26

268 17 27
                                    

"Are you okay?" bungad sa akin ni Riley nang makita niya akong naka-upo sa loob ng classroom. I gave her a slight smile at binalik ko na ang tingin ko sa librong binabasa ko.

Mukhang wala nanaman siyang dalang bag dahil sabi niya, wala naman na raw gagawin. Dala-dala lang niya yung water bottle niya at lunch bag.

She sat down beside me at napabuntong hininga siya. .

"You know no matter how much you ask that question, pareho pa rin sagot ko, right?" biro ko at nilingon ko siya ulit.

She rolled her eyes at me. "Ito naman, concerned lang eh. First breakup mo kaya yan." mataray niyang sinabi.

I gave her a reassuring smile. "Okay lang ako, I promise."

"Okay lang pero iyak nang iyak nung isang linggo." balik niya sa akin habang nakangiti, halatang nang-aasar na. Bilis din mag-iba ng mood ng babaeng ito.

"Pinainom mo'ko gaga." I told her, remembering what happened that night. Kalalabas ko palang ng ospital no'n, inaya na niya agad akong uminom. It was the day after he and I... 

Um.

She smirked. "Sabi nila drunken thoughts are honest thoughts." Inirapan ko siya kahit parang totoo naman ang sinasabi niya.

"Kung sino mang nag-sabi no'n, nagsisinungaling siya."

"'I shouldn't have left him, balikan ko na kaya?', 'Riley ang-gaga ko', 'Mahal ko pa rin siy—" she mocked pero agad kong tinakpan ang bibig niya, cutting off her words.

"Shhh! Ang ingay, Janice." I glared before letting out a grin, hindi mapigilan ang ngiti ko.

Napaawang ang labi niya nang tawagan ko siya sa second name niya. "I told you not to call me that!"

"Ang ingay, eh!"

"Siya lang pwede tumawag sa akin diyan." sabi niya habang hinahampas ang braso ko, kinikilig. Naiimagine nanaman niya siguro boses ng jowa niya. She needs help.

I rolled my eyes at her with a grin on my face. "Bakit nakakakilig kasi kapag siya tumatawag sa akin no'n." I mocked her.

"Ay beh, 'wag ka, kinikilig ka rin pag tinatawag kang Mo ni The— ni kumag." napawi ang ngiti ko dahil sa muntikan niyang pag-banggit sa pangalan ni Theo.

I pursed my lips and gave her a tight smile. "Don't get mad at him. Ako yung nakipag-break."

"Kahit na shit ka for asking him to be friends he still shouldn't have let Mel hug him like that. Alam naman siguro niyang overthinkerbell ka pagdating sa babaeng yu— aray ko naman."

I made a 'shoo' motion with my hands. "Ayaw ko na pag-usapan, next topic, next topic."

She sighed before nodding. "So, may date ka na ba for prom?" tanong niya sakin, immediately changing the subject. I appreciated her so much for that.

Umiling ako bago ako nagkibit-balikat. "I'm going alone, or maybe hindi nalang ako sasama, hindi ko alam."

"Friends naman kayong dalawa diba? Why don't you just go together?" sabi niya, mentioning him again, hindi talaga niya ako titigilan kay Theo, no?

"Gaga ka ba, iniyakan ko palang nung isang araw tapos yan sa-suggest mo?"

"Ta's sasabihin niya okay na siya..." She rolled her eyes as she mocked my words. "Ay basta sumama ka, 'kay?"

I nodded before pouting. "'Wag mo nalang isama jowa mo, please." I pleaded, not wanting to be alone at the table. 

For sure lahat sila may dadalhin... Maybe even Theo would bring someone.

Not Over You Yet (Senior Years Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon