Since that night, Kuya Alrey has been out of my sight. Parati siyang wala sa bahay, which I totally wouldn't care about much. I heard he traveled somewhere together with her fiancé. Si Ate Reina naman, busy rin sa acads niya, as usual.
While I was doing my homework, someone knocked on the door and went in. "Flynn, nak," Tita, calling me 'nak' again, but I didn't mind.
"Po?"
She gave a smile, which reminded me of my Mama. May pagkakahawig talaga sila ni Mama since magkapatid sila, kaya hindi ko maiwasang magpakalaman siyang Mama ko.
Tita Alice sat on my bed near me. "Nak, kamusta ka?"
"Ah, okay lang po ako. Bakit po, Tita?"
"Just checking on you. 'Lam mo na, busy rin kasi kami ng Tito mo kaya hindi ka na namin nakakamusta."
"Wala naman po kayong ipag-alala sa 'kin. Ipinangako ko naman na hindi na mauuit yung nangyari sa akin no'ng nakaraan."
As she held my hand, I noticed a worried look on her face. "Flynn, pinapasunod kami ng Kuya Alrey mo sa Boracay. Pati Ate Reina mo, sasama rin, kaso ikaw, kaya mo bang sumama sa amin?"
That was the reason why she looked worried. Tinatanong niya ako kung kaya ko bang pumunta roon. Gusto ko naman, kaso, kaya ko ba? That holds me back from answering. I sighed, until I decided to shook my head, which I think she understood. Tita just gave a hug and said, "hindi ka namin ipipilit. But, okay lang ba sa'yo, ikaw lang mag-isa dito sa bahay?"
"Tita, sanay na po ako. Don't worry about me. I can handle myself, " I told her.
She even suggested calling any relative who could accompany me here, but I insisted. Ayaw ko namang makaistorbo pa ng ibang tao para bantayan lang ako. Kaya, sa huli, sumang-ayon na si Tita sa pagtanggi kong sumama at magpaiwan dito sa bahay.
Kinabukasan, nag-impake na sila at iniwan ako. Bilin pa nila sa akin na tumawag sa kanila kapag kailangan. I just have to take care of this house while they're gone, lalo pa't sabi nila magtatagal raw sila ng isang linggo doon sa isla.
While I was cooking for my dinner, the doorbell suddenly rang. I wasn't expecting any guests, and things went tumbling in my mind. Siguro, pinaprank lang ako ng mga dumadaan na residents sa labas kaya sinawalang bahala ko muna. After a while, it rang once more.
Takot at inis ang nararamdaman ko sa oras na iyon. I got the courage to go outside and figure out who was ringing the bell. Paglabas ko, wala akong nadatnan sa labas ng gate. Whoever they are, they're making me freak out at this hour—
"Hi!"
I screamed in terror and was about to strike the person who appeared behind me with my fist. He dodged it right away and burst out laughing. "Hey, hey, it's me, 'kay?"
"The hell are you doing here? Y-You freaked me out! And you're literally trespassing!"
"I'm not. They called me to fetch you, actually. Didn't they tell you?"
Inalala ko ang mga bilin nila ni Tita ngunit wala akong natatandaan na may sinabi sila tungkol sa kanya. "No, kaya bumalik ka na sa inyo at 'wag ka na ulit pumasok rito ng walang pahintulot."
I tried to push him towards the door, but I couldn't. Parang nakadikit ang paa niya sa lupa. "I won't leave you alone here."
"Hindi ko kailangan ng bodyguard, Mr. Villamore."
"Stop holding my chest. It turns me on."
My jaw dropped. It took me a second to get off my hands and onto him. "Excuse me?!—"
A phone rang in the middle of our confrontation with this guy. He purposely put the call on speakers, enough for me to hear their conversation until I recognized Tita's voice on the other end of the line. "Yes, Auntie. He's safe. Mukhang hindi niya ata nacheck ang messages mo kaya hindi niya agad nalaman."
"Please tell him. Nag-aalala ako sa kanya," Tita said through his phone.
"I will, Auntie."
The call ended, and he turned to me again. "You heard her right?"
"But—"
"No, buts. Mag-impake ka dahil sa amin ka muna titira," sabi niya saka niya ako tinalikuran at nilagpasan.
"Well, I'm referring to what you said earlier."
"About my chest?" he grinned. "Just kidding, though... but if you like it, I let you," and he winked.
Gross. Before I get enraged with this guy, I got myself together. I'm not sure what he's up to, but I need to stay on my toes. He might be using Tita para makapunta dito. He's very suspish.
Pinapasok ko siya sa bahay, as if I had another choice. Agad kong chineck ang phone ko at nakita kong tadtad na pala ng messages ang notif ko na hindi ko napansin dahil naka-vibrate mode yung phone ko. Tita's telling me to go with Patrick para maging kampante sila sa akin.
"So, you're cooking," biglang salita ng kasama ko na kumukuha na pala ng ulam sa mesa. Kapal ng mukha.
Bago ko pa siya tigilin ay nagsimula na siyang kumain. "Hmm, sarap mo pala magluto. Pwede na maging housewife—"
Magagalit na sana ako nang bigla siyang nabulunan. Natawa na lamang akong pagmasdan siya. "The hell, water!" sabi pa niya.
Kinulit naman ako ng konsensya ko kaya binigyan ko siya ng isang basong maiinom, pero napaubo naman siya na siyang ikinatawa ko pa. "Sh*t, what did you give me? Ang asim!"
Pinakita ko sa kanya ang bote ng suka at kita ko ang pagsimangot niya. "You, pyschopath!" tawag niya sa akin.
"Then leave. If you don't want to live with a psychopath like me, go back home. I told you, I can handle myself. Stop meddling in my life."
"No."
Tutal nawalan naman ang gana kong kumain, tumalikod na lang ako at tutungo na sana sa kwarto sa taas nang may humila sa braso ko. "Bitawan mo 'ko," I warned him, but his grip on my arm tightened.
Pagharap ko sa kanya, bigla namang kumulog sa labas, nagbabantang magbuhos ng ulan. Our eyes were fixated on each other, seeing how mad he was at that moment. "No one has ever tricked me except you."
"Should I feel honored for it?"
Hindi niya inalis ang mga mata niya sa akin, pero ramdam ko na ang bawat paghinga niya sa sobrang lapit namin sa isa't isa. "Sino ka ba talaga, Flynn?"
BINABASA MO ANG
When it Rains (Completed)
Romance[2023 Wattys Awards Shortlisted] Naging mahirap man ang buhay ni Flynn simula noong mawalay siya sa kanyang pamilya, sinusubukan pa rin niyang mamuhay ng normal. Sa kabila nito, malaking pagsubok pa rin ang ikinakaharap niya lalo na kapag bumubuhos...