CHAPTER 49

176 7 0
                                        




The next morning, we were invited to a small feast by the seashore. It was set-up by our neighbors, who eventually knew a Toralba came back to the island.

"Your family is really known on this island," Patrick said while we were picking our clothes for the feast.

"Maybe," I said. "Back then, kami ang kilala dito dahil sa laki ng bahay namin. Tsaka, dayuhan ang parents ko dito. None of them actually didn't grow up nor had any ancestors here."

Bihisan ko naman si Brian. "Dadda," sabi niya habang sinusuotan ko siya ng tsinelas.

Napangiti naman ako. He has been able to talk since 2 months ago. Akala nga namin may speech delay siya pero ngayon, very frequent niya pagsasalita niya. Dadda tawag niya kay Patrick tapos Papa naman sa akin.

"Pogi ba si Dadda?" tanong niya kay Brian.

'Di naman sumagot si Brian na ikinatawa ko. "Natahimik si Brian sa kapangitan mo," sabi ko.

"Kung pangit ako, 'di na sana ako dinumog ng mga kapitbahay natin kahapon."

"Ah, so feel na feel mo talaga na dumugin ng mga babae tulad kahapon no?"

"Well, kahit dumugin man nila ako, sa'yo naman ako uuwi—"


Sinundot ko naman tagiliran niya. "Kita ko lang dumapo mga mata mo sa mga dalaga sa labas. Malilintikan talaga kita."

Bigla na lang natawa si Brian, as if naiintindihan niya ang pinag-uusapan namin. Weirdo rin 'tong batang 'to, nahawa ata kay Patrick eh.

Lumabas na kami ng bahay at dumiretso sa dalampasigan. Medyo malapit rin naman ang dagat mula sa bahay namin kaya malalakaran lang.

Pagdating namin doon, nadatnan namin ang mga kapitbahay namin na nag-aayos sa mahabang mesa na may mga sari-saring pagkain. 'Di pa kami nakakalapit pero amoy na amoy na namin ang mga pagkaing hinanda nila.

"Ayan na sila," sabi ni Manang nang makita kami.

Nakisalo rin yung tatlong babae na nahuli kong nakatingin kay Patrick kahapon. Lumingon pa talaga ang engot sa tatlo, ayon pasimpleng nagtilian. Kaya, siniko ko siya pasimple. "Subukan mo lang," bulong ko sabay ngiti ulit sa mga kasama namin.

May lechon pa talaga silang hinanda para sa amin. Hindi naman namin mauubos lahat kaya kapag dumaan, agad naming iniimbentahan na makisalo sa hapag.

Natatawa naman ako kay Patrick. 'Di kasi uso magkubyertos kapag gan'to ang ganap. Kaming lahat nagkakamay lang. 'Di siya sanay pero sinusubukan pa rin niya kahit ang kalat niyang kumain.

Kinuha ko naman ang kanin sa pisngi niya. Pero, bigla naman siyang ngumuso. "May kanin ata sa bibig ko. Kunin mo nga gamit bibig."

Walang hiya, hinampas ko siya pero bigla namang naghiyawan ang mga kasama namin. "Naku, bawal maglambingan sa hapag ha."

Ayan tuloy, nahiya ako. Ang engot naman, ang laki ng ngiti. Parang baliw.

Nagpasalamat naman ako kay Manang Duday na siyang nanguna sa handaan. "Maraming salamat po sa handaan ninyo para sa amin. Nag-abala pa po talaga kayo."

"Naku, ibinabalik lang namin yung ginawa ng mga magulang mo sa amin. No'ng dumating sila dito, naghandaan rin sila para sa amin noon. Kaya, maliit na bagay lang 'to," sabi niya.

Karga-karga ko pa naman si Brian. Ayaw naman magpahawak sa iba. Medyo naninibago pa ata siya sa mga tao rito. Pero, inaaliw naman siya ng mga kasama namin.

Nag-aya naman ang binata ni Manang Duday kay Patrick na pumalot ulit. Kaya, sumama ulit siya.

"Ang swerte mo naman sa asawa mo. Gwapo na, mabait pa," sabi ni Eya na isa sa mga dalaga na kanina ko pa kinaiinisan.

"Oo nga. Sana magkaroon rin ako ng katulad niya," sabi ni Yani, katabi ni Eya, na kinurot naman ng nanay niya.

"Ikaw ha, nag-iisip ka ng mag-asawa no?! Ni hindi ka nga makatulong sa pagtitinda ko?!" singhal ng nanay.

Natawa na lang ako. Buti nga sayo. Kanina ko pa talaga napapansin na ang lagkit ng tingin nila kat Patrick.

"Hoy, kayong tatlo, 'wag kayong lapit ng lapit sa asawa niya," biglang sabi naman ni Manang Duday. "Baka gusto niyong multuhin ng mga magulang niya mamayang pagsapit ng gabi."

"Hala ka, Manang. Grabe ka," sabi ni Eya.

Tumingin naman sa akin si Manang. "Ako na bahala sa kanila. Makakasiguro kang wala ng ibang lalapit sa asawa mo."

Mukhang napansin siguro ako ni Manang. "Naku, Manang, 'pag meron man, talagang itatapon ko 'yon sa dagat," sabi ko at natawa na lang.

Habang hinahayaan ko munang maglaro si Brian sa buhangin at ng mga laruan niya, bigla namang may tumawag sa cellphone ko. Nagulat ako kasi wala namang signal dito, pero pagtingin ko, meron na.

Nag-flash sa screen ang pangalan ni Donnabelle at kaagad kong sinagot ang tawag. "Oh, Donna, kamusta? Ba't ka napatawag?"

"Well, okay naman ako. I'm on my 6th month na,"
sabi niya sa kabilang linya. She's pregnant with their first baby. It was funny, dahil unang-una na tinawagan niya no'ng nagpositive siya ay ako, imbes si Johen na asawa niya.

"Kamusta naman kayo jan?" she asked.

"Okay lang din naman. Sobrang bait ng mga kapitbahay namin. May kalaro na si Brian. Tapos si Patrick, pumalaot para mangisda sa dagat."

"Oh my god, did I hear it right? Si Patrick, nangunguha ng fish sa sea?"


Apakaconyo niya. Gan'to ba talaga 'pag buntis?

"Oo, para may pagkakakitaan rin kami dito sa isla. Gusto rin naman naming mamuhay ng normal dito."

"Oh my god, I can't imagine Patrick would do fishing. Wait, uhm—'di ko talaga maimagine. From Vice President ng clothing company nila to fisherman ng isang remote island. Wow, gagawin niya talaga lahat para sa'yo no?"

"Eh ayaw naman niya akong payagan na mangisda ako. Ayon, nagvolunteer."

"Lipat kaya kami jan? Para naman may kasama ako. Lagi kasi wala si Johen. Minsan three days straight duty pa. Buti na lang may nag-aassist sa 'kin dito,"
sabi niya.

"Bisita lang kami jan sa Christening ng baby nyo. Tapos sama kayo sa amin pag-uwi," suggest ko.

"Nice idea—oww, she kicked again. Basta, kayo ang ninong ni Honeybelle ha! Bye muna, mwahhhh!" sabi niya saka pinutol ang tawag.

Bigla namang tinawag ang pangalan ko at paglingon ko, may bisita na dumating kaya kinuha ko si Brian at bumalik sa hapag. "Hijo, siya nga pala ang lider-komunidad natin dito sa isla, si Rodolfo Madarasigan."

"Magandang hapon po," bati ko. Siya ata namumuno dito sa isla. May katandaan na rin at parang pamilyar siya sa akin.

"Magandang hapon, hijo. Ikaw ba ang anak ng mga Toralba?"

"Opo,"
tugon ko.

"Ikinagagalak kong malaman na maayos ang kalagayan mo hanggang ngayon. Alam mo ata na malaki ang naitulong ng iyong pamilya sa isla no'ng nabubuhay pa lamang sila. Kaya, nararapat lamang na magkisayahan dito sa pagbabalik ng isang Toralba sa isla."

"Maraming salamat po."

Nakipagkwentuhan pa kami ng lider-komunidad ng isla na siyang isa rin sa mga nakaabot no'ng buhay pa ang mga magulang at mga kapatid ko. Isa rin siya sa mga nakaligtas sa hagupit ng bagyo na tumama rito.

May nakapagsabi na may nagpaparamdam sa bahay namin kaya walang nagbalak na tumira sa bahay. Siguro pamilya ko raw 'yon na nag-aantay sa pagbalik ko. Sinabi ko naman na wala namang nangyayari sa loob ng bahay namin.

When it Rains (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon