside me.
There's another gun pointed at the man behind me. Hindi ko makilala kung kaninong kamay iyon dahil kamay lang ang nakikita ko sa salamin, hanggang sa nagsalita ito. "Put the gun down or you'll be dead."
Ramdam ko ang panginginig ng driver na humahawak sa akin. Umikot siya, gayon rin ako, upang harapin ang lalaki, ngunit sumunod rin ang armadong lalaki sa likuran niya. Umikot ulit ang may hawak sa akin ngunit ayaw pa rin siyang harapin ang lalaki, hanggang sa nainis ito at inilayo sa akin ang itinutok niyang baril. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang agawin ang baril nang agad ko siyang pinatid ang kamay niya at ginalaw ang ulo ko paatras para matamaan ang mukha niya.
Nang mabitawan niya ang baril, kumawala ako sa pagkakahawak niya at sinipa ang baril palayo. The next thing I knew, bumagsak na sa sahig ang manong driver at nawalan na ng malay. Nagsipasok naman ang mga nakaunipormeng pulis sa bahay at inaresto ang driver.
I saw Patrick coming into the house, wrapping his arms around me again, yet my eyes were looking back at the stranger who held the gun to save me that night.

BINABASA MO ANG
When it Rains (Completed)
Romance[2023 Wattys Awards Shortlisted] Naging mahirap man ang buhay ni Flynn simula noong mawalay siya sa kanyang pamilya, sinusubukan pa rin niyang mamuhay ng normal. Sa kabila nito, malaking pagsubok pa rin ang ikinakaharap niya lalo na kapag bumubuhos...