TW: THIS CHAPTER CONTAINS ACTS OF SEXUAL ABUSE AND GUN VIOLENCE.
I have lived under another roof for six years since the supertyphoon took away everything from me—my home, my family. I almost wanted to bury myself with them in their graves. I couldn't accept the fact that they were already gone. Kasama sana nila ako na tinangay. Kahit sa huling hininga nila, sana nando'n ako.
For years, it felt like I was stranded in the same place. I couldn't get any further somewhere else. I couldn't just move on and live my life like nothing happened. Spending the rest of my days was meaningless when I didn't even have someone else to talk to. I just locked myself up in my new bedroom at Tita Alice's house.
Pilit nilang pinaramdam na parte ako ng pamilya nila. Pilit nilang pinaramdam na handa silang tumayo bilang mga magulang ko at ituring akong parang tunay nilang anak. Pilit nilang pinaramdam na may mga handang tatayo bilang kapatid ko. Pilit nilang pinaramdam na hindi na ako mag-iisa.
Pero kahit anong pilit nila, parang nag-iisa pa rin ako.
Every night, I keep on crying. I wish that I could bring myself back to the time when I was about to leave my hometown and stay with my family instead, but I can't. It wasn't possible.
Until Kuya Alrey came into the picture. He tried to be a good brother to me. He tried to talk to me, until I was able to open up to him. I thought I'd found someone I could trust inside the house, but the tables suddenly turned.
One night, he knocked on my door. I was crying at that time. I let him into my bedroom, and he tried to comfort me. I was vulnerable at that time, and he took advantage of me.
It didn't happen only once, but many times. Trinato niya ako na parang manika, ginawang pampalipas-oras. Ilang beses niya akong binaboy. Wala akong magawa kung 'di sumunod. Ni hindi man lang siya nahuli ni Tita Alice o Tito Renzo sa pinaggagawa niya sa akin.
Ginahasa niya ako ng ilang beses.
Kung magsusumbong ako, sino ba naman maniniwala sa akin? Sampid lang ako sa pamilya. Nagpapanggap pang inosente ang gumagahasa sa akin sa harap nina Tita at Tito. Siya rin ang nagsusustento sa pag-aaral ko at sa gastusin sa bahay.
Kanino ba sila papanig kung magsusumbong ako?
Pinagbantaan pa niya ako ng ilang beses. Pinangunahan ako ng takot. Tahimik na lang ako sa kwarto habang nilalaro niya ang katawan ko. Kapalit ng bawat pag-iyak ko ay isang masakit na sampal mula sa kamay niya. Tahimik lang ako habang pinaparausan niya ako.
Habang hinahalay niya ako.
Wala akong mapagsabihan. Habang nagtagal-tagal, parang nasanay na rin ako. Tinanggap ko ang lahat bilang parusa sa pag-iwan sa sarili kong pamilya para lang matupad ang pangarap ko.
One time, I even begged Kuya Alrey to make out with me—to f*ck me harder than he ever did before. I craved his body, his flesh, and let him take control over my body. My cries became loud moans of lust. My tears were replaced with sweat dripping on my skin, and there I saw him just grinning. He was having a good time just watching me go insane that night.
I even thought Kuya Alrey was so great at f*cking me every night, but life does its job much better.
One time, I nearly jumped out of the building in our school. Buti na lang, napigilan ako ni Lori. It was an awful first meeting. At first, I didn't want to trust her just like I did with Kuya Alrey. She promised me she'd be a good friend of mine, and so she was.
That time, tumigil na rin si Kuya Alrey sa pang-aabuso niya sa akin. Paminsan-minsan na rin siya sa bahay. Nagpanggap na lang akong walang nangyari at sinubukan kong magsimula muli.
Pero dahil sa lahat ng sinabi ni Patrick, nanumbalik ang lahat-lahat. Yung sakit at hapdi dulot ng nakaraan ko, mas nadagdagan pa.
Nakatunganga lang ang lahat dahil sa sinabi ko. Even Tita Alice, she was too stunned for what I've revealed in front of them. Kuya Alrey was the most surprised of all of them. He didn't see me coming. Nalaman na ng lahat kung paano niya ako binababoy noon.
I couldn't help myself but burst into tears. "All this time, I was living with a family of liars, opportunists, and a sexual abuser. Nandidiri ka pa sa akin, pero kung tutuusin, diring-diri ako sa inyo."
He was hesitant to respond. He might've still thought, madadala pa rin ako sa pagiging manipulative niya. "You called me your brother, but were you a brother to me?"
"TUMAHIMIK KA!"
Napaatras kami ng naglabas siya ng baril at itinutok sa akin. Hindi ko alam kung saan niya nakuha niya 'yon. Hindi ko alam na magiging ganito siya kabayolente pagdating ng araw na mabubulgar ang baho niya.
"WALA KA NG MAGAWA KUNG 'DI SIRAIN ANG BUHAY KO, HAYOP KA!"
Nasa harap ko si Patrick ngunit pilit ko naman siyang tinutulak palayo. "Patrick, lumayo ka."
"Alrey, ibaba mo ang baril mo," mahinahon na sabi ni Tita Alice sa kanya.
"Ibigay nyo sa akin si Flynn kung ayaw n'yong madamay."
Nasisiraan na talaga siya ng utak. Pati sarili niyang pamilya, handa niyang saktan.
"Patrick, umalis ka na. Ayaw kong may madamay pa rito," sabi ko sa kanya ngunit ayaw pa rin niyang makinig at hinigpit pa ang pagyakap niya sa akin.
Ngayon, itinutok na niya ang baril kay Ate Trisha. "Ayaw nyo talaga?"
"Wag!"
Tinulak ko ng malakas si Patrick, sapat na para bitawan niya ako. Humakbang ako palapit kay Kuya Alrey, ngunit kaagad naman niya itinutok ang baril sa akin.
Huli na para umiwas nang pumutok ang hawak niyang baril, hanggang sa nakaramdam na ako ng hapdi sa ulo ko. Sa lakas ng pwersa ay natumba ako sa sahig. Nakarinig na ako ng pagsigaw nila, kasabay ang malakas na kulog dulot ng masamang panahon.
Nakarinig pa ako ng sunod-sunod na pagputok ng baril.
Mula sa ulo ko, dumaloy ang mainit na likido at kumalat ang mantsa sa damit ko. Ramdam kong may umalalay sa akin.
Hindi ko maintindihan ang nangyayari.
Bumabalik sa isip ko ang mga sigaw at boses na narinig ko sa kasagsagan ng bagyo na tumangay sa aking pamilya. Parang nabibingi na rin ako dahilan upang 'di ko marinig ang nangyayari sa paligid.
Pumipikit na rin ang mga mata ko. Nawawalan ako ng hangin. Hinihingal ako.
Ngunit bago pa man dumilim ang paningin ko, kita ko na hawak na ni Patrick ang baril at ang pagtumba ni Kuya Alrey sa sahig sabay pagdaloy ng dugo mula sa noo niya.
BINABASA MO ANG
When it Rains (Completed)
Romance[2023 Wattys Awards Shortlisted] Naging mahirap man ang buhay ni Flynn simula noong mawalay siya sa kanyang pamilya, sinusubukan pa rin niyang mamuhay ng normal. Sa kabila nito, malaking pagsubok pa rin ang ikinakaharap niya lalo na kapag bumubuhos...
