CHAPTER 50

252 10 1
                                    




Nasa dagat kami ngayon, nakaupo lang sa buhangin. Nakasandal ako sa balikat ni Patrick, habang si Brian naman ay ando'n kay Manang Duday at inaaliw ng mga kapitbahay namin.

Nakatingin lang kami sa paglubog ng araw sa dagat. The last time we went to a beach, I broke down and nearly drowned myself. Patrick was there that time, and I'm glad he saved me. And I think, my fear of water was finally gone after meeting him. I don't get startled to see any body of water near me anymore. I bet if I still had that phobia, I wouldn't keep myself alive now.

But, I don't know if I should be glad that I had this phobia. Kahit na pinapahamak ako dahil sa takot ko sa ulan at baha, ito naman ang rason kung bakit kinukulit ako ni Patrick noon. I could still remember when Patrick had to take me away from the beach and bring me to the camp where everything between us started. Natawa na lang ako nang maalala 'yon.

He held my hand and spoke. "Masaya pala rito no? Very peaceful, mababait pa mga tao, tsaka maganda pa yung dagat. This is something one would really want when you want to spend the rest of your life together with your family."

"Kaya nga no'ng una, ayaw kong umalis dito kahit sobra ang pinsala ng bagyo dito noon. Kasi alam kong wala na akong makikitang iba pang lugar na ganito kapayapa tulad nitong isla," sabi ko.

He looked at me, catching my eyes. "This was your home, now it's ours."

I smiled. "You're my home, Patrick. You are and forever will be."

Pinalakad naman ni Manang Duday si Brian papunta sa amin at kaagad kong kinuha. "Dadda! Papa!"

Niyakap niya kaming dalawa at biglang hinalikan sa pisngi. Ang kulit-kulit talaga ng batang 'to. "I love you," sabi ko sabay kiss sa pisngi ni Brian.

"Ako? 'Di ba mo ko love?" sabi ng engot sabay pacute pa na parang baby at ngumuso.

"Nakakailang kiss ka na sa 'kin. Tumigil ka."

"Sige na, isa lang. Para mabawi lang yung pagod ko sa mamangka namin."

"Ayaw."

"Ah ayaw mo."


Tinawag niya si Manang Diday at binigay muna sa kanya si Brian. Nag-antay lang ako sa gagawin niya nang bigla niya akong hinila at dinala sa dagat. Kinarga pa niya ako nang pilit kong pumiglas. "HOAY IBABA MO 'KO! ENGOT KA!"

"Ayaw mong magpakiss eh."

Naglakad pa siya at hanggang tuhod na niya ang tubig. "Tang*na Patrick! Kakabihis ko lang—"

Bigla niya akong binitawan at tuluyan akong nabasa. Umahon ako at hinila ang engot kaya basa na rin ang damit niya. "Engot ka talaga no! Kahit kelan!"

Tinulak pa niya ako kaya nawalan ako ng balanse at nabasa ulit. "Habulin mo ko, panget!" pang-aasar niya saka tumakbo.

"Tang*na mo, lagot ka sa akin!"

Hinabol ko siya pero nahirapan pa ako dahil nasa dagat kami. Lumalayo pa ang engot, eh nakalimutan niya atang marunong akong lumangoy. Medyo matagal na rin no'ng lumangoy ako rito sa dagat kaya nanumbalik rin mga masasayang alala ko rito.

Nang maabutan ko siya, hinila ko damit niya at kaagad siyang natumba. "Buti nga sa'yo!"

Lalayo na sana ako ng hinila niya ako at niyakap. "Oh, nabasa na tayong dalawa. Ayaw mo pa rin ba akong bigyan ng kiss?"

"Sa bahay na engot. Ang daming nakatingin."

Pansin kong nakatingin sa amin ang mga kapitbahay namin. Parang ata silang nanood ng teleserye, tutok na tutok talaga sa amin.

Paglingon ko ulit kay Patrick, bigla niya akong hinalikan. Gusto ko pa siyang itulak pero hindi ko na rin napigil ang sarili ko na tumugon sa halik niya.

Itinaas ko ang mga kamay ko at nilagay sa balikat niya habang nakahawak siya sa bewang ko. Nang bumaba na siya sa leeg ko, sinapak ko na talaga siya. "Hoay, sabi mo kiss lang. Engot."

Hiyang-hiya naman akong bumalik sa tabi ng dagat pero kita ko mga simangot na mukha ng mga dalaga habang aliw na aliw naman sina Manang Duday. "Kala namin, nanonood kami ng pelikula," sabi pa ni Manang.

Umuwi kaming basang-basa kasama si Brian. Medyo napagod rin si Brian sa kakalaro kay kaagad na rin siyang nakatulog pagdating sa bahay. Nang binalik ko siya sa kanyang crib, tinawag naman ako ni Patrick at sabay na kaming naligo.

Do'n na rin namin tinapos ang sinimulan niya kanina sa dagat.

Nang makapagbihis na kami, dumiretso na kami sa kama at nagkatabing humiga. Nakaharap kami sa isa't isa at nag-aantay na pumikit ang isa sa amin.

"Di ka makatulog?" tanong ko.

"Di naman sa makatulog, pero sino ba naman 'di makakatulog kung sobrang pogi naman ng asawa ko," pambobola niya.

"Bolero. Tinawag mo nga akong panget kanina."

"Joke lang naman 'yon. 'Di ka naman mabiro."

Ngumiti naman siya na ikinatawa ko. Tapos, lumapit pa siya sa akin hanggang sa isang pulgada na lang lapit ng mga mukha namin. Muli niya akong hinalikan sa labi.

"Gan'to pala feeling na magkapamilya no? Swerte pa ako na ikaw naging asawa ko. Wala talaga akong makitang iba kundi ikaw lang," sabi niya.

Hinawakan ko naman ang pisngi niya. "Sa ating dalawa, ako ang maswerte dahil nakilala kita."

"I love you."

"I love you too."


Nauna na siyang pumikit. Maaga raw kasi sila papalaot bukas para mangisda. Nag-eenjoy na siguro 'to na manghuli ng isda sa dagat. Pansin ko rin ang pangingitim niya. Medyo malayo na mestiso nitong itsura.

Maswerte ako na simula ngayon, tatanda na ako kasama siya. Sabay naming masasaksihan ang paglaki ni Brian. Sabay naming kakaharapin ang mga pagsubok sa buhay bilang isang pamilya—bagay na hindi ko inaasahang mangyari sa buong buhay ko.

Ipapangako naming tatayo kami bilang magulang ni Brian at mahalin siya tulad ng pagmamahal sa amin ng mga magulang namin. Sasabihin rin namin sa kanya ang lahat sa paglaki niya dahil ayaw kong magtago ng sikreto mula sa kanya katulad ng mga kumupkop sa akin.

Nanatili akong gising. Gising pa ang diwa ako hanggang sa biglang bumuhos ang ulan sa labas. 'Di na tulad noon kung manginig ako sa takot dahil lang sa ulan. Sinabayan pa ng kulog ang masamang panahon sa labas, ngunit kampante lang ako.

Alam kong sa tabi ni Patrick, ligtas ako. Magiging ligtas kami. 'Di kami mapapahamak at hinding-hindi ko na hayaang may maiwan pa sa bahay na 'to sa oras at tangayin ng mga alon ng dagat.

I closed my eyes and finally fell asleep in his arms—my partner, my everything, my home.

When it Rains (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon